twstd : 2

1.7K 68 4
                                    

"Kamusta photo shoot?"

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang bigla siyang magtanong. Pansin ko ang pag tahimik niya kanina at kawalan niya ng gana sa pag uusap. Siguro nakaramdam siya ng bigat ng atmosphere kaya niya ako tinanong.

"Nakakagaan ng loob."

Kanina magaan. Pero dito sa loob ng sasakyan mo hindi na. May pinag dadaanan ata 'tong bestfriend ko.

"Bakit?"

"Kasi couple 'yung nakatrabaho namin."

Parang hindi ko naman sinabi sa kanya kung sino ang kukunan ko ng litrato. Halatang lutang, bes.

"Ikaw, kamusta araw mo?" Pag iiba ko ng usapan. Boring pag usapan ang trabaho ko. Mas nakaka excite ang sa kanya. Baka kasi nakapag deal na siya sa big client.

"Hindi na close 'yung deal," Naramdaman ko ang lungkot sa tono ng boses niya. Kung pwede lang na samahan ko siya kanina para magkaroon siya ng lakas ng loob ay ginawa ko na. Pero kailangan ko din i-priority ang work ko.

"Bakit? Isang linggo mo pinaghandaan ang presentation mo 'di ba? Anong nangyari?" Kunot noo kong tanong. Kaya ba siya bad mood kasi hindi na close ang deal?

"Napaghandaan ko nga hindi ko naman napulido. Kinakabahan ako e," Malumanay ang pagkakasabi niya na para bang walang kabuhay-buhay.

"You mean hindi sila nagandahan sa ginawa mo?" Mas lalo akong nalungkot nang sumang ayon siya sa sinabi ko. Ang hirap naman nito. Ang hirap mag advice kapag walang experience sa business.

"Bakit di mo binigay ang best mo?" Nalulungkot na din pati ang tono ng boses ko. Paano ko i-che-cheer up ang kaibigan ko kung pati ako na do-down sa nangyayari?

"Nandoon siya e. Nawala ako. Lumipad ang isip ko. Hindi ako nakapag focus."

Nakaramdamam ako ng kakaibang kaba sa sinabi niya. Siya? Sinong siya? Ang ex boyfriend ba niya?

"S-sino?" Utal kong tanong.

"Si Renzo."

Totally down. Ang lalaking iniyakan niya ng todo todo. Ang lalaking minahal niya ng todo.

"Ah . . ." Walang ibang salita na lumabas sa bibig ko, kundi ang simple at maikling 'ah' lang.

"Naasar ako sa sarili ko kasi naaapektuhan pa din ako sa presensya niya." May gigil niyang saad. Nabaling ang tingin ko sa hawak niya sa manibela - sobrang higpit. Sa sobrang higpit nakikita ko na ang ugat niya sa kamay at ang pamumuti nito.

"Bakit nando'n siya?"

"Daddy niya ang big client. Kaya pala ang pamilyar ng apelyidong Romeo."

Napakagat na lang ako sa labi - upang takpan ang pagkalungkot. Nalulungkot ako para sa bestfriend ko. Sa mga pinag daanan niya simula nang magkaroon sila ng relasyon ni Renzo. Madalas kong nakikita si Vice na umiiyak - minsan ko lang siya nakitang ngumiti sa piling ng ex niya.

Naalala ko pa ang sinabi ko sa kanya noon na 'How can you call it love when you cry more than smile?'. Hindi sa intensyon ko na magkahiwalay sila. Pero siguro naging way 'yon para matauhan ang bestfriend ko.

"Okay ka lang?" Tanong ko kahit na alam ko naman na hindi siya okay.

Nakaramdam ako ng kirot sa bandang puso ko nang lumingon siya sa'kin - na namumula ang mga mata at nang gigilid ang mga luha. Ito 'yung Vice na nakita ko one year ago. Ang Vice na nasasaktan dahil sa sobrang pagmamahal na binigay niya kay Renzo. Ang Vice na walang ibang ginawa kundi mahalin lang si Renzo.

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now