Chapter 20 Kiss and Make Up

29.8K 886 104
                                    

"Yeah, I really like someone like you. But I'd rather want to be that person be you."

Hailey POV

Kahit masama pa din yung loob ko kay Stef kinaumagahan, sinundo ko pa din siya bahay nila at sabay kaming papasok sa school.

Sumama lang naman yung loob ko ng di siya nagsabi agad sa akin na textmates pala sila ni Ashley. Alam naman kasi niyang nagseselos ako sa kanya. At alam niya din na alam ko kung gaano niya ka-crush si Ash.

Isa pang kinasasama ng loob ko, para niya akong pinagtabuyan kagabi. Kaya naman di na lang ako tumawag sa kanya kagaya ng nakagiwaan na namin gabi gabi. Di rin ako nagreply sa text messages niya. Di man lang kasi siya nag sorry!

"Salamat, ate Hailey." Sabi sa akin ni Shareen ng makababa na siya ng kotse.

Tumango lang ako sa kanya sabay ngumiti ng tipid. Wala kaming imikan ni Stef habang binabaybay namin ang papunta sa school. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng mai-park ko na yung sasakyan.

Tamang tama naman ang timing ni coach Andy na lumapit sa akin at kinausap ako tungkol sa practice namin mamya.

"M-mauuna na ako." Paalam ni Stef sa akin pero di ako sumagot at naglakad na lang siya papasok sa building niya.

Hindi din ako sumabay sa kanila ni Spencer para mag lunch. Gusto ko iparating sa kanya na masama pa din yung loob ko.

"So, kailan niyo balak simulan yung plano nating mag put up ng coffee shop?" Tanong ni Ashley sa amin ni Jazmine nung nasa tambayan na kami.

Kaya pala pinapapunta ako ni Ash sa bahay nila kagabi dahil dun. Suggestion yun actually ni Jazmine and then pinag-usapan naman naming magpipinsan, kasama na of course si Taz, kung ano yung magiging pangalan, kung ano yung mga gusto naming i-offer sa coffee shop. Gusto din naman namin yung magkaroon kami ng sarili naming pagsisikap. Nasabi namin yun kay tita Dani kagabi at nasiyahan siya sa naisip namin. Maganda daw yung mga bata pa lang kami alam na namin kung paano magsumikap sa buhay.

Magsisimula muna yun sa maliit. Kung ano lang yung kaya namin iambag. May kanya-kanya naman kaming mga trust funds. Ako nakuha ko na at nalipat na yun sa account ko when I turned eighteen last year. Pati din si Jaz at Ash. Si Taz naman in three weeks time pa niya iyon makukuha dahil wala pa siyang eighteen.

Formal namin yun ipe-present sa mga magulang namin this coming Sunday dahil nga kailangan din namin yung suggestions nila and advices since sila naman yung talagang expert when it comes to running a business.

Ayaw din naman naming magpadalus-dalos sa mga decisions namin dahil di rin naman birong pera yung ei-invest namin sa naisip naming negosyo.

"Maybe in two months time?" Sagot naman ni Jaz na tumingin sa akin for approval.

"Sure." Tipid naman na sagot ko.

Napansin naman yata nung dalawa yung pagiging matamlay ko. Saglit na lumayo sa amin si Jaz dahil tumawag sa kanya si David.

"Are you okay?" Agad na tanong sa akin ni Ash ng kami na lang dalawa dun at pinatong pa niya yung kamay niya sa balikat ko. "Kagabi ka pa parang wala sa mood."

"It's nothing." Sabi ko naman. "Hindi lang kami nagkaintidihan ni Stef kagabi pa."

"Whatever it is, I'm here you can tell me." Sabay ngiti sa akin.

Gusto ko sanang ipagtapat sa kanya na siya yung reason kaya lang dumating na si Jazmine eh. Maybe some other time.

"Ash?" Tawag ko sa kanya.

"O?" Nagbaling naman siya ng tingin sa akin.

"You think, may pag-asa pa kayong magkabalikan ni Sam?" Curious na tanong ko.

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon