Chapter 10 After the Fire

40K 905 174
                                    

"Look, I know we are not together or anything, but no one else is allowed to date you, okay?"

Stef POV

Naguguluhan ako ng mga sandaling iyon. Wala sa amin ang umiimik pagkatapos ng nangyare. Nakahiga ako patalikod sa kanya habang kipkip sa dibdib ko yung kumot na nakatakip sa hubad kong katawan. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa nangyare. Para iyong kidlat na bigla bigla na lang tumama sa lupa.

Naibigay ko yung sarili ko kay Hailey ng ganun kabilis? Napapikit ako sa isiping iyon. Gusto ko umiyak pero wala ni isa mang luhang gustong kumawala.

Akala ko ba sila ni Prof. Samantha? Bakit niya ako... haist. Ang bigat ng kalooban ko.

Ang tanga mo kasi Stef! Pwede ka naman kasi tumanggi kanina. Pwede ka din sanang lumaban pero hindi. Hinayaan mo lang siya. Sermon sa akin ng aking isipan.

Narinig ko siyang huminga ng malalim ng sunod sunod. Naramdaman kong lumundo yung kama. Napapitlag pa ako ng may kamay na yumakap sa beywang ko at may mainit na labing humalik sa balikat ko.

Bigla akong nagmulat ng mga mata. Dapat maging alerto na yung isipan ko para di na naman magpadala agad agad.

Nilayo ko ng konti yung katawan ko sa mainit na katawan niya. Tumigil siya sa paghalik sa balikat ko.

"Look Stephanie." She said curtly. "I will never say sorry for what happened between us."

Hindi ako kumibo o tumingin man lang sa kanya. Hinayaan ko lang siyang magsalita.

"Starting from now on, you're mine." Pagalit na sabi niya saka lumayo sa akin at bumaba ng kama.

Narinig kong may bumukas na pinto at saka sumara din yun. Marahil ay nagtungo siya sa banyo. Ako naman ngayon ang napabuntong hininga. Muli kong ipinikit ang aking mga mata. Parang bigla akong inantok.

Naalimpungatan ako sa malamig na pakiramdam na iyon. Pilit kong iminulat ang mga mata ko. Saglit pa akong naguluhan kung nasan ba ako. Pero ng maalala ko yung nangyare, muli na naman akong napabuntong hininga.

Hailey took my first kiss and my first... sex.

Shit! Kung anu ano na pumapasok sa utak ko! Kakagising ko pa lang! Sabi ko sa sarili ko.

Naka full blast yata yung aircon ang lamig kasi. Pero nung tingnan ko yung sarili ko, wala na pala akong kumot. Kaya pala. Pinilit kong maupo sa kama. Ang sakit ng katawan ko. Para akong nakipagbuno. Masakit din balakang ko.

Hinila ko yung kumot para matakpan yung katawan ko. Iginala ko yung mga mata ko sa loob ng kuwarto. Ang gara naman. Ang lawak pa. Baka four times nito yung kuwarto ko o mas higit pa.

Pinakiramdaman ko yung paligid, parang wala akong kasama. Iniwan na ba ako dito ni Hailey?

Dali dali akong bumaba ng kama. Wala na yung mga damit niya sa sahig. Yung damit ko naman nasa may sofa sa gilid. Sira na yung blouse ko. Wala akong maisuot.

Kipkip yung kumot ay lumabas ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Wala kong nakitang senyales na nandito si Hailey. Medyo madilim din kasi yung dim light lang paakyat sa hagdan ang nakabukas.

Parang gusto kong umiyak. Pagkatapos ng nangyare iniwan na lang niya ako mag isa dito. Napaka ewan talaga ng babaeng yun!

Narinig kong may tumunog nang nakatayo ako sa may gitna ng living room. Nakita kong parang may umiilaw na kulay berde sa gilid ng main door. At yun nga ilang segundo lang ay bumukas na iyon at pumasok si Hailey na di na magkandaugaga sa mga bitbit tapos may kagat kagat pang dalawang plastic na baso na nakalagay sa take out box. Agad niyang kinapa yung switch ng ilaw at bumaha iyon sa may living room.

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon