[ 24.2 ] Change

Magsimula sa umpisa
                                    

"Fine! I'm scared. Ano naman ngayon? That was the first time na nakapasok ako sa horror house"

"I'm sorry, okay? I just want something different"

"Yeah, this date is totally different from before. Now, get dressed. Burahin mo na din yang nasa mukha mo. I'm hungry so let's leave this place and eat"

Hinapit ni ZAC si Steffi sa bewang.

"Galit ka ba dahil sa ginawa ko?"

"ZAC, nakakahiya. Layuan mo ako. Baka isipin nila--"

"Ano?! Na may boyfriend ka na ganito ang itsura?"

"Hindi. Sige na, magbihis ka na. Maghihintay na lang ako sa loob ng sasakyan"

Binigay sa kanya ni ZAC ang susi ng sasakyan na hindi siya nagsasalita. Agad na umalis doon si ZAC para maghilamos at makapagbihis. Agad din naman na umalis doon si Steffi at pumunta sa sasakyan ni ZAC. Naghintay lang siya sa loob. Naisipan niya na itext ang kaibigan.

To: Kurt

Ano bang kalokohan ang tinuturo niyo kay ZAC?! He's doing weird things because of you! Ano ano bang sinasuggest niyo sa kanya?!

Inis na inis si Steffi habang tinetext niya si Kurt. Nang matanggap ni Kurt ang text ni Steffi ay agad niya itong tinawagan.

[ Kasama mo ba ngayon si ZAC? Lakas ng loob mo na itext akong ganun ah? Lagot ka kapag nabasa niya yan ]

"Wala siya dito ngayon. Itetext ba kita kung nandito siya?"

[ Hindi mo man lang ba naappreciate ang ginawa ng pinuno namin? ]

"Nagpapatawa ka ba? Kung ano anong kaweirduhan ang ginawa niya! Pakulo niyo tong 11SG e!"

[ Magdahan dahan ka sa sinasabe mo Steffi. Baka nakakalimutan mo na kasama ako sa 11SG kaya mag-ingat ka ]

"How can I? Alam niyo ba kung anong ginawa niyo? Date sa perya? Couple shirts? What the hell are you thinking?!"

[ Ang arte mo! Alam mo kung bakit ito ang sinuggest ko? Kasi nagbago ka na ]

"I didn't change, Kurt! Nagagalit lang ako kaya ako ganito"

[ Just shut your fvcking mouth! Patapusin mo muna ako! ] naiinis na sinabe ni Kurt

Nagulat si Steffi dahil sumigaw si Kurt sa kabilang linya. Hindi niya inaasahan na sasabihan siya nito ng ganung klaseng bagay.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon