Chapter 23 First Game Part II

21.9K 791 101
                                    

"I am hopelessly in love with you, no point giving me advice. I have drunk love's poison, no point taking any remedy. They want to chain my feet but what's the point when it is my heart that's gone mad."

Hailey POV

"You look delicious as hell, Montalban."

Kanina pa nagdi-dirty talk sa akin si Skylo just to provoke me. Pero pasensya na, nagbaon ako ngayon ng madaming pasensya dahil gusto kong ipanalo ang larong ito. Para makapagbakasyon kami ni Stef. Yun lang ang dahilan ko at wala ng iba.

"Why don't we try it some time." Mahalay na bulong pa niya sa akin habang binabantayan ako dahil ako ang may tangan ng bola. Minsan pa nga ramdam ko na sinasadya niya akong mahawakan sa dibdib pero binabalewala ko lang yun.

Pagkatapos ng laro, lagot siya sa akin. Bulong ko sa sarili ko.

Habang siya dada ng dada sa akin ng kung ano-ano, ako naman binabasa yung movements niya. Magaling si Skylo at madami akong nababalitaan tungkol sa kanya. Nakita ko na din siya minsan maglaro at isa lang ang masasabi ko, tuso si Skylo sa larong basketball. Physical din siyang makipaglaro.

Ipinasa ko yung bola kay Brianna, small forward namin. Napangisi sa akin si Skylo dahil dun. Pero di niya alam, may game plan na kami. Minsan ako ang ipinapain nila para ma clear yung iba at malayang makapag-shoot o umatake dun sa basket.

Mabilis akong tumakbo papunta sa left side at agad ipinasa sa akin ni Brianna yung bola at mabilis ko naman iyon pinakawalan.

Two-point shot from Hailey Montalban! Nakangising bulong ko sa loob loob ko.

Hiyawan naman ang crowd lalong lalo na ang mga taga suporta ng MGU. Naningkit naman ang mga mata ni Skylo sa akin. Hawak niya ngayon ang bola at alam ko na kung anong gagawin niya. Susubukan niya akong ma-foul. Dalawa na ang foul ko dahil di ako masyado nag-ingat kaninang first quarter at ngayon nga ay patapos na ang second quarter.

She dribbled the ball expertly. Inatake niya ako but I stood my ground at natumba ako sa lakas ng impact nun.

"Offensive foul!" Sipol nung referee.

Agad na nagreklamo si Skylo dun sa referee at narinig ko pa yung pagmumura niya.

"Technical foul." Na charge san ang St. Mary's ng technical foul.

Hayun pinaupo na tuloy siya ng coach nila. Tinulungan naman ako ng mga teammates ko na bumangon. Magfe-free throw ako ng isang beses dahil sa technical foul plus ball possession dahil naman sa offensive foul.

Naipasok ko naman yung free throw ko. Dikit talaga ang laban, 53-50. Lamang lang kami ng tatlo. Naka 18 points na ako, 2 steals at 9 rebounds hanggang second quarter.

"Last two minutes!" Narinig kong anunsiyo ng announcer.

Kailangan naming lumamang kahit sana sampu lang bago mag end ang first half. Pero di naman yun naipasok ni Charity, yung point guard namin. Na rebound tuloy nung kalaban at pinagpasapasaan nila hanggang sa inatake nila yung basket pero nasupalpal naman ni Hyacinth, center namin, yung tira sana nung player nila sa kabilang team. Na-foul siya dahil natampal niya yung kamay nung kalaban.

Nagpunta sa free throw line yung kalaban at magso-shoot ng dalawang beses. Naipasok niya yung una pero hindi na yung huli. Na-rebound naman agad iyon ni Hyacinth at agad sinecure yung bola. Sa pagpa-practice namin, nakita ko na may chemistry kami ni Hyacinth sa loob ng court. Kumbaga, kaya naming basahin yung senyas ng bawat isa. Kahit sa simpleng tingin lang.

Ipinasa niyang muli sa akin yung bola at aatake sana ako para i-shoot yun pero nakita kong tatlo na silang bantay ko kaya agad ko iyong ipinasa kay Hyacinth. Dinunk naman niya agad yun para sure na daw yung score.

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon