BNP 32: KAPIT LANG

Start from the beginning
                                    

Maaga kami ng thirty minutes sa clinic. Ultrasound niya ngayon. Noong unang punta kasi namin ay mahina pa ang heartbeat ng bata.

"Inaantok na naman ako, haaaay!" sabi ni Ciss sabay hikab. Pinisil ko ang kamay niya.

"Saglit na lang 'to babe. Pag uwi, ano'ng gusto mong lutuin ko?"

Cissy smiled then replied, "Adobo mo hon, namimiss ko na 'yon." Her smile melted my heart.

"Uki! Adobo for my wife later," I said then kissed her cheek. Hay Cissy, ang moody mo talaga.

"Oh hi! Janna Cissy, sorry medyo nalate ako." Nag-angat kami ng tingin at si Dra. Beduya na pala, ang OB ni Cissy.

Pumasok na kami ni Cissy, naiwan sa labas si Ate Gli. Pinahiga na si Cissy at sinumulan na ang ultrasound. Ginawa na rin ang pap smear niya. Jusme! Kung ako pala ang nagbuntis, ako ang kakalikutin at papasukan ng mga aparato, yay!! Di ko yata carry.

Tahimik lang si Cissy at nakikita kong tinitiis din niya ang anumang discomfort na nafi-feel niya.

After thirty minutes ay natapos na rin. Sinamahan ko sa loob ng CR si Cissy para maglinis.

"O huwag ka ng yumuko, ako na, ako na," sabi ko sabay kuha ng tissue. Lumuhod ako at sinimulang punasan ang magkabilang hita niya. Hindi naman kasi napupunasan lahat ng doktor ang mga gel.

"Basain mong konti 'yung tissue hon, magaspang eh."

"Okay, okay." Tinukod ko sa pader ang kamay ko para tumayo. "Arekup, ang sakit sa balakang," biro ko pero medyo totoo. :)

"Kaya pa?" tanong niya.
"O naman, ako pa!"

Humugot ako ng tissue, binasa sa gripo at lumuhod ulit. "Babe, bukakang konti, di ko makita eh."

"Don't you miss the view?" Tukso niya at tumawa siya.

"Huwag kang makulit Cissy ha! Antagal ng wala dahil sa kondisyon mo, huwag kang pasaway."

She parted her legs and I started to wipe the excess gel in her groin and on the cheek of her jewel.

"Ahihihihi..." bungisngis ni Cissy. "Nakikiliti ako Janna ano ba! Hahaha!!!"

"Aysus! Ang lande!! Hindi ka pa ba immune sa mga hawak at haplos ko rito?"
"Ahihihihi..."
"Hay! Ang kulet!!"

Nahirapan ulit akong tumayo kaya inalalayan niya ako saglit.

"Gurang ka na Janna."
"Okay lang basta okay ka."

Kinuha ko ang panty niya. "Oh suot na, last na lang at ng matapos na tayo. Sabihin ni Dra. nag quickie pa tayo dito sa CR."

"Puwede naman eh."

"Cissy stop ha, ang kulit mo! Sige na sige na, suot na."

Inangat nya ang isang paa matapos ang isa. "Oh ano? Kaya mo na ba iangat yung panty mo? Ang sakit na ng likod ko eh."

"Sure."

Nang masiguro kong malinis na siya ay sinuklayan ko pa siya. "Hmmmm...spoiled na spoiled ang Cecilia!"

Bago kami lumabas ng Cr ay niyakap niya ko then kissed me on the lips. It was a passionate kiss. I moaned when she started to caress my breasts. "Oohhh....Cissy tama na ano ba..."

Huminto siya at nag pout ng lips. My hands cupped her jaws. "Babe please? Alam kong namimiss mo na pero hintayin natin ang sasabihin ng doktor okay?"

After ten years ay magkatapat na kaming kinakausap ng doktor. Hawak niya ang result ng ultrasound. Pinapasok ko na rin si Ate Gli.

"Okay, Janna Cissy, I have both good news and bad news."

Nagsalubong ang kilay ni Cissy. I tried to compose myself. Sana good news na lang lahat.

