twstd : 14

1.4K 79 14
                                    

"That's for hurting her. Hindi mo alam kung gaano ka kagago nung ginago mo 'tong kaibigan ko. Anong karapatan mong manakit ng babae, ha?!"

Sa malakas na sampal, sa mga salitang puno ng puot at galit, at sa nanlilisik na mga mata ni Vice ang nagparamdam sa'kin ng matinding pagkatakot. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kung magalit. Kitang kita na ang ugat sa leeg niya dahil na rin siguro sa matinding pang gigigil sa galit. Gusto ko siyang yakapin, pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

Pakiramdam ko'y napako na ako dito. Naging estatwa na walang magawa kundi panuorin ang nagagalit niyang mukha.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya na saktan si Karylle. Maling mali ako do'n." Paghingi ng tawad ni Zen. Naaawa ako sa kanya. Alam ko kung gaano niya pinagsisisihan ang lahat. Nobody's perfect. We all make a mistakes.

"Sana noon pa naisip mo na 'yan. Oo, maling mali pero ginawa mo pa rin!" Pasigaw na tugon ni Vice.

"Vi . . . Vice" was all I could say. Pabulong na lang din ito.

Lumingon silang pareho sa'kin kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob upang mag salita muli. "Tama na," nanghihina kong saad kasabay ng pagbuhos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Akmang lalapit si Zen sa'king direksyon, ngunit inunahan siya ni Vice. Yinakap niya ako pagkatapos ay pinunasan ang luha sa'king pisngi. "Sshh, tahan na."

"K," dinig kong salita ni Zen. Basag na rin ang kanyang boses dahil sa matinding emosyon na kanyang nararamdaman ngayon.

"H'wag na h'wag kang magkakamali na lapitan muli si Karylle. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa'yo. Bakla ako pero kaya ko siyang protektahan." Ramdam ako ang pag vibrate ng boses ni Vice. Nakadikit pa rin ako sa kanya at sinandal ko na din ang ulo ko sa kanyang dibdib.

Naramdaman ko na lang na hinatak na ako ni Vice palayo . . . malayo kay Zen.

Tanging paghikbi at mahigpit na pagyakap lamang sa unan ang kaya kong gawin. Sobra 'kong nanghina sa nasaksihan ko. Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari sa huli. Inaasahan ko na magkakaayos na sila at magiging masaya na ang lahat, dahil wala nang galit na bumabalot sa puso ni Vice.

Pero nagkamali ako.

"Bes, kausapin mo naman ako. Please lang tumigil ka na d'yan sa kakaiyak mo." Dinig kong pagdaing niya. Kanina niya pa ako kinakausap at tinatawag sa pangalan ko, pero pinipili kong manahimik at damhin ang nangyari kanina.

Naramdaman kong gumalaw ang kamang hinihigaan ko. Napahigpit ako ng yakap sa unan. Ayokong makita niya ang mukha ko na puno ng takot at pangamba. Ayokong makita niya akong umiiyak.

Sa'ming dalawa, ako 'yung matapang. Ako 'yung tipo ng tao na kayang harapin ang lahat ng walang takot at pangamba. Pero sa puntong 'to, palagay ko nawalan ako ng titulo sa pagiging isang matapang at palaban na babae.

"Pasensya ka na kung natakot ka kanina sa aksyon ko. Ang tagal ng panahon lang talaga na hiniling ko na magkita kami ni Zen. Nakaplano na 'tong lahat, plinano ko na sa oras na magkita kami hindi ako magdadalawang isip na ipaghiganti ka. Deserve niya 'yun e. Ginago ka niya, bes." Nanatili akong tahimik at pinakinggan ang kasunod niyang sasabihin.

"Sorry kung nagulat ka sa nakita mo. Gusto ko lang naman na protektahan ka. Gusto kong higitan lahat ng ginagawa mo sa'kin, sa mga panahong durog na durog ako na kinakailangan ko ng isang tao na tutulong sa'kin para buoin ulit ako. Ikaw 'yun e. Iniiwasan ko lang 'yung mga bagay na alam kong magbibigay sa'yo ng sakit . . ." Bumuntong hininga siya at alam kong huminto siya saglit. "Ganon na lang ba 'yon, bes? Ang bilis mo namang makalimot. Ang bilis mo naman siyang patawarin." Pagpapatuloy niya.

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now