twstd : 16

1.6K 77 36
                                    

"Kung galit ka sabihin mo sa'kin . . . sabihin mo sa'kin kung bakit. Kung nasaktan kita sampalin mo ako, gantihan mo ako. Matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ako."

"Oh yes kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako. Takbuhan mo kapag may problema ka, tagasunod, tagabigay ng advice . . . tagatanggap ng kahit na ano, and I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend. Dahil kahit kailan, hindi mo naman ako makikita e. Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan."

Sa bawat patak ng luha, bawat pag hikbi at bawat salitang sinasabi ng karakter ni Jolina ay lumalalim ang paghinga ko. Ang hirap hirap huminga. Ang sakit na din ng lalamunan ko sa pagpigil ng mga hikbing nagpupumilit kumawala.

Bakit ba masyado akong apektado? Bakit lahat na lang ng bagay ay pinaglalaanan ko ng mga luha? Nakakainis, sakto lahat ng sinabi niya sa mga salitang gustong gusto kong sabihin sa kaibigan ko.

Tumayo ako at pinunasan ang ilang likidong kumawala. "K!" Nilingon ko si Anne na tumawag sa pangalan ko.

Nakita ko kung paano siya nag alala sa itsura ko. Hindi ko na nga malaman kung ano na ba ang itsura ng mukha ko. Kung namumula na ba ang mata ko ay hindi ko alam. Sobrang hapdi lang talaga ng mata ko at gusto ko na itong ilabas lahat . . . lahat lahat.

Silang tatlo ay nakatingin sa'kin . . . kasama si Vice. Kung alam ko lang na ito ang pinaplano ni Anne ay sana una palang ay tumanggi na ako.

Oo, gusto ko siya na makasama ulit. Pero hindi sa ganitong paraan. Ang bigat na nga ng pakiramdam ko, idagdag pa ang pelikula na si Anne mismo ang pumili. Hindi naman masyadong halata na pinagplanuhan niya 'to ng lubos.

Sa mga mata niya ay nabanaag ko ang pag-aalala. Ano, hindi na ba niya natitiis ang hindi pag pansin sa'kin? Sana nung nakita niya ang mata ko ay nabasa niya ang pinaparating nito. Na nasasaktan ako ng dahil sa kanya.

"Cr lang muna ako," pagpapaalam ko sa kanila. Mula dito sa kinatatayuan ko ay nakita ko kung paano siya yumuko. Hindi ba niya kinaya na makita akong ganito?

I looked at the mirror. Pinilit i-kurba ang mga labi para makabuo ng isang ngiti . . . isang ngiti na matatago ang lahat ng sakit.

Pero pilitin man pigilan ay kusang tumulo na lang bigla ang mga likidong nagmula sa mga matang pagod na sa pag-iyak. Sa mga matang nasaksihan lahat ang masasakit na pangyayari nitong mga nakaraang araw.

Ilang beses akong sumubok na kausapin siya. Pero sa huli ay iniiwasan niya lang ako. Sinubukan ko din na tawagan siya sa cellphone, pero nasaktan lang ako dahil pilit niya itong pinapatay. Konting konti na lang ay magiging manhid na lang din ako sa lahat.

Huminga ako ng malalim, pinahiran ang nabasang pisngi at ngumiti ulit. "I'm strong," pabulong kong saad at tuluyan ng kumawala ang mga luha.

Pinihit ko ang seradura ng pintuan na nakayuko ang aking ulo. Nakita ko ang pares ng paa niya. Baka gusto lang niyang mag cr, sa huli ay umalis ako para hindi makaharang sa daraanan niya. Ngunit bago pa man ako makahakbang ay pinigilan niya ako bigla - sa pamamagitan ng pag-higit sa'king braso.

Nagtaas ako ng tingin at nagtataka siyang tinignan. "Let's talk," mababa ang tono ng boses niya. Kinilabutan ako kahit na hindi ko alam kung bakit.

Gusto kong tumawa, humagalpak sa tawa at umiyak dahil sa kakatawa. Noong mga panahon na gusto ko siyang makausap, mga panahong gulong gulo ako sa aksyon niyang ginawa at pati pride ko nilunok ko na para lang makausap ko siya maitanong kung bakit. Bakit niya ginagawa ang lahat ng 'to. Pero ngayong siya na mismo ang nagkusa ay nakaramdam ako ng inis.

Bakit kapag siya ang nag-aaya na mag usap kami ay ang bilis kong mapapayag? Isang sabihan lang niya sumusunod kaagad ako.

Dehado ka, Karylle.

Our Twisted Fate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon