twstd : 4

1.4K 62 3
                                    

Can I just disappear for awhile?

Nadagdagan pa ata ang galit ko sa sarili ko. Naaasar ako. Hindi naman ako nakakaramdam ng 'butterflies in stomach' thingy dati. Lahat lang ng ginagawa niya sa'kin ay normal lang. 'Yung pagiging concern niya, caring, loving, pati ang mga paglalambing niya through words ay nabahiran ko na ata ng malisya.

This kind of thought is killing me right now.

Ayokong ipagpatuloy 'to. Ayokong masira kung ano man ang mayroon kami ngayon. Parehas lalake ang kailangan namin. Kaya please lang Karylle, itigil mo na 'to simula pa lang. H'wag mo nang hayaan na masaktan at magsisi ka pa sa huli.

Sa wakas, nakarating na rin kami sa art exhibit. Nag introduce yourself muna kaming tatlo sabay beso o kaya naman shake hands sa mga kagaya naming adik sa arts and photography.

Ang saya. Ang dami kong nakikitang paintings na talaga nga namang pinaghirapan. I'm so glad na nakapunta ako sa isang exhibit tulad nito. Hindi nga biro ang mga nakapinta. Sobra akong na-amaze sa isang painting. Isang pirasong feather ang nakapinta pero kakaiba ang istilo. Nalagas ang ilang balahibo na tila tinatangay ng hangin. May caption ito sa ibaba na mas lalong pumukaw sa atensyon ko.

Falling for someone you never thought you'd fall for.

- Z.F

Isa sa pinaka natutunan ko sa pag pinta ay hindi lang isang libangan ito. You paint because you want to express your feelings. Kahit tuldok lang ang pinta mo basta may meaning matatawag pa rin na art 'yon.

Kinuhanan ko ang painting na may pinaka magandang anggulo. May madadagdag na naman sa collection ko.

Nag tingin-tingin pa ako ng mga paintings. Kuha dito, kuha doon. Hindi ako nakakaramdam ng pagod kapag magaganda ang nakikita ko. Gusto kong makilala ang taong nagpinta ng lahat ng 'to - mag pa autograph para magkaroon ng inspirasyon. Magpakuha ng litrato para magkaroon ng motibasyong mag pinta.

"Sorry."

Natigilan ako sa pag kuha ng litrato nang maramdaman ko ang pag sagi sa'kin ng isang tao. Tinapunan ko ito ng tingin. Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko. Tila natuod ako sa kinatatayuan at napako ang tingin sa kaniya.

"Karylle?" Pag tawag niya sa pangalan ko. Totoo ba 'to?

Tsaka lang ako nabalik sa realidad nang hawakan niya ang braso ko. "Are you okay?"

Pikit. Dilat. Pikit. Dilat. Para lang mapatunayan kung totoo ba 'tong nakikita ko o kathang isip lamang. But he's effin true. Nararamdaman ko ang malamig niyang kamay na nakahawak sa braso ko.

Para akong sirang plaka na tumango ng paulit-ulit. Ano ba 'tong pinag gagawa ko sa sarili ko? Nag mumukha na akong sira.

"Kamusta ka? Long time no see, ah." May ngiti sa labi niya. Ang laki na ng pinag bago ng hitsura niya. May eye glasses na rin siyang suot at ang tino pa rin niyang manamit.

"Okay lang ako . . . Zen," Shit. Ako ba 'to? Ang hinhin ko mag salita.

"Bakit parang nakakita ka ng multo?" Tumawa siya. Ang manly ng tawa niya.

Nakaka frustrate na makita niya ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko na siya kinausap. Tumakbo ako ng palabas.

Bakit siya nandito?

Z.F? Zenaib Frabegas ba?!

Kaya ba hindi sinasagot ni Anne ang tanong ko kung sino ang may pakana ng art exhibit na 'to? Nakakabad trip naman oh.

I dialed Anne's phone number. Makakatikim ng talak sa'kin 'to. Nahiwalay ako sa kanilang dalawa kanina nang hindi ko napapansin.

"Hello?"

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now