twstd : 17

1.5K 82 34
                                    

I wish I could fast forward to the end to see if all of this is worth it.

Kung worth it ba lahat ng luhang ginugol ko tuwing gabi, mga hikbing hindi napigilang kumawala, mga salitang nasabi ko na okay lang ako para lang matago ang tunay na nararamdaman - sinabi kong okay lang ako pero hindi ko sinabing hindi ako nasasaktan, mga ngiting pinakita sa lahat na masaya ako - pero sa totoo lang ang pekeng saya ay ang pinakamalungkot na kasiyahan, mga sakit na nararamdaman at higit sa lahat . . . worth it bang pigilan at piliing kimkimin ang totoo kong nararamdaman para sa kanya.

Ilang beses tinanong sa sarili kung may patutunguhan ba ang lahat ng 'to. Sa mga panahong nakaramdam ako ng pag iisa, naramdaman kung gaano kahirap ang mag isa.

Sa mga panahong inakala kong walang katupusan . . . ang kasiyahan naming dalawa tuwing magkasama kami. Sa mga panahong parehas kaming lumuluha - dahil sa tuwa. Worth it ba na lumayo ako sa kanya . . . na lumayo kami sa isa't isa.

Hindi ko na alam kung paano haharapin ang bawat bukas na wala siya sa'king tabi, sa mga panahong nakararamdam ako ng pagkatalo, sa mga oras na kinakailangan ko ng isang kaibigan na makakaintindi sa'kin ng lubos at isang tao na kaya akong ipagtanggol. Sobrang hirap masanay sa mga bagay na alam ko namang may katapusan, pinili ko lang talagang hindi paniwalaan. Kasi umaasa pa rin ako na sana. . . kahit ang pagkakaibigan lang namin ay tumagal.

Ngunit heto na. Ito na 'yung parte ng pangyayari na lubos kong kinakatakutan. Mga pangambang dumating na din ng hindi inaasahan. Mga luhang akala ko'y kasiyahan lang ang laman, ngunit may pait at sakit din pa lang katumbas.

Sa sobrang tapang ko, pati 'tong nararamdaman ko sa kaniya pinilit kong ipaglaban. Ngunit sa huli'y ako pa rin 'yung talo, ako pa din ang umuwing luhaan.

Kahit mahirap para sa'kin na hanggang dito na lang talaga kami, kakayanin ko pa rin.

Heto na 'yon. Mag isa na lang ulit ako. And suddenly, we we're strangers again. Now it's back to the way we started.

Nagising ako kinabukasan, na may nararamdamang bigat sa kalooban. Hindi ko matukoy kung dahil lang ba ito sa kakaiyak ko kagabi. Para kong nasusuka, nahihilo at pakiramdam ko'y pagod na pagod ako.

Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay? Araw-araw naman may pagod akong nadarama.

Pinilit idinilat ang mga matang kay bigat ng talukap - ito na naman, namamaga na naman siya. Umupo sa kama at sinapo ang uluhan. Ang sa'kit. Pakiramdam ko'y umiikot ang paligid ko.

Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan. Nagmadali akong nagtungo sa cr. Doon ay nagsuka ako.

Sa huling pagkakaalala ko ay hindi naman ako uminom ng alak. Nag kwentuhan lamang kami ni Mama kagabi, hanggang sa makaramdam ako ng antok.

Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay pinili ko na lamang manatili sa kwarto. Baka kulang lang ako sa tulog, o baka naman pagod lang talaga ito.

"Ate, okay ka lang? Parang namumutla ka ata?" 'Yan ang bungad na tanong sa'kin ni Earl.

Tumingin ako sa salamin na nakalagay sa sala namin. Doon ay napansin ko ang paninilaw ng mukha at pamumutla ng aking labi. Anong nangyayari sa'kin.

Tinulungan ako ng mga kapatid ko na i-upo sa sofa. Sobra kong nanghihina. Ang mga tuhod ko ay lumambot na lang nang hindi inaasahan. Nasa tabi ko si Zen - pinapaypayan ako. Sa isip-isip ko ay tumatawa na ako sa kalagayan ko ngayon. May bintilador na ngang nakatapat sa'kin, pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagpaypay ng abaniko ni Mama.

"Ano gusto mo? Gusto mo ba ng makakain?" Kanina pa din siya tanong nang tanong kung ano daw ba ang gusto kong mangyari. Gusto ko lang sanang magpahinga.

Our Twisted Fate ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt