twstd : 5

1.6K 54 1
                                    

Please, don't be inlove with him . . . again.

Gusto ko mang sabihin sa kanya harap-harapan ang ilang mga katagang 'yan ay hindi ko magawa. Intindihin nga ang nasa isip ko ay nahihirapan na 'kong gawin, sabihin pa kaya sa kanya.

Mas pipilin ko na lang na mag remain silent kaysa malaman niya ang magulong isipan ko.

Gusto kong makalimot. Sa pinaka madaling paraan. Nag muni-muni ako sa pinuntahan naming beach nila Anne. Kaysa pumunta sa exhibit - kung nasaan si Zen ay mas pinili ko na lang na mag outing. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na makasama siya ulit. Although nagkita na kami kahapon na hindi ko naman talaga inaasahan na mangyayari.

Kung may pa abiso lang sana ay hindi na ako tumuloy dito.

Naglakad-lakad lang ako. Nag paalam muna ako kila Anne na kukuha lang ako ng litrato. Ang ganda ng view. Kung sana kasama ko si Vice parehas namin 'tong mae-enjoy, baka nga magkaroon pa ng picturial kung sakali.

Pinokus ko ang camera sa mga paa ko na naka apak sa mistulang puting buhangin. Sumunod sa karagatan na walang tigil sa pag alon. Naupo ako sa buhanginan at tinitigan ang tubig. Tila nakikisama ang buong paligid sa'kin. Ito ang gusto ko - kalmadong paligid, malayo sa gulo, malayo sa lahat ng pwedeng makasakit sa'kin.

Gustuhin ko mang mabuhay sa ganitong paraan. Pero puso na ang nagdidikta na hindi ko kakayanin. Halos dalawang araw pa lang na hindi ko nakikita si Vice ay nalulugmok na ako.

I miss my bestfriend.

Sa simpleng 'good morning' text niya sa'kin ay nabuhay ang diwa ko. Sinabi niya sa'kin na magiging busy siya sa kumpanya the entire day. Sumang ayon na lang ako, pinaalala sa kanya na kumain on time. Ganyan kami bilang mag kaibigan - concern sa isa't isa.

Napapansin ko na nga na parang ang unfair na ng sistema ng pagkakaibigan namin. Siya, nakikita niya lang ako bilang Karylle na bestfriend niya. E, ako? Hindi ko alam. More than friends nga ba?

Napangiti ako nang marinig ko ang cellphone ko na tumunog - signalling na may text akong natanggap. Akala ko siya na . . . Isang unknown number lang pala.

Laking pagtataka ko kung sino ang may ari ng numero at naisipan akong i-text.

+63922

I hope you'll come tomorrow ;)

Nagawa ko nang pumikit ng marahan at ibukas nang dahan-dahan ang mga mata ko. Pero nandito pa rin sa cellphone ang isang mensahe na hindi ko alam kung kanino nang galing. Wala naman akong maalala na pupuntahan ko bukas.

Naka plano ang kinabukasan ko na babalik na sa Manila. Ayoko nang manatili pa dito.

Hindi ko magawang reply-an. Malay ko ba kung scam pala 'to. Edi napahamak pa ako. O baka naman wrong send lang?

Oo, baka wrong send lang. Pero mukhang mapag laro nga ata ang tadhana. Nakakuha na naman ako ng bagong text sa unknown number.

+63922

This is Zen.

To be honest, pumasok talaga sa isip ko na siya ang sender. Pero ayoko lang talaga paniwalaan. Naaalibadbaran ako. Pero isang katanungan ang nag pop-up sa utak ko. Saan niya nakuha ang number ko? Perhaps, kay Anning.

To +63922

I'm planning na umuwi na bukas.

Hihingi pa sana ako ng paumanhin pero napagtanto ko na hindi niya deserve ang golden sorry ko.

+63922

Aw. Hindi ba pwedeng after the exhibit na lang? Sayang kasi 'yung last batch ng paintings ko.

Our Twisted Fate ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora