"Ate Mommy! I'm so excited sa mga pamangkin ko po! I will take care of them and protect them."

Kinurot ko ang pisngi ng kapatid ko. Namiss ko na rin ito kakulitan. "Yes baby, aalagaan nating lahat, okay?"

"Opo, I will give all my dolls to baby girl and my.....ay, wala akong pang boy na toy eh."

"It's okay honey, basta laruin mo lang sila, masaya na sila."

Magkatabi na kami ni Janna sa higaan. Hinihimas-himas ulit niya ang tyan ko. Nagbago kasi ng playtime ang kambal. Dating five pm, naging nine pm na.

"Cissy, alam mo ba, ang dami ko ng plano para sa mga anak natin. Yung lalaruin naming games, pati school nila, lahat. Tuturuan ko silang magbake at mag drums!"

"Hahhahaah!!! Ano ba 'yan hon! biglang ang layo ng kombinasyon? Bake tapos drums?"

"Eh 'yun naisip ko eh, bakit ba."
"Kahit ano hon. Kung saan sila masaya at ano gusto nilang maging susuportahan ko."

Hinalikan ako sa labi ni Janna. "Babe, ang sarap mo pa ring ikiss alam mo ba 'yon? Ang tagal ko ng hindi nayayakap ka ng walang bolang bilog. Ang hirap!"

"Sus! Sino kaya mas hirap sa atin?"

"Sabi ko nga eh. Basta babe, kapit lang ha. Andito ako, huwag mong kakalimutan 'yan. Pumayag naman si Dok na katabi mo ako habang binibiyak ka."

"Oo, huwag mo akong iiwan do'n."
"And Babe, sorry ha."
"Why naman?"
"Sa mga abrupt kong decision noon. Kung hindi dahil nagpumilit akong maging drummer, walang magaganap na insidente noon. Doon naman nagsimula, kay Tanya."

"I told you not blame yourself anymore. Mabait si God at walang napahamak sa atin. Binigay ang pagsubok na 'to sa atin dahil alam Niyang kaya natin."

Janna kissed me again. "Thank you Cissy, I love you so much."

"Mahal na mahal din kita Janna Marie, walang iba."

-------------

December 17, 2016 - BIRTH OF JANNA AND CISSY'S TWIN

Pilit kong inaalis ang kaba sa dibdib ko. Nashave na ako, nakagown at inaantay na ang anesthesiologist.
I uttered a simple prayer before my operation. Let His will be done. I put my trust in Him.

Nahiga na ako at tinakpan na ang kalahati ng katawan ko. Janna stayed beside me. Sa may ulunan ko in particular. Hindi niya binibitawan
ang kamay ko.

After few minutes masaksakan ako ng anest ay naramdaman ko ng kumilos si Dok kasama ang ilang staff niya. Namanhid na ang ibaba kong katawan at panay ang bulong ni Janna sa tainga ko.

"I love you baby, I love you Cissy, I love you , I love you so much."

Hinalikan niya ang pisngi ko at hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko. "Babe, babe tingin ka sa akin."

"Hmmm?"

"Mahal kita okay? Maaaaahaaaal na maaahal kita. Lahat gagawin ko para sa inyo. Kaya mo 'yan. Huwag kang bibitaw Cissy."

Tipid akong ngumiti sa kanya dahil aprang bumibigat ang talukap ng mga mata ko. "Ssshh...Babe, look at me please."

Ngumiti akong muli. Tantya kong walang kinse minutos ay may isang iyak na ng sanggol akong narinig.

"Uhaaa!!! Uhaaa!!! Uhaaa!!"

"Time: 10:06 am." Ang oras ng panganay ko. Tiniis ko ang lamig ng buong paligid. "One more, one more, pull!" Sabi ni Doktora.

"Time: 10:08 am," anunsiyo ulit ni Doc. Pero walang iyak akong narinig. Kinabahan ako at hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Janna. I looked at her at hindi ko masabing nasa'n ang isang iyak. Ilang minuto pa bago ko marinig ang iyak ni bunso.

