twstd : 13

1.3K 65 12
                                    

"Wakey! Wakey!"

Pag gising ko sa natutulog niyang diwa.

Ngayon ang araw na lalabas na siya ng ospital. Over fatigue lang daw ang dahilan kung bakit siya nilagnat ng todo. 'Yan ang pinaka inaayawan ko sa lifestyle niya. Di bale nang ma-late sa mga appointments 'wag lang magpalipas ng gutom o kaya naman magpuyat ng sobra.

"Hm, bes." He groaned at umaktong naiirita dahil sa ginising ko siya.

"Uuwi na tayo. Kaya gumising ka na d'yan," Sabi ko at tinapik ng bahagya ang kanyang kanang pisngi.

Unti-unti ay dumidilat ang kanyang mga mata, nag a-adjust siguro sa liwanag.

"Ngayern na ba 'yern?" Tanong niya gamit ang lenggwaheng hindi ko malaman kung saan niya napulot.

"Yes po. Kaya mag hilamos ka na at aalis na tayo," I answered. Tinalikuran ko na siya para tulungang mag ayos ng gamit si Ate Rakel.

Nagsukatan lang kami ng tingin ni Vice. Ako, naka upo sa single sofa at siya naman ay nakaupo sa mahabang sofa. Nakarating kami ng mabilis sa bahay niya. Kinakailangan na niya din kasing pumasok sa kumpanya dahil na rin siguro may aasikasuhin pa siya na hindi niya natapos noon.

Sa huli'y siya rin ang unang kumurap at nginitian ako ng pagkatamis-tamis. Minsan talaga nahihiwagaan na ako sa kaibigan ko na 'to. May mga aksyon siya na nakakapagtaka lang talaga. Katulad ng pagtitig niya sa'kin at ngayon naman pag ngiti.

Kinunutan ko lang siya ng noo waring nag tatanong kung bakit siya naka ngiti.

Imbis na sagutin niya ang pinapahiwatig ko ay tumayo lang siya at lumapit sa'kin. Inaya niya akong tumayo at nagpatianod naman ako sa huli. Ngayon ay parehas na kaming naka upo sa sofa na mahaba. Yinakap niya ako mula sa likuran ko at pinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

"Thank you sa pag aalaga, sa pag stay sa tabi ko, sa hindi pag iwan, sa lahat lahat. Hindi mo alam kung gaano ako ka thankful na ikaw ang bestfriend ko." Makapagdamdaming saad niya habang nakayakap pa rin. At ako, ito dinadama bawat salitang kanyang binibigkas, at ang braso niyang nakapulupot sa'kin.

Hindi ako nakapag salita kaagad. Dahil naramdaman kong gumalaw na naman ang baba niya - signalling na mayroon siyang sasabihin. Pinili kong makinig.

"I love you bes," Dama ko ang hangin na lumabas mula sa bibig niya. At rinig na rinig ng dalawa kong tainga ang kanyang binigkas.

Kung panaginip lang ito sana . . . sana hindi na ako magising.

Pumikit ako. Ngumiti ng malawak. Ninamnam ang tatlong salitang nang galing sa kanya. Alam kong iba ang gusto niyang iparating, sa gusto kong maging kahulugan ng sinabi niya. Kahit magkaiba man, napasaya pa rin ako dahil nalaman ko na may puwang pa rin pala talaga ako sa puso niya.

What if we're both just waiting for one of us to admit it first? 'Yung tipong dinadaan niya lang talaga sa biro, pero may halong katotohanan talaga ang lahat. O baka naman pinaparamdam niya sa'kin na gusto niya ako, sa paraang alam niya at sa paraang mas madali. Maaaring ganon. Maaari din na umaasa lang ako.

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang makalabas si Vice ng ospital. Bumalik na siya sa normal niyang kalagayan at sa trabaho niya. Marami rin ang nangyari sa loob ng tatlong araw. Nandoon ang panahon na sinasamahan ako palagi ni Zen sa studio. Nandoon din ang panahon na nagiging clingy si Vice sa'kin.

Minsan nakakalito na rin . . . hindi ko malaman kung kanino ba dapat ako.

Sa loob ng tatlong araw na 'yon, lumala din ang pagkamahangin ni Renzo. Sa tuwing may part na kinakailangan niyang mag topless para sa pictorial ay palagi siyang nakatingin sa'kin. 'Yung tingin na maaaninagan ko ng malisya. Kaya pinipili ko na lang talaga na umiwas at bilisan kapag siya na ang kukuhanan ko.

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now