twstd : 9

1.4K 68 19
                                    

He made me so happy, that I forgot all the things that made me feel numb. He made me so happy, that I didn't know I fell in love. Pilit kong sinasaksak sa utak ko na kasalanan ko kung bakit ako humantong sa ganitong sitwasyon. Pero ako nga ba talaga ang may kasalanan? Hindi ba si Vice na pinapakitaan ako ng motibo nang hindi niya nalalaman?

How pathetic is it that I don't even hate him? I can't physically, emotionally, or mentally hate him.

Sa mga panahong kinakailangan ko nang makakausap, nandiyan siya palagi sa tabi ko. Handang makinig sa kung anuman ang sasabihin ko. Sa mga panahong nalulungkot ako, nandiyan siya para pasiyahin ako. At sa kasalukuyang panahon, hindi ko alam kung mananatili pa rin siya sa tabi ko, kapag nalaman na niya ang nararamdaman ko para sa kanya.

Bago ako magtungo sa set ay naisipan kong dalawin muna siya sa kumpanya. Alam ko na maaga siyang pumasok ngayon, nakatext ko 'yung secretary niya at sinabi na nandoon na daw si Vice.

Ayoko munang ipaalam sa kanya na pupunta ako sa kumpanya. Gusto ko siyang i-supresa, hindi nga lang katumbas ng surprise niya sa'kin kahapon. Pero gusto ko siyang supresahin sa simpleng paraan na alam ko. Ang binigay niyang kotse ang ginamit kong service. Tinatanong ko nga sa kaniya ang presyo ng sasakyang binigay niya, pero palagi lang niyang iniiba ang topic at sinasabi na "Mahalaga pa ba 'yon? Ang importante may service ka na para hindi ka na nahihirapan."

Nang makarating sa kumpanya ay naglakad ako ng may matamis na ngiti. Ligayang ligaya ako dahil sa natanggap ko mula kay Vice. Akala ko 'yung mga boylet lang niya ang nireregaluhan niya ng sasakyan, pati pala ako.

Lahat ng nakakasalubong kong empleyado ni Vice ay binabati ko ng good morning. Ang iba ay binabati din ako pabalik, medyo kilala na rin ako dito dahil pinakilala ako ni Vice sa kanilang lahat noong nagkaroon ng party. Gulat nga ang nabanaag ko sa mukha ng ilan, inakala pala nila na girlfriend ako ni Vice dahil madalas nila akong makita na kasama niya.

Wala akong taong nadatnan sa hallway ng office niya kaya nagtuloy-tuloy na lang ako. I was about to twist the door knob, nang makarinig akong nag uusap sa loob. Hindi malinaw pero naririnig ko na may kausap si Vice na lalake sa loob. Unang pumasok sa isip ko ay si Renzo.

Pero sana mali ang nasa isip ko.

Hindi ko malaman kung bakit bigla na lang nagbago ang mood ko. Ang labi kong kanina na may nakaguhit na ngiti ngayon ay nawala na. Napalitan na lang ng lungkot.

Binitawan ko ang doorknob at humakbang paatras.

"Ma'am Karylle!" I heard someone called my name, kaya napatingin ako sa direksyon kung saan ko ito narinig.

It was Steph - secretary ni Vice.

Pinilit kong ngumiti kahit unti-unti nang nababalot ng lungkot ang buong pagkatao ko. Kailangan ko to . . . kailangan kong magpanggap na masaya. Ipakita na hindi nasasaktan.

"Aalis na po kayo?" Tanong niya at lumapit sa'kin. Tinanguan ko lang siya, ano pang saysay kung mananatili pa ako? E, may kapalit naman na ako.

Ang hirap maging second choice sa taong inuuna mo palagi. What do I expect? Magkaibigan lang kami at dapat walang feelings na involve.

"Nakita na po kayo ni Sir Vice?" Gusto kong maging masaya dahil sa tawag niya kay Vice. Pero paano?

Nag iwas ako ng tingin at tsaka bumuntong hininga. Alam ng Diyos kung gaano ko siya gustong makita. Pero baka ako na lang ang may gusto.

"Hindi." Malumanay kong sagot.

Kinabahan ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay at hatakin patungo sa office ni Vice. "Tara po. Baka po importante 'yang ibibigay niyo kay Sir, sayang naman." Wala na akong nagawa, ni hindi manlang ako nakasagot na ayokong pumasok sa loob kasi baka tuluyan na akong mabura sa mundong 'to.

Our Twisted Fate ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