Chapter 22 First Game

25.4K 760 115
                                    

"Love isn't perfect. It isn't a fairy tale or a story book and it doesn't always come easy. Love is overcoming obstacles, facing challenges, fighting to be together, holding on and never letting go. It is a short word, easy to spell, difficult to define and impossible to live without. Love is work, but most of all, love is realizing that every hour, every minute, every second of it was worth it because you did it together."

Stef POV

"Salamat sa gabing ito, Hailey." Nangiting sabi ko sa kanya ng inalalayan niya akong makababa ng sasakyan at magkaharap kaming nakatayo sa gilid ng kotse niya ng inihatid na niya ako sa bahay pagkatapos ng parang napaka-enchanted na dinner date namin.

"Thank you din sa pagpayag." Nakangiti ring tugon niya sa akin.

"Nahihiya ako sayo, wala man lang ako naibigay ngayong first month natin." Sabi ko sa kanya at bahagyang napatungo.

Hinawakan niya ako sa baba at masuyong iniangat para muling magtama ang mga mata namin.

"You're wrong, Stef." Malamlam ang mga matang sabi niya. "You gave me something special that I will treasure for the rest of my life."

"A-ano yun?" Curious na tanong ko sa kanya at bahagya pa akong nautal.

"You." Maikling sagot niya.

"Ini-echoss mo lang yata ako eh." Kunwaring biro ko sa kanya para pagtakpan yung totoong nararamdaman ko.

Pene nemen kese kenekeleg eke.

"What?" She laughed the word out.

"Galingan mo bukas ha?" Pag-iiba ko na lang sa usapan.

"Oo naman. Para masolo kita pagkatapos." Nakangising sabi niya saka kumindat pa sa akin.

Pabiro ko naman siyang hinampas sa braso. "Sira ka talaga!"

"Totoo kaya yung sinabi ko." Saad niya.

"Sige na." Natutuwang bigkas ko. "Umuwi ka na para makapagpahinga ka. May laro ka pa bukas." Hinawakan ko siya sa likod at pabirong tinutulak tulak siya papunta sa driver's side.

Natatawa lang naman siyang nagpatianod na lang sa pagtulak-tulak ko sa kanya. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse niya na agad naman niyang isinara saka mabilis akong ninakawan ng halik sa labi.

"Hailey!" Saway ko sa kanya. "Pag nakita tayo ni inay lagot tayo." Nakalabing sabi ko.

"Hindi niya yun nakita." Nakangising sabi niya saka ako hinapit sa beywang at niyakap. "Eh di pag nakita niya at nagalit siya, sasabihin ko na pananagutan kita."

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Ano yun? Sinaunang panahon pa?" Niyakap ko na din siya sa batok.

Inihilig ko yung ulo ko sa balikat niya saka pumikit na may ngiti sa labi. Ang sarap lang ng makulong sa mga bisig niya at madama yung init na nagmumula sa katawan niya.

Di ko namalayan na dumausdos yung dalawang palad niya sa puwet ko saka pinisil ang mga iyon. Bigla tuloy akong napadilat saka nilayo ng kaunti yung katawan ko sa kanya.

Hinampas ko siya sa balikat pero mahina lang naman. "Manyak ka talaga." Saway ko sa kanya.

Tumawa lang naman siya sa akin. "Ang lambot kasi eh." Nakangising sabi niya. "Nakakagigil." Saka gigil na pinisil ulit ako sa butt.

Loko loko talaga eh!

"Umuwi ka na nga!" Sabi ko sa kanya. "Kung saan saan na naman naglalakbay yang mga kamay mo!"

Binuksan ko ulit yung pintuan ng kotse niya at itinulak siya pasakay dun. Tatawa tawa lang naman siya sa akin.

"Nood ka bukas ha?" Paalala niya ulit sa akin ng makapasok na siya sa loob.

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon