Chapter 12 Hailey Day?

31.4K 875 132
                                    

"I don't think you understand how important it is for me to hear the sound of your voice every day."

Stef POV

Medyo tinanghali na ako ng gising kinabukasan, araw ng Sabado. Antok na antok pa akong tumingin sa orasan sa may lamesita. Seven thirty na ng umaga. Haist! Kung di lang dahil sa may ito-tutor ako ngayong araw na 'to, matutulog pa sana ako.

Paano naman po kasing di ako mapupuyat, ayaw ipababa ni Hailey yung tawag. Gusto pa yata niya magdamag kaming magkausap. Wala naman kaming masyadong pinag-uusapan. Madami lang siyang tanong. Ang kulit kulit! Daig pa ang imbestigador kung makapagtanong. Kulang na lang itanong din niya kung may mga pangalan yung mga butiki namin dito sa bahay.

Naalala ko pang sinabi ko sa kanya na sa NSO na lang magpunta para dun na lang mag census at wag sa akin. Ang daming tanong!

Bumangon na ako ng kama at nag-inat. Inayos ko muna yun saka nagsuklay ng buhok. Antok pa talaga ako. Naghihikab akong bumaba ng hagdan.

"Good morning, Stef."

Hindi natuloy yung paghihikab ko ng marinig ko yun at makita kong sino yung bumati sa akin. Literal na nanlaki yung mga mata ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Maang na tanong ko kay Hailey na prenteng nakaupo sa luma naming sofa sa may sala, nasa harap nito ang isang tasa ng kape.

"Dinadalaw ka." Nakangiting sagot niya. Pinasadahan pa ako ng tingin, mula ulo hanggang paa. Nakadaster lang kaya ako.

"Nang ganito kaaga?" Gulat na sabi ko sa kanya. "May lahi ka bang intsik?" Nauna pa yata siyang dumalaw sa akin kaysa sa paggising ng kapitbahay namin.

"So? Who cares?" Sagot naman niya at saka sumandal at mataman akong pinagmasdan.

Bigla naman akong nailang sa pagkakatitig niya sa akin. "Pwede ba wag mo nga akong tingnan ng ganyan." Tinakpan ko ng pagtataray yung pagkailang ko.

"Stephanie!" Saway sa akin ni inay ng lumabas ito mula sa kusina. "Ikaw bata ka ang aga aga kagigising mo pa lang nagtataray ka na diyan."

Napakamot ako sa ulo saka nakanguso. Si Hailey naman nakangisi sabay higop ng kape.

"Ay Hailey hija, pagpasensyahan mo yang anak ko minsan may pagkatopak talaga yan!" Sabi pa ni inay sa tatawa tawang si Hailey.

"Nay!" Nakangusong protesta ko. Akalain mo nanay ko sinabing may topak ako? Naman!

"Okay lang ho yun, nanay Ester." Nakangiting sabi ni Hailey.

Nanlaki naman yung mga mata kong biglang napatingin sa kanya. Kailan pa siya nagkaroon ng karapatang tawaging nanay yung nanay ko?

She smiled at me as she wiggled her eyebrows.

"At hija salamat sa binigay mo ha?" Sabi ni inay sa kanya. "Nakakahiya naman sayo. Ang agang birthday gift naman nun para sa akin."

"Teka nay anong regalo sinasabi niyo?" Naguguluhang tanong ko.

"Ah---" Si Hailey ang sumabad. "Nay Ester may pupuntahan po ba kayo? Hatid ko na po kayo?" Sabay tayo pang sabi ni Hailey.

"Hay naku hija wag na. Sa palengke lang ako pupunta magje-jeep na lang ako." Winagayway pa ni inay yung kamay niya. Eh di sila na ang close. "Dito ka na mananghalian ha?" Sabi pa ni inay sa kanya.

"Sige ho nay kahit hapunan pa po kung pwede." Nakangisi pang sabi niya.

"Aba'y syempre naman hija, pwedeng pwede!" Masaya namang tugon ni inay.

Saglit lang, may di ba ako alam sa kanilang dalawa? Bakit parang bigla bigla silang naging close sa isa't isa? Binebenta na ba ako ni inay kay Hailey? Syempre charot lang yung huli!

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon