"Sus, kung maka chika ka sa'kin noon parang end of the word na kasi nahulog ka sa kanya." Tumawa ako. Inirapan niya lang ako na lalong nagpatawa sa'kin.
"Ate, wala manlang bang pasalubong?" Reklamo naman ng bunso kong kapatid na si Arphy.
"Wala nga e. Biglaan lang kasi. Hayaan mo, bukas lilibot tayo, okay ba 'yon?"
"Aba eh okay na okay ate." Nagtawanan lang kami dahil sa kakulitan ni Arphy.
"Ate sino siya? Siya ba 'yung Zen?" Binaling ko ang tingin ko kay Irvin na nagsalita.
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Zen na nakangiti - habang pinapanuod akong makipag usap sa mga kapatid ko. "This is Zen." Pagpapakilala ko kay Zen sa mga kapatid ko.
"Zup mga bros?" Tumango ng maangas si Zen. Akala niya siguro na hanggang ngayon ay okay pa ang relasyon niya sa mga kapatid ko. Dati pa 'yon, at dati pa nila kinalimutan ang kabarkada nilang si Zen.
Binaling ko ang tingin ko sa'king mga kapatid. Binantaan ko sila na kausapin si Zen sa pamamagitan ng paglaki ng mata at pagkagat sa ibabang labi. Agad naman silang umalis sa harapan ko at nagtungo kay Zen para makipag apir sa kanya.
"Musta, bro?" Tanong ni Earl. Sila talaga ang close na dalawa. Mas matanda ako kay Earl ng apat na taon. Kaya hindi rin nagkakalayo ang edad nilang dalawa.
"Ito pogi pa rin," mahangin na sagot ni Zen.
"Musta Arphy? May nililigawan ka na ba?" Tanong niya sa nakababata kong kapatid. Senior high school pa lang si Arphy, heartthrob 'yan sa campus nila. Napuno na nga ang loob ng kwarto niyan dahil sa mga awards sa sinasalihan niyang mga contest. Palagi kasi siyang kinukuha ng mga teachers, kung may pageant contest man. Pero ang problema lang dito sa kapatid ko, torpe.
"Oks lang, Kuya. Wala ah. Aral muna, gagayahin ko si Ate eh." Pinanliitan ko ng mata si Arphy.
"Talaga lang, ha?"
"Oo kaya." Pag depensa niya.
Nag excuse muna ako sa kanilang lahat. Hindi ko pa nakikita si Mama simula nang dumating ako dito. Baka nasa kwarto lang 'yon natutulog.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto nila ni Papa. Nakita ko na ang himbing na ng tulog ni Mama - malalim na din kasi ang gabi. Nagpaalam na nga din kay Papa ang mga kaibigan niya dahil anong oras na din.
Nandoon silang dalawa ni Zen sa garden. Kailangan daw nila ng masinsinang pag uusap. Paniguradong ma ho-hot seat na naman si Zen.
Umupo ako sa kama - katabi ni Mama. Hinawi ko ang ilan sa mga hibla ng buhok niya na humaharang sa kanyang mukha.
Gusto kong magpayakap sa kanya. Miss na miss ko na si Mama.
Gumalaw ang talukap ng mga mata niya at nang makita ako ay ngumiti siya, kahit pa mapungay at alam kong hindi pa malinaw ang paningin niya. "Buti nakarating ka? Sino kasama mong pumunta dito?" Nakangiti niyang tanong
"Si Zen po." Magalang kong sagot.
"Teka, ipaghahanda ko kayo ng makakain. Hindi man lang ako ginising ng mga kapatid mo, 'yung mga 'yon talaga oo." Bago pa man makababa si Mama sa kama ay pinigilan ko na siya.
"Ma," puno ng lungkot ang tono ng boses ko. Napahikbi na lamang ako. "Okay lang po. H'wag na po kayong bumaba."
Heto na naman. Kailan ba 'to mauubos?
Walang sabi-sabi'y yinakap niya na lang ako. Hindi ako nagsalita, pero alam na alam niya kung ano ang gusto kong gawin niya sa'kin. Gusto ko ng yakap ng isang ina - isa 'to sa nagpapagaan sa nararamdaman ko.
"You can say whatever you want to say. Pwede mong sabihin sa'kin lahat ng hindi mo kayang sabihin sa kanya." Mama knows me well. Isa 'to sa binabalik-balikan ko sa kaniya.
Kahit pa saktan ako ng iba. May magulang at mga kapatid naman akong kaya akong ipagtanggol at ilayo sa lahat ng sakit.
"Mama. Pinigilan ko naman eh. Kasi alam ko na una pa lang mali na talaga. Ilang beses kong tinatak sa utak ko na mali 'tong nararamdaman ko para sa kanya . . . kasi magkaibigan kami." Pagsasalaysay ko. Bawat salitang binibigkas ko ay katumbas ng hikbing kumakawala. "Pero kahit anong gawin ko doon pa rin ako bumabagsak. Hanggang sa siya na mismo ang nagtakda na layuan ako."
Kumawala siya sa yakapan namin at sinakop ang magkabila kong pisngi - gamit ang dalawa niyang kamay. Pinunasan niya ang luha dito. "Kailanman ay hindi magiging mali ang pagmamahal. Alam ko kung saan ka nanggagaling - na natatakot kang umamin dahil ayaw mong masira ang pinagsamahan niyo. Pero noong isang beses na dumalaw ka dito kasama siya, nakaramdam ako ng tuwa. Kasi sa nakikita ko sa inyong dalawa ay mayroong mabubuong isang kwento ng pag-ibig. The way na tignan ka niya at kausapin ka niya ay iba ang dating sa'kin. Nung una ay hindi ko pa matanggap dahil iba ang kasarian niya - pero kalaunan ay buong puso ko na siyang natanggap. Nagkausap pa kami noon, sinabi ko sa kanya na thankful ako dahil nakilala mo siya, na masaya ako dahil natagpuan niyo ang isa't isa. Paano kung una pa lang ay inamin mo na, anak? Maari kayang hindi kayo humantong sa ganitong sitwasyon?" Mahaba-habang leksiyon ni Mama. Wala akong ibang ginawa kundi makinig at intindihin lahat ng salitang kanyang binibigkas.
"Ma, bakla si Vice. Hindi niya gugustuhin na magmahal ng isang katulad ko - isang babae." Bumagsak na lang ang balikat ko dahil sa panghihinayang na rin. Sayang naman kasi talaga.
Nasayang lang 'tong kinimkim ko nang pagkatagal-tagal. Dito rin pala kami hahantong sa huli.
"Hindi mo naman masasabi 'yan, anak. Oo, bakla siya at naniniwala ako na may damdamin din siya. Kahit pusong babae man ang kaibigan mo na 'yon alam ko na may babae ring tinitibok ang kanyang puso."
"Ma, naman e. Pinapaasa mo lang ako. Hindi naman nakakatulong 'yang mga sinasabi mo sa'kin." Pagta-tantrums ko na parang bata na inaasar sa kanyang all time crush.
"Anong masama sa umasa kung may patutunguhan naman?"
: sorry for the short wait lmao, 20 chapters lang 'to kaya pinag-iisipan ko bawat chapter. may nagbago, eldest si K nailagay ko ata sa chapter one na youngest siya, basta siya ang ate :))
twstd : 16
Comenzar desde el principio