"Salamat! Salamat!", nausal ko sa isip ko.

Isang oras ako sa recovery room matapos ilipat sa regualr room. Pag mulat ko ay nagulat ako ng makita kong ang dami kong bisita sa kuwarto. Nginitian ko silang lahat. Nado'n si Ate Gli, si Lianna. Sumunod sina Louie, Myles, CJ at Wella minus Bea.

"Sobrang cute ng kambal! How adorable!" wika ni Wella.

"Asa'n sila?"
"Eh nasa nursery, pero alam mo namang nasa nursery diba?" sabi ni Ate Gli.
"Si Janna?"
"Kasama si Billy saglit, kausap ang doktor," medyo matamlay na sagot ni Louie.

Ilang oras lang silang nagstay at umalis din. Naiwan si Ate Gli at Lianna. Umidlip muna ako sandali.
After two hours ay nagising ako at nag-aantay na ang wheelchair ko papuntang nursery. Habang tinutulak ako ni Janna ay nag-usap kami.

"Hon, cute ba sila?"

"Oo baby sobra! Pasensiya ka na, hindi mo sila nahawakan ng matagal. Kailangan silang iincubate kaagad eh."

Hinawakan ko ang kamay ni Janna sa handle ng wheelchair. Pinisil-pisil ko. "Sana ay maging okay si bunso."

Nasa tapat na ako ng nursery at tig-isang nurse ang tumulak ng crib papunta sa amin. Mas maraming tubo nakakabit kay Baby girl, siya ang may sakit sa puso. Naluha ako ng makitang gumagalaw ang mumunti kong anghel at hindi makapaniwalang naggaling sila sa akin at nabuhay ng pitong buwan sa tyan ko.

"Ciss, 'yung tahi mo. Huwag ka munang masyadong gumalaw," saway ni Janna. Nag lean forward kasi ako para masilayan sila ng mas malapit.
Kinatok ko ng marahan ang salamin na naghihiwalay sa aming apat.

"Hi babies, mommy Cissy ito. Hello babies. Are you doing good there? Palakas kayong dalawa ha. Marami kaming naghihintay sa inyo sa outside world. Maganda ang room niyo. Excited na kami ni Mommy Janna na makarga kayo."

Naging garalgal ang boses ko ng makita kong gumalaw ang braso ni baby boy.

         "Kuya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kuya....dinig mo ba ang mommy? Be strong kay bunso ha. Hawakan mo ang kamay niya pag malungkot siya. Patawanin mo sya pag malapit na siyang umiyak. May sakit si Bunso kuya eh. Alagaan mo siya dyan ha?"

Tumulo na ang luha ko na makita kong kumibot ang lips niya at umuha saglit. Parang narinig niya ako.

"Ngayon pa lang mag-mahalan na kayong dalawa. Ikaw naman bunso," kinatok ko ulit ang salamin.

"Pakatatag ka okay? Mahal na mahal ka nina Mommy ha. Huwag mong kalimutan 'yon. Kuya is there oh, bantay ka niya. Pag nahihirapan ka at may masakit, call mo si Kuya."

Napahikbi na ako at napaluha. Niyakap ako ni Janna.

"Babe...babe...tsk! Tama na. Halika na nga," at inikot niya ang wheelchair palayo sa nursery.

Sinenyasan niya ng "okay" ang mga nurse sa loob. "Balik na lang tayo mamaya, pahinga ka muna Ciss."

---------------------------------------

This is it Pansit! Since nasa incubator ang babies nila at 7 months pa lang, meaning two months pa bago ako mag-update ulit.

Habang nagpapalakas ang mga babies, mag-suggest kayo ng name ni baby boy at baby girl.

Pipili po ako ng medyo okay although meron na ako sa isip ko.

So pano po? Pahinga muna sila Janna and Cissy ng two months?

Shan... 12/16/16

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon