Chapter 2 The Player

36.1K 903 107
                                    

"I don't care how many people are in the world. I want you. End of story."


Hailey POV

"What was that?" Tanong sa akin ng pinsan kong si Ashley ng nasa tambayan kami dito lang sa may secret garden comes lunch break period.

"It was just a show." I replied to her na parang nababagot habang nakaupo na halos nakahiga na sa isang bench dun na gawa sa kahoy at sila ay nakaupo din sa magkabilaang pang isahang upuan na gawa din sa kahoy.

It's peaceful here and kami lang talaga ang allowed na nagpupunta dito. This is our meeting place... kaming mga magpipinsan. Si Ashley, Jazmine and ako.

"Come on, Hailey." Sabad naman ni Jaz. "We all know that was not just a show."

I looked at them in disbelief. "Come on guys, I told you it's nothing!"

"You've gone too far Anselmo, that's not funny anymore." Sabi pa sa akin ni Jaz.

Napaismid ako ng tinawag niya akong Anselmo. Si mom kasi nakwento pa sa kanila na tawang tawa ako nung bata ako kapag nakukwento niya sa akin yung manok daw nun nung lolo namin na binato niya tapos namatay dahil lang sa nagising siya nung tumilaok ito. Hayan tuloy yun na ang pang-alaska ng mga pinsan ko sa akin.

Umayos ako ng upo mula sa pagkakasandal ko sa wooden bench. "Hey, what's wrong with that? I just touched her butt!" Depensa ko.

"Merely?" Si Ashley na di naniniwala sa sinabi ko.

"Okay, I squeezed it too." Walang nagawang amin ko.

"And?" Demand pa ni Ash.

I rolled my eyes. "Kissed her lips."

Nakangiting iiling iling si Jaz sa akin. Alam na alam kasi ng mga 'to yung ugali ko at mga kalukuhang pinaggagawa ko.

Unlike Ashley, siya yung modelo ng mga mabubuting estudyante. Tahimik lang siya, mabait, napaka-gentlewoman, matalino din siya. Haist, nasa kanya na lahat ng magagandang katangian. Mahilig siya maglaro ng volleyball. Though she knows how to play, soccer, chess, karate, boxing etc. Basta madami siyang alam gawin.

Yun lang, yung kulay brown niyang buhok pinakulayan niya ng dirty blonde para magkamukha daw sila ng mommy Camille niya. And she's gay.

Si Jaz naman, socialites. Maarte din most of the time at mataray din siya paminsan minsan. But she's always maintaining that poise and composure. Magaling din siyang magtago ng nararamdaman. She's a control freak. At pilit din niyang sinasabi sa sarili na hindi siya lesbian. Na mas straight pa daw siya sa ruler. She likes to play fencing and martial arts. She's taking up Business Management like me and Ashley. Second year kami nitong si Jaz at third year na si Ashley dahil mas nauna siya sa amin ni Jaz ng isang taon.

Ako? Well, ako lang naman ang pinakamaganda sa aming mga magpipinsan. Pinakasikat din at pinakahahangahan dito sa school kahit pa sinasabihan akong super duper bratinella, mayabang, at kung ano pa and I don't care about the rest. Di yun makakabawas sa pagiging famous ko. Habulin din ako ng mga chicks at nagkakandarapa sila para lang mapansin ko.

At hindi lang naman ako basta nagyayabang ng wala namang ipinagmamayabang. Matalino din naman ako kaya lang tamad lang talaga mag-aral. Mabait din naman ako, lalo na kapag tulog. I'm beyond average in, baskteball, boxing, volleyball... and I love swimming. Pare-pareho din kaming in enrol dati ng mga magulang namin sa martial arts para daw alam namin kung paano protektahan mga sarili namin at di lalaking lampa.

Pero yung kanina, si Stephanie. Isa siyang malaking hangal sa pagsampal sa akin. Not once but twice, huh? Siya pa lang nakakasampal sa akin at wala pang sinuman nangahas na saktan ako not even my parents. Siya pa lang nakakasagot sagot sa akin ng ganun. Tsk. Di pa kasi ako lubusang kilala.

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon