twstd : 19

1.5K 86 88
                                    

Sometimes all I can do is lay on bed, and hope to fall asleep before I fall apart.

Bakit ba palagi na lang ako 'yung talunan? Bakit pakiramdam ko ay kasalan ko lahat, kaya dapat ako 'yung humihingi ng kapatawaran?

Okay lang sa'kin kung hindi man ako ang paborito niyang kabanata sa mismong istorya ng buhay niya, pero umaasa ako na sana. . . sana napangiti ko siya sa pagbuklat niya pabalik ng mga pahina - kung saan kabilang ako.

Gusto kong sabihin na napapagod na ako - hindi dahil kulang sa tulog, but a lack of hope and happiness that made me act the way I did. Minsan nakakapagod na lang talaga mag panggap - na may ngiti sa labi, 'yung kunwaring may kasiyahan na natatamasa at itong pagkatao ko mismo. Nakakapagod, nakakasawa at higit sa lahat nakakaubos ng pag asa.

Balang araw matututunan ko rin maging okay, kasabay ng katotohanang hindi na kami muling magkakaayos pa. Pero pinanghahawakan ko pa din ang kaonting natitirang pag asa. . . na sana dumating din 'yung panahon na makakabalik din kami sa yakap ng bawat isa.

"Hello, Ma?" Salita ko nang sa wakas ay sinagot na niya ang tawag ko.

Gusto ko lang siyang sabihan sa mga nagaganap sa buhay ko. Kung matutuwa o malulungkot ba siya sa malalaman niya tungkol sa'kin ay hindi ko alam. "Oh anak, napatawag ka?"

Hindi ko napigilan ngumiti nang marinig ko ang kaniyang tinig. Si Mama na lang talaga ang tanging taong nag uudyok sa'kin na ngumiti - kahit na sa kalagitnaan ng sakit.

"Kumusta na po kayo d'yan?"

"Okay naman, anak. Diba't kakapunta mo pa lang dito?"

I chuckled before I answer her question, "oo nga pala."

"May problema ba anak?"

Minsan nakakapagtaka na rin kung may lahi nga ba si Mama na psychic. Kahit di ko man sabihin, nalalaman pa rin niya.

"Ma, sorry. . ."

"Sabihin mo lang, makikinig lang sa'yo si Mama. Kahit ano pa man 'yang sasabihin mo, hindi ko ikagagalit kasi alam ko na ikaw mismo ang nag desisyon niyan - may tiwala ako sa'yo."

Lalo pa akong nahirapan umamin dahil sa sinabi ni Mama. Mula sa pagkakahiga ay umupo ako sa kama. Huminga ng malalim at pinunasan kaagad ang likidong namumuo sa'king mga mata. "Buntis po ako,"

Ilang segundo ang lumipas nang sabihin ko 'yon. Pawang katahimikan lamang at buntong hininga ko ang naririnig. Akala ko'y binabaan na niya ako ng tawag, ngunit sa paghikbi niya - ako ay natauhan na nasa kabilang linya pa din siya.

"Ma, are you crying?" Patanga kong tanong. Malamang hindi na niya ako matatanggap. Nagpakalayo layo ako sa piling nila, tas ito lang pala ang magiging resulta.

Imbis na sagutin ni Mama ang tanong ko ay sinagot niya ito ng isa pang tanong. "S-sino ang ama?"

I bit my inside cheek before I could speak, hindi ko alam kung tama bang isagot ang pangalan niya. Hindi ko alam kung maiintindihan ba ako ni Mama sa sitwasyon ko ngayon. I made love with my bestfriend - at ito ngayon dinadala ko ang naging bunga. "Ma. . ." Sa munting pagtawag ko sa kaniya ay mababanaag ang pagtanggi ko sa kaniyang tanong.

"I want to know, K. Please, tell me. . ." Sambit niya sa pagitan ng kaniyang mga hikbi.

"Ma, si Vice. . ." Pagsagot ko at tuluyan na akong humagulgol. I am strong person, pero minsan umaasa ako na sana may isang tao na humawak sa kamay ko at ipadama sa'kin na magiging maayos din ang lahat. Na magiging masaya din ako. Na hindi puro sakit at pait ang rason ng aking mga luha.

"Alam ba niya?" Isa pang tanong na nagmula sa kaniya na sobrang hirap sagutin.

Marahan kong sinara ang aking mga mata at ramdam ko na may tumulo ditong likido. Isang buntong hininga ang aking inilabas, "dapat pa ba niyang malaman? Kasi siya mismo nagsasabi na layuan ko siya."

Our Twisted Fate ✔Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum