twstd : 7

1.4K 66 19
                                    

Everytime I laughs, I hope he's watching. Puno ng pag asa na sana mahulog siya sa mga ngiti ko. Just as hard as I fell for his. Pero sinong niloko ko? Hinding hindi mangyayari 'yon. Kasi may iba nang nagpapasaya sa kanya.

Isang katerbang aspile ang naramdaman kong tumusok sa bandang dibdib ko. Oo nga't sa tawag lang 'yon, pero 'yung tawag na 'yon ang nagpatunay na baka ang pinanghahawakan kong pag asa ay unti-unti nang dudulas sa'king kamay. I tried na umakto ng normal, inayos ko ang sarili ko. Medyo awkward lang dahil ang katawagan ko ay ex-boyfriend ng bestfriend ko. Paano kumalma? Nagsusumigaw ang isip ko na babaan ko siya ng tawag. Pero hindi ko magawa, pakiramdam ko ay may sariling buhay ang bibig ko - bigla-bigla na lang susuway sa utos ng isipan ko.

"S-sino 'to?" I stuttered. Pinili kong mag maang-maangan. Pipiliin ko na din ngayon na mag bulag-bulagan sa katotohanang binabalikan na nga niya si Vice.

"This is Renzo. You're Vice's bestfriend, right?" I heard him say.

Tumango ako at nang mapagtanto ko na hindi pala kami sa personal nag-uusap ay sumagot ako ng "oo."

"Si Vice ba kailangan mo?" He asked. Balak ko sanang sagutin na 'oo si Vice nga ang kailangan ko at hindi ka namin kailangan sa love story naming bubuuin'. Ngunit bigla siyang ulit nag salita. "Nasa shower siya ngayon. Sasabihin ko na lang sa kanya mamaya na tumawag ka."

Wala na akong nagawa. Hindi na ako nakasagot. Dahil tuluyan ko nang ibinaba ang tawag. So nasa bahay siya ni Vice? Anong ginagawa nilang dalawa sa loob ng bahay? Bakit pinayagan ni Vice na pumasok si Renzo sa loob? Ano lumambot na ba siya at tuluyan na ba niyang pinatawad ang ex niya?

Umiling ako at pumikit ng marahan - para mawala ang mga tanong sa utak ko. Gusto kong magalit kay Renzo dahil sa pag dating niyang muli sa buhay ni Vice. Nananahimik na 'yung tao tapos bigla siyang susulpot, ni wala manlang paabiso. Edi sana pinag handaan ko manlang. At gusto kong mag tampo kay Vice dahil akala ko ay tutuparin niya ang sinabi niya noon, pero mukhang kinain niya lang lahat. Gustuhin ko mang mag selos sa kung anong mayroon sila ngayon, ay hindi ko magawa.

Anong karapatan kong ipaalam sa kanila ang nararamdaman ko ngayon? Alam ko namang walang may pakialam kung anuman 'tong pinag dadaanan ko. Ako mismo ang pumili na tumayo sa sarili kong paa. At kung may problema man ako ay gusto ko na ako lang ang nakakaalam.

I notice everything but I don't say anything. Pinipili ko nalang na kimkimin ang lahat, hindi na lang ako nagsasalita kahit ang sakit sakit na. I know I'm a keeper but he didn't know how to keep me.

Hinayaan ko na lang ang sarili ko na tangayin ng antok.

Gumising sa akin kinabukasan ang tunog ng cellphone ko. Agad-agad kong kinuha ito at napangiti na lang ako na ang pangalan niya ang lumitaw.

"Bes, buksan mo 'yung pintuan. Nakakaloka kanina pa 'ko dito. Ang dami ko ng text sa'yo. Kahit kailan ka talaga tulog mantika ka kung matulog. 'Yung kape na dala-dala ko malamig na, nangangalay na rin ako na nakatayo dito sa harap-"

Hindi ko na siya pinatapos. Binabaan ko na siya kahit na nagsasalita pa siya.

Ang aga-aga talak kaagad ang bungad. Napilitan akong tumayo sa kama at mag tungo sa pintuan para pag buksan si Vice. Pinilit ko pa rin kahit na nahihilo pa ako dahil wala pa ako sa diwa. Kagagaling ko lang sa tulog tas sisigawan ako over the phone call. Ang ending ikanihilo ko ang pag talak niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Mag tatanghali na tulog ka pa din." Nang tuluyan ko ng mabuksan ang pintuan ay tuloy-tuloy lang siya sa pag entrada sa loob.

Napailing na lang ako at sinara ang pintuan.

Nakita ko siya na inaayos ang mga pinamili niya. Madami siyang dala na paper bag, hindi manlang nagpatulong sa'kin. Mukhang alam ko na kung ano ang kahihinatnan nito.

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now