"Anak, napalayas na ako sa pinagta-trabahuhan ko."

"A-ano?"

"Hindi nag-out of town ang mga amo ko. Nag-aasikaso ako ng mga papeles at bukas na bukas, aalis na tayo."

I chuckled bitterly. "Pwes, hindi ako sasama."

Napatungo si nanay at bumuntong hininga siya.

"Nakapaghanda ako sa magiging sagot mo, Nate. Naipag-asikaso ko rin ng mga papeles si Lance at Mac. Kung ayaw mong sumama, sila ang isasama ko."

Sabi niya. Pumikit ako at pilit kong pinakalma ang sarili ko. Hangga't maaari, ayokong mamili. Ayokong may umalis.

Hindi ko na sila pinansin at pumasok na ako sa kwarto ko. Maging si kuya JP ay walang magawa.

So ganun na lang? Bukas na? Agad-agad? Aba walang hiya.

Napasalampak ako sa higaan ko. Ano bang dapat kong maramdaman? Matuwa? Umiyak? Magluksa? Mag-alala o magsisi? Nakakabaliw.

Parang kanina lang na kina Drew pa ako. Nakakatawa pa ako. Pero ngayon, kahit pagngiti hindi ko na magawa.

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Pinilit kong i-absorb ng utak ko ang lahat. Nakakasama ng loob na itinago nila sa akin 'to. Oo, pinangarap ko rin dati na makapunta sa ibang bansa pero hindi sa ganitong paraan. Hindi ko kayang isuko ang pag-aaral ng dalawa kong kuya kapalit ng akin. Hindi ako ganun ka-makasarili.

 Biglang bumukas ang kwarto ko at pumasok si kuya Mac at Lance.

 "Hoy bakla, nagda-drama ka?" Kahit hindi sila magpakilala, alam kong boses 'yun ni kuya Mac. Si kuya Mac kasi ang pinaka-magaspang sa kanila.

"Drama mo mukha mo. Sumama na kayo kay nanay kung gusto nyo." Sabi ko at tinalikuran ko sila.

Bigla naman nila akong kiniliti kaya halos mapaliyad at malaglag ako sa higaan kong hindi kama.

"Kuya anuba!!" Sabi ko. Tumigil naman sila at tawa pa rin sila ng tawa.

Pagtigil nila sa pagtawa ay unti-unting sumeryoso ang mukha nila.

 "Nate, ayaw naman talaga naming sumama. Gusto namin dito lang. Magkakasama tayong magkakapatid. Pero 'yung gusto ni nanay para sa atin, ayoko namang sirain 'yun. Hindi natin maipagkakaila kung gaano natin siya kamahal at kung gaano siya naging mabuting ina sa atin. Mahal na mahal nya tayo kaya nya ito nagagawa." Sabi ni kuya Lance.

"A-ano ba kasing gagawin nya doon? DH? Malaki ba sahod ng DH?" Tanong ko.

"Nate, wag mong minamaliit ang DH aba! Dahil sa kanila maraming mga kabataang may mga magulang na OFW ang may magandang kinabukasan!" Si kuya Mac.

"So sasama nga kayo?!" Tanong ko sa kanila.

Hindi agad sila nakapagsalita at tumungo lang sila.

"Don't worry, Nate. Hindi naman papayag si kuya na tumigil ka sa pag-aaral. Susuportahan ka nya dito. At si Arnold? Mabait daw 'yun. Wag kang mag-alala. Pagkatapos na pagkatapos ng scholarship doon ay uuwi kami dito."

Sabi ni kuya. Pilitin ko mang tanggapin ang sinabi nila, tumulo pa rin ang luha ko at hindi ko na lang ito ipinahalata sa kanila. Hanggang sa makatulog na ako.

  ~*~ 


Nagising ako nang maaga. It's already 4:51 am. Sa mga oras na 'to, naghahanda na ako sa pagpasok ko. Pero parang ang bigat-bigat ng katawan ko.  Napadako ang tingin ko sa maliit na lamesita sa kwarto ko at napansin ko ang isang nakatiklop na papel.

 Kinuha ko ito at binasa.

 "Nate, 

Hoy bakla! Joke lang. Yow kapatid! Umalis na kami.

Pain ☑️Where stories live. Discover now