twstd : 1

2.7K 75 1
                                    

"Wala naman akong mapapala diyan sa mga lalake na 'yan." Sabi ko.

Nagtatalo na naman kasi kami - at ang topic ay ang love life ko. Isa-isa kong tinignan ang mga libro dito sa national bookstore.

Umaasa na may mapusuan kahit na isa o dalawang libro na pwede kong basahin.


"Sa panahon ngayon, bes laganap na ang love life. Hindi ka man lang ba na iinggit sa ibang tao? Sila may love life ikaw wala?" Pagpupumilit ni Vice.


Ano bang nakain ng bestfriend ko na 'to at pinipilit akong magkaroon ng boyfriend?


"At bakit naman ako maiinggit aber? May sari-sariling tayong buhay. At masaya ako kahit wala akong love life." I said without looking at him.


"Man hater ka nga talaga. Bakit ba kasi ayaw mong subukan? Wala namang mawawala, ah? Try to find someone na mamahalin mo at mamahalin ka."


Walang mawawala? Paano kung ma fall ako at iwan lang ako non? Parang hindi naman siya nasanay sa mga lalaking na e-encounter niya - na pinapaiyak lang siya.


Hindi muna ako sumagot dahil nag iisip ako ng right words to say - yung tipong hindi na siya makaka imik dahil sa impact ng sasabihin ko.


While I'm thinking the right words to say ay pinagpatuloy ko muna ang paghahanap ng libro.


"Ano na bes? Tameme na lang ang peg?" Naiinip niyang saad.


Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pag iisip ko sa right words.

"Sometimes I wonder even if it's worth it to take a try. Baka dapat hindi hinahanap ang love, hayaan mo ng si fate ang mag handle non. At isa pa may paa naman siguro 'yung lalakeng mamahalin ako, siya mismo ang lalapit sa'kin."


Natumpak ko ang right words . . .


"Napaka fictional mo talaga mag-isip, bes. Hindi na makatutuhanan. Akala ko ba independent person ka? Bakit binabase mo nalang sa tadhana ang love life mo?"

. . . Pero bakit hindi pa rin siya tumitigil?


"Magkaiba naman kasi 'yon. Hindi ko naman na kailangan ng ibang lalake na mamahalin ako. Ikaw nga lang, masaya na ako." Tinignan ko siya at ngumiti ng abot tenga. Nakita ko lang siyang napa ngiwi. Bakla talaga.

"Mag hunos dili ka nga, Karylle! Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo today." Natawa na lang ako. Ganyan 'yan, pikon.


"Ikaw lang sapat na," sabi ko, kasabay ng pag papapogi poise ko at dinagdagan ko pa ng pag kindat para 100% jeje ang kalabasan ko.


"Eze ew, bes! Bahala ka na nga diyan! Mauuna na ako!" Masungit niyang tugon.

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now