"Kayo na pong bahala doc," sabi ko. Huminga muna siya ng malalim.

"Okay ganito, pinabalik ko kayo kasi hindi pa naman tayo sigurado noon. Mahina ang kapit ng isang bata kaya pinag bed rest kita Cissy."

"Isang bata lang naman po talaga diba?" tanong ko.

"That's the good news. You're having twins."

"Ay! Kambal!" Biglang tuwa si Ate Gli. Ako naman ay hindi naka-kilos. "Kambal," bulong ko.

"The last time you're here ay may kutob na ako pero sabi ko nga ay mahina. Bibigyan kita ng gamot pampa-kapit at ito naman ang mga schedule ng check-up. We need a close monitoring Cissy, medyo delicate ang kondisyon mo."

-----------

Nakatulog si Cissy sa kotse habang pauwi kami. Todo alalay kami ni Ate Gli. We may lost the babies if di kami mag-iingat. Lumipas ang ilang buwan na matiyaga kong inalalayan, inalagaan at pinagpasensyahan si Cissy.

May ilang gabing umiiyak ako mag-isa sa kuwarto o kaya sa banyo kapag tulog na siya. Hindi ko maaaring ipakita kay Cissy na mahina ako dahil sa akin siya kumukuha ng lakas. Nakapatong ang ulo ko sa ibabaw ng tummy ni Ciss.

"Ano'ng ginagawa mo dyan hon?"

Anim na buwan na ang tyan ni Cissy. Napapawi ang pagod at hirap sa tuwing gumagalaw ang kambal sa tyan niya.

"Pinapakinggan ko kung malakas na ang heartbeat ni baby, kung humihina gano'n."

"They will survive hon, kasing tapang mo sila eh."
"Ay! Gumalaw babe!"
"Oo, playtime nila tuwing alas singko ng hapon."
"Hahahah!!! Malapit na babe, malapit na rin tayong magkaro'n ng playtime?"
"Hindi pa no, CS ako, mga three or more months pa."
"Okay lang I can wait. Kiss na lang?"
"Ah 'yan pwede naman, hehehe!!"

-----------

Another two weeks had passed. Balik kami kay Dra. Beduya. Okay na ang kapit ng mga bata sa matris ni Cissy. Okay rin ang resulta ng mga lab test niya sa thyroid.

"Pero may isa pang dapat iconsider Janna, Cissy. Ang babae sa kambal ay may sakit sa puso. Siya ang mahina ang pintig noong unang mga ultrasound natin."

"Gaano po kalala doc?" Mahinahong tanong ko habang hawak ang kamay ni Cissy.

"Nothing to worry about. Hindi naman ito nanganga-ilangan ng operasyon katulad ng iba. Aalagaan lang natin siya at may mga gamot akong ibibigay. Irerefer ko din kayo sa isang specialist na kilala ko. Matanong ko lang Janna Cissy no, hindi ba naaksidente o may aumang mabigat na pangyayari habang pinagbubuntis mo ang bata?"

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko.

"You know that the first tri-mester in pregnancy ang pinaka-delicate. Baka habang nag-coconceive si Cissy ay nastress siya ng todo na maaaring nakaapekto sa formation ng mga organs ng sanggol."

"Mayro'n po Doc," maagap na sagot ni Cissy. "There was a time that I thought I could lose her, but it's a matter of life and death."

Ang nangyari noon kay Tanya ang tinutukoy niya. Nakita kong tumigas ang mukha ni Cissy at naaalalang muli ang nangyari. Pinisil ko ang kamay niya to say relax.

"Well then, nangyari na 'yon," sagot ni Doc." Ang dapat nating harapin ay ang ngayon. Your child is struggling Cissy, Janna, - so let's fight with them."

"Doc, please don't leave the country any time until Cissy gives birth."

"No worries, I'm with you through all these. I promise."

-----------------------------------------------

O ayan....di ko na kayo pinag antay ah...lakas niyo sa akin! Hmppp...

;)

Thank u for reading.
Leave comments and vote..

Shan 12/13/2016

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedWhere stories live. Discover now