Chapter 5 Better Match

30.6K 824 141
                                    

"There is no better much than me and you."


Hailey POV


"I've heard may bago kang subject ngayon sa school niyo?" Tanong sa akin ni Taz, short for Taylor Zandra, ng hapong iyon habang nasa mini basketball court kami sa likod ng bahay namin dito sa Makati.

May condo sila ni Jaz dito sa Makati at dito sila nag i stay kasama si Tita Arabella. Si tita Alex naman umuuwi paminsan minsan sa Batangas para i-check yung hacienda nila. Pina-manage na din niya yung plantation niya kay tita Joan, anak nung namayapa nilang mayordoma na siya daw nagpalaki na sa kanya simula nung mawala ang parents niya at ang great grandparents namin.

Nakangiting nagkibit balikat lang ako sa kanya saka ako nag-shoot sa ring. Tsk! Wala pa ring kupas. Magaling pa rin ako mag shoot sa may 3-point line.

"At nalaman ko din na ikaw na pala ang naghahabol sa chicks ngayon." May himig panunuyang sabi pa niya ng kinuha ko yung bola ng basketball.

"That's not true!" Matigas na tanggi ko sa kanya.

Araw yun ng Sabado, walang pasok kaya naman nakuha ako nitong dalawin. Kami talaga ni Taz ang magkasundong magkasundo lalo na sa mga kalokohan.

Taz is a one hell gorgeous girl. Sa mata palang nitong kulay berde na tinatawag nilang soulful eyes, ay mabibighani ka na sa kanya. Pero wag ka, madami yang itinatagong kabastusan sa katawan. Kaya magkasundo kami nito eh kahit ahead ako sa kanya ng isang taon.

Ngumisi siya sa akin saka kinuha yung bolang hawak ko at nag shoot din sa may 3-point line. Pinsan ko nga talaga siya dahil pareho kaming magaling sa basketball. Black belter din siya sa taekwondo.

Agad ko naman yun tinakbo saka ni-lay up. Hindi naman kami professionally naglalaro ni Taz. Parang hobby lang talaga namin ang mag-basketball. Hindi rin naman ako sumasali sa school team. Ayoko kasi ng minamanduhan ako kung ano ang gagawin. I played by my own set of rules.

"Ano bang meron sa Stephanie na yun at hinahabol mo?" Tanong pa niya sa akin.

"Hindi ko nga siya hinahabol." Pagtatama ko sa kanya habang nagdi-dribble ng bola.

"Anselmo---"

Bago pa niya maituloy yung sasabihin niya ay binato ko sa kanya yung bola na agad naman niyang nasalo.

"Taylor Zandra, how many times do I have to tell you never call me by that stupid name?" Asar na sabi ko.

Tumawa lang siya saka nag-shoot. Hinayaan na lang niya yung bolang tumatalbog talbog sa kung saan man iyon patungo.

"Okay, I'm sorry." Tatawa tawang sabi niya sa akin saka umupo sa may wooden bench dun sa gilid na napipinturahan ng puti saka uminom ng juice na nandun na kanina pa inilapag ng kasambahay namin.

Umupo ako sa tabi niya. "How about you?" Tanong ko at ininom din yung juice ko pagkatapos ko magpunas ng pawis sa mukha. "Balita ko may bago ka na namang girlfriend. Pang ilan na ba yan this week?"

She laugh again. "Three I think?" Proud pa niyang sabi.

"Grabe ka, Taz! Ikaw na ang dakilang player ng pamilya Montalban." Iiling iling na sambit ko na natatawa.

I'm a player pero hindi naman ako ganun kabilis magpalit ng girlfriend. Ngayon nga eh wala akong girlfriend. Mag to-two months ng wala. And I don't know why parang I grew tired of playing fire. Boring din sila minsan and demanding. Gusto nila palagi mo silang tinetext o tinatawagan o di kaya naman, kasama.

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon