twstd : 6

1.4K 47 4
                                    

Masaya ako na nakita ko na ulit siya, nayakap, nasilayan ang ngiti niya sa labi at napagmasdan ang mala singkit niyang mga mata. I'm finally back.

Inimbitahan niya ako kinabukasan after ng work niya na mag quality time kami. Namiss niya daw ako ng severe. Marami rin siyang gustong i-kwento sa'kin. Alam ko naman na hindi niya natitiis na hindi ako nakakausap. Kung tatanungin kung sino ang mas madaming kuda sa'min ay paniguradong pangalan niya ang isasagot ko.

Pinilit kong maging normal. 'Yung Karylle na hindi pa nahuhulog - 'yung ako na wala pang feelings sa kanya. Alam ko mababaw pa lang naman 'to, kaya pang pigilin. Pero paano kung siya mismo ang gagawa ng paraan para palalimin ito? Sigurado akong mahirap nang sagipin ang sarili ko sa pag hulog sa kanya.

"Dating gawi?" Tanong niya, na tinanguan ko naman kaagad.

Since mahilig kaming dalawa sa bulalo ay naisipan namin na magtungo sa pinaka paborito naming kainan. Naalala ko dati ang pustahan namin. Kung sino ang makadami ng bulalo ang siyang hindi mag babayad at ang magiging talo naman ay ang magbabayad ng lahat ng nakain namin. Ang ending walang nagpatalo, hanggang sa pinaalis na kami ng may ari dahil mag sasara na daw sila. Pantay lang kami - naka siyam kami ng bowl ng bulalo.

Pero rich kid talaga siya kaya siya na ang nag insist na magbayad. Nagtawanan na lang kami dahil nakita namin ang hitsura ng may ari - mukhang antok na antok na kasi kami na lang dalawa ang costumer niya.

"Hi, ate girl. Nakatulog ka ba ng mahimbing?" Pang aalaska ni Vice sa may ari ng kainan.

Kaya hindi na rin nakakapagtaka na palaging 'yon ang pambungad ni Vice sa kanya sa tuwing dito kami kakain. Madalas kami dito, kaya naging ka close na rin namin si Ate Eva.

"Oo. Madami ba kayong oorderin?" Natatawa pa si Ate Eva.

"Hindi pa namin alam. Depende sa pagka miss namin sa bulalo mo."

Ilang kulitan pa ang napag saluhan nila at dumating na rin ang order namin ni Vice. May sari-sariling mundo kami, gutom kasi. Pinaghandaan ko 'to. Hindi ako kumain kanina para dito.

Sa kalagitnaan ng matahimik na pagsasalo namin ni Vice ng pagkain ay biglang nag ring ang phone niya. Nag angat ako ng tingin at pinanuod ang bawat galaw niyang gagawin. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa niya at binasa na ang text. Nakita kong dahan dahan kumukurba ang labi niya into smile.

Nag taas ako ng kanang kilay - a simple gesture na may pinapahiwatig. Gusto kong malaman kung kanino nang galing ang text at napangiti siya.

"Kliyente ba 'yan?" Tanong ko.

Nagtipa pa siya sa cellphone niya at nilapag sa table bago sinagot ang tanong ko. "Hindi,"

Okay . . . akala ko pa naman kliyente at may good news. Sino naman kaya 'yon?

"Anong mayroon sa ngiti mo na 'yan, bes?"

Kinukutuban na rin ako e. Nakakaramdam na din ako ng kakaiba. Mukhang alam ko na kung sino.

"Wala. Ene be wele leng 'te."

Mentally, napa face palm na ako. Sa mga panahong nag papabebe siya ay ang panahon din ng pagdadalaga niya. Mukhang tama nga ang hinala ko.

"Boylet?" Pang huhuli ko sa kanya. Natigilan siya sa ginagawa niya at tinignan ako. Nagsukatan lang kami ng tingin hanggang sa siya na ang unang nag bawi.

Tumawa siya . . . hanggang sa naging hagulgol na ang halakhak niya. Ano bang nangyayari sa tao na 'to?

"Bes, hindi ko na alam ang gagawin ko. Dapat galit ako sa kanya pero bakit ganito ang nararamdaman ko." Kumalma na siya sa pag hagulgol at tinakpan ang mukha gamit ang dalawa niyang palad.

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now