Chapter 17 Meeting Her Family

29.2K 838 105
                                    

"I am absolutely, definitely, positively, unquestionably, no strings attached, beyond any doubt, unconditionally in love with you."


Stef POV


"Kaya mo yan." Bulong sa akin ni Hailey sabay pisil sa hawak hawak niyang kamay ko habang papasok kami sa kusina kung saan naroon si inay.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni inay kapag nalaman niyang may girlfriend na ako.

Sana naman wag siyang magalit sa akin.

"May mga natira pa yatang kaunting pancit diyan, mag-uwi na lang kayo." Narinig kong sabi ni inay sa mga kaibigan slash kapitbahay namin na tumulong sa pagliligpit ng mga nagamit kanina.

Hawak hawak ko yung kamay ni Hailey na nakatago sa likuran ko ng nakapasok na kami sa loob.

"N-nay?" Shaky pa yung boses ko ng tawagin ko siya.

"O?" Takang sambit niya at saka pinaglipat ang tingin sa amin ni Hailey.

"M-may ipagtatapat po sana ako... I mean, kami, sa inyo." Kinakabahang saad ko.

Naramdaman ko na naman ang bahagyang pagpisil ni Hailey sa kamay ko na parang binibigyan niya ako ng lakas ng loob para magtapat kay inay.

Nagtatanong na nagtataka ang mga mata ni inay na nakatingin sa akin at manaka-nakang sumusulyap kay Hailey.

"Nay, ano po kasi...uhm...kuwan po..." Para na akong maiihi.

Ganito pala kapag ipapakilala mp na yung girlfriend mo sa magulang mo?

"Girlfriend ko na po ang anak niyo." Si Hailey ang nagtuloy at direretsong sinabi yun sa nanay ko.

Maang na napatingin ako sa kanya. Siniko ko siya sa tagiliran.

"Bakit mo sinabi agad?" Mahinang sabi ko. "Sana dinahan-dahan mo naman."

Tumingin ako kay inay at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa amin ni Hailey. Bigla siyang napaupo sa may lamesa.

"Hali nga kayong dalawa dito at mag-uusap usap tayo." Sabi niya sa amin ni Hailey.

Kinakabahang sumunod ako, kasama si Hailey, na naupo sa katapat na upuan ni inay.

"Kailan pa 'to?" Seryosong tanong niya sa amin, but particularly to me.

"M-mag iisang buwan na po." Nakayukong sagot ko.

Narinig ko si inay na napabuntong hininga. "Stef, kailab ka pa natutong magtago sa akin?" May hinanakit sa boses na sabi niya.

Naiiyak na nag-angat ako ng ulo para salubungin yung tingin ni inay. Di naman siya galit.

"S-sorry po, nay." Napakagat labing sabi ko. "Natakot lang po kasi akong magsabi sayo eh."

"Ano naman ikinatatakot mo sa akin, Stef?" Agad na tugon niya. "Anak, hindi naman kita pinagbabawalan na makipagrelasyon. Ang sa akin lang naman sana, magsabi ka sa akin. Kayo." Pangaral niya.

"Humihingi din po ako ng despensa." Saka bahagyang yumuko na sabi ni Hailey.

Muli ay napabuntong hininga si inay. "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandiyan na yan." Sabi ni inay. "Pero ang gusto ko, Stephanie, yang pag aaral mo ha? Wag na wag mong pababayaan."

"O-opo, nay." Sagot ko.

"At wala na munang pagtatalik ha?"

Napaubo si Hailey sa narinig.

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon