twstd : 12

1.3K 74 10
                                    

Forcing laughters and faking smiles. That's all I can do right now.

May mga panahon talaga na kailangan ngumiti - kahit na pilit. Mga panahong kinakailangang mag pigil ng luha at umaktong okay lang. At sa palagay ko ang panahon na tinutukoy ko ay ang kasalukuyan.

Hindi ako masyadong makasabay sa kwentuhan nila kaya gumawa na lang ako ng excuse na tutulungan ko si Ate Rakel sa kusina. Lumalalim na ang gabi kasabay ng paglalim din ng usapan nila. Nag ayang uminom si Vice na sinang ayunan naman nila Anne. Matagal na din daw kasi noong huling get together nila.

Pinagbawalan ko pa nga si Vice dahil may sinat pa siya. Pero hindi niya pinakinggan ang sinabi ko, minsanan lang daw 'yon at ngayon lang nagkatugma ang schedule nila.

Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang pag usapan nila ang tungkol sa pagbabalik ng ex ni Vice. Sana nga lang mapanindigan niya ang sikretong relasyon nila noon ni Renzo. Sana wala siyang mabanggit kila Anne na pangalan. Kilala ko pa naman 'yon, kapag nasobrahan sa alak ay hindi na nakokontrol ang sarili.

"K! Come here, join us para masaya." Dinig kong pagtawag sa'kin ni Anne.

Pinili kong hindi na siya kibuin dahil may tama na din ang isa na 'yon. Si Vhong na lang ata ang hindi dahil siya ang mag mamaneho ng sasakyan pauwi.

Lumipas ang ilan pang sandali ay nag aya na din si Anne na umuwi. Akala ko hindi na niya maaalala ang photo shoot na pupuntahan namin bukas. Hinatid namin sila ni Vice palabas ng gate.

"Thank you, sisterette sa painom mo tonight!" Ani Anne.

"Sige Vice mauna na kami." Segunda naman ni Vhong.

Hinintay muna namin dalawa ni Vice na mawala sa paningin namin ang sasakyan nila Anne. Inalalayan ko siya sa pag pasok sa loob dahil natutumba tumba na din siya. Ramdam ko din ang mainit niyang balat na dumidikit sa'kin.

"Sabi naman kasi sa'yo na bawal ka pang uminom. Ayan tuloy nabinat ka." Pangaral ko sa kanya nang maihiga ko na siya ng tuluyan sa kama.

"Beer is the best medicine," lasing niyang saad. Hindi na niya namamalayan ang mga sinasabi niya. Baliw talaga.

Natatawa na lang ako sa mga pinag sasabi niya habang inaayos ko ang kumot. Panay ang english at kumakanta pa ng kung anu-ano.

Umupo ako sa tabi niya at inayos ang magulo niyang bangs na sa palagay ko ay humahaba na rin. "Bes, bakit ka umalis kanina?" Tanong niya nang hindi manlang idinilat ang mga mata.

Tinigil ko ang ginagawa ko at tinitigan na lang ang kanyang mukha, "may inasikaso nga lang." Pag dadahilan ko.

"Pero dapat after na lang nang inuman mo ginawa. Hindi mo tuloy nakita kung paano ako nag drama."

Bumungisngis muna ako bago sumagot, "sanay na 'ko sa pagdadrama mo."

Nakita ko kung paano kumurba ang kanyang labi pangiti. Napangiti na lang din ako. Napansin ko na may kinukuha siya sa kanyang bulsa. "Paki basa naman 'yung text ni Renzo," sabi niya na nakapikit pa din at inaabot sa'kin ang kanyang cellphone.

Seriously, Vice?

Wala na akong nagawa kundi basahin na lang ng malakas - 'yung sakto lang 'yung tipong maririnig niya. "Babe, pagaling ka ha. Love you," walang gana kong sabi.

Sweet? Hindi ko alam.

"Paki replyan naman bes. Dumodoble na kasi 'yung paningin ko." Utos niya.

"Ano sasabihin ko?"

"Ikaw na din bahala. Inaantok na talaga ako." Bumiling siya sa kabilang gilid at kinamot pa ang kanyang pisngi.

"Anong ako? Baliw ka ba? Bahala ka diyan, hindi ko na lang rereply-an." Sabi ko at inirapan ko siya kahit na likod na lang ang natatanaw ko mula sa kanya.

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now