Chapter 21 First Month

30.4K 768 58
                                    

"My perfect day has nothing to do with the weather or whatever I'm doing. My perfect day is whenever I'm with you."

Hailey POV

"So siya pala si PO2 Chyler dela Rosa." Bulong ko kay Jazmine habang ang mga mata ko'y nasa matangkad na babaeng animo'y isang agent sa suot nitong all black at mataman na nakamasid lang sa paligid, nung lunch break namin.

"Yes." She hissed with a proud smile on her face while looking intently at Chyler's serious face. Di yata marunong ngumiti.

"Kaya pala nahihirapan kang mapaibig si pulis patola eh." Palatak ko sa kanya. Ang lakas pala talaga ng dating nito kahit di ito masalita.

Umismid siya sa akin. "Gusto din ako niyan ayaw lang niyang aminin." Mayabang na sagot niya.

"Akitin mo na lang kasi tsaka mo pikutin." Udyok ko sa kanya.

"Malapit ko na ding gawin iyon." Agad namang sabi niya sa akin na nakangisi pa.

Bilib na talaga ako sa pinsan kong ito sa lakas ng tama niya kay Chyler. Gagawin talaga lahat mapaibig lang niya ang mailap na pulis patola na 'to.

Nagpaalam muna ako saglit sa kanila para sunduin si Stef sa may building kung saan naroon yung gazette team. Sabay kaming magla-lunch. Nauna na nga yung dalawa kong pinsan kasama si Chyler na nakabuntot lang kay Jaz. At alam ko namang pabor lahat yun kay Jazmine.

Actually, first month namin ngayon ni Stef as a couple. Yup. Isang buwan na ang nakalipas simula ng ehem... nakuha ko siya. At mukhang kailangan kong mag-escape ng practice namin mamyang hapon para naman mai-date ko siya ngayong gabi.

Sa totoo lang, naipalaam ko na din siya kay inay Ester kaninang umaga ng sinundo ko siya sa kanila pero walang kaalam alam si Stef. Surprise ko sa kanya yung date namin mamya.

"Tapos na?" Tanong ko sa kanya ng lumabas na sila ni Spencer sa loob ng gazette office.

"Oo." Nakangiting sagot niya sa akin. "Kanina ka pa ba diyan?"

Umiling ako saka ko kinuha yung kamay niya at naglakad na kami papunta sa cafeteria. Napansin ko naman si Spencer na hindi na talaga sinusuot yung makapal na eyeglasses niya.

"Naks, ang ganda na naman ngayon ni Spencer." Puna ko sa kanya sa pabirong tono.

Nag-blush naman siya. "F-for a change." Nahihiyang sabi niya.

"In love ka ba, Spence?" Biro ko sa kanya.

Natawa siya ng mahina sa sinabi ko. "Hindi."

"May girlfriend ka na ba?" Tanong ko pa sa kanya.

"Wala. Hindi naman ako lesbian." Sagot niya.

"Talaga?" Manghang sabi ko. "Hindi ka rin bisexual?"

Umiling siya. "Nope."

Nang may maisip akong kapilyahan. "Mahilig ka ba magsuot ng red underwear, Spencer?" Bigla naman akong kinurot ni Stef sa tagiliran. "Aray ko!" Sabay himas dun sa kinurot niya ang sakit eh.
"Kung ano ano pinagtatanong mo kay Spencer!" Saway niya sa akin. "Ang bastos mo talaga." Saka ako inirapan.

"Nagtatanong lang naman ako kung mahilig siya sa re---"

Inumangan niya ako ng suntok. "Sige ituloy mo pa yan sasamain ka sa akin."

"Babe naman." Palatak ko.

"Babe mo mukha mo!" Saka ako inirapan na naman. "Huwag mo ngang pinagti-tripan yung bestfriend ko."

"Balak ko kasi siyang ireto kay Taz." Sabi ko sa kanya.

Nanlaki yung mata niya sa akin. "Ay please lang, Hailey. Wag na si Taz." Sabi niya. "Kung gaano ka kababaero, mas pa yung pinsan mong yun."

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon