twstd : 20

2.5K 106 41
                                    

Hindi ko alam kung ilang segundo, minuto o oras na ba akong nakatitig sa kaniya. Ang alam ko lang ay gustong gusto ko siyang pagmasdan. Gusto kong i-memorize ang kaniyang mukha sa'king isipan. Hindi pa rin ako makapaniwala na nahahawakan, nayayakap, nahahalikan at nagagawa ko na siyang titigan ng matagal. Matapos ang lahat, heto ako at kasama ko pa rin siya.

Siya, na hindi bumitaw sa'kin sa kabila ng lahat ng hirap, pagod at sakit na napagdaanan ko - namin. Siya, na nagpawi ng luhang may kasamang sa'kit sa'king mga mata. Siya, na nagparamdam sa'kin na masayang mabuhay sa mundo - at hindi lang puro kalungkutan ang dala nito. At siya, na nagbigay sa'kin ng pag asa na magmahal ulit.

Ngunit sa pagtitig ko sa mukha niya - ay isang alaala ang nagsisimulang bumalik. Alaala na gugustuhin ko na lang na ibaon sa hukay at h'wag na muling maalala.

Minsan masasabi na lang natin na gusto natin silang makitang masaya, ngunit ang totoo. . . gusto pa rin talaga natin na maging dahilan kung bakit sila nakangiti. Pero natatakot ako na baka pag na sa'kin na siya ay hindi na siya maging masaya pa.

Kailanman ay hindi ko pinagsisisihan na nakilala ko siya, pero minsan naisip ko na sana una pa lang naglakad na ako palayo. . . na sana una pa lang hindi ko na tinanggap ang kamay niya para magpakilala. Kung sana 'yun ang ginawa ko. . . edi sana hindi ito mangyayari sa'kin - samin. Gayunpaman, once upon a time he was exactly what I needed.

"Karylle. . ." Dinig kong salita niya. Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang hininga niya na dumapo sa'king batok. Ang kamay niyang hindi ko inaasahan na yayakap sa'king muli. . . at siya mismo na hindi ko inaasahang hahabulin at pipigilan ako sa gusto kong mangyari. "Don't do this. Look, I'm sorry hindi ko sinasadya. Mahal na mahal kita. Sabihin mo sa'kin na mahal mo din ako."

Marahan kong pinikit ang aking mga mata at tinikom ang bibig upang hindi tuluyan kumawala ang mga hikbi. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa'king bewang at pwersahang tinanggal ito. "Mahal din kita. . ." Huminto ako at huminga ng malalim, dahil pakiramdam ko'y nauubusan na ako ng hininga. "Pero nakakapagod na." Pagkatapos no'n ay nagpakawala ako ng isang hikbi - na nagsasabing suko na ako.

"K, I love you." Nagsubok muli siyang yakapin ako mula sa likuran, ngunit hindi na ako nagpaubaya. Hinarap ko siya.

"Vice, Tama na. Ayoko na."

"Ano gano'n na lang ba 'yon? K, naman. Sayang e. . . sayang 'yung labing isang taon na pagsasama, sayang 'yung magiging tayo. Please naman, h'wag ka naman sumuko kaagad."

"Pinaglaban ko, Vice. Pinilit ko kahit ang sakit sakit na, kahit durog na durog na ako. Pinaglaban kita. . . but you never even lifted one finger for me. Kaya heto na, ito na 'yon - this is me giving up on you." Madamdamin kong paglalahad. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko.

Nakita ko kung paano ang kamay niyang umangat at nagtungo sa'king pisngi. Pinunasan niya ito gamit ang kaniyang hinlalaki. "Sorry if I cause you too much pain."

Bawat salitang kaniyang binibigkas, bawat hikbing kanyang pinapakawalan at bawat luhang tumutulo sa kaniyang mga mata. . . katumbas no'n ang isang dosenang aspile na tumutusok sa'kin.

"Sana gano'n lang kadali. . . sana katumbas lang ng salitang sorry ang lahat ng sakit na naramdaman ko. Sana lahat ng 'to kayang idaan ng sinasabi mong sorry. Pero hindi e. Minahal kita, pero hindi mo pinahalagahan." Pagbuhos ko ng tinatago kong damdamin. Kasabay ng pagbuhos ng matinding luha. Umiiyak ako, hindi dahil sa mahina ako. It's because I've been strong for too long. "Handa akong ipaglaban kung anumang mayro'n tayo, hanggang sa napagtanto ko na. . . ako lang pala 'yung lumalaban."

"Sorry. Please, magsimula tayong muli. Ipaglaban natin 'to."

"I love you, but you aren't worth the fight anymore."

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now