"Kailangan 'yon. Darating din 'yung time na magkakaayos kayo at babalik lahat sa dati." Matalinghaga niyang salita.

Tinuon ko ang atensyon ko sa tanawin na makikita sa labas ng bintana. Nakita ko ang sign board papunta ng Laguna. Ngumiti ako dahil kahit hindi ko diretsyahang sinabi sa kanya kung saan ko gustong pumunta ay nalaman pa din niya. Gusto kong umuwi sa bahay namin. Gusto ko nang makita ang pamilya ko.

Baka sakaling sumaya ako at mapawi ang lungkot, kapag nakita ko sila at nayakap.

Halo-halong boses ang naririnig ko sa loob ng bahay namin. Sigawan ng mga kapatid ko - na paniguradong naglalaro ng xbox. At ang boses ni Papa kasama ang mga bisita niya.

Kaarawan ngayon ni Papa, kaya ginusto ko din pumunta dito ngayon. Ayokong ma-miss kahit isa sa mga birthday nila. Gusto ko na habang nabubuhay ako ay nakakasama ko sila sa mga special na kaarawan.

Tulad ngayon, gusto ko silang makasama at maramdaman kung gaano kasarap makasama ang sariling pamilya.

"Pa!" Salubong ko kay Papa na nagbukas ng gate sa'ming dalawa ni Zen. Halata sa mga mata niya ang gulat - siguro'y hindi inaasahan ang pagdating ko. "Kamusta ka na, Pa? Namiss kita!" Nasasabik kong saad.

"O, napauwi ka. Wala ka bang trabaho?"

"Si Papa naman hindi na nasanay. Alam mo namang ayaw kong ma-miss ang bawat birthday niyong lahat." Nakangiti kong saad at kumalas na sa yakapan. Nag give way ako para kay Zen. "Pa, si Zen."

"Boyfriend mo ulit?" Nakakunot noong tanong ni Papa. Alam nila ang pinag daanan ko noon. Hindi nga nila natanggap na naloko ako. Ano daw bang karapatan ni Zen na saktan ang katulad ko na kamahal-mahal naman.

Nagkatinginan kami ni Zen. Gusto kong sumagot na hindi, pero ayokong makasakit sa gagawin kong sagot. "Uh . . . hindi po, nanliligaw pa lang po ako actually." Siya na mismo ang sumagot. Kinuha niya ang kamay ni Papa at nagmano dito. "Hello po, magandang gabi."

Nakita ko ang pag tapik ng bahagya ni Papa sa uluhan ni Zen. "Ingatan mo. H'wag ka na ulit magpapakita sa'kin kung hindi mo pahahalagahan." Napangiti na lang ako.

Kung ako mismo ang papipiliin, gusto kong mahalin na lalaki ay ang katulad ni Papa. Sobra sobra 'yan kung magmahal. Kahit nga ilang taon na silang kasal ni Mama ay wala pa rin siyang palya - palagi pa din niyang binibigyan ng bulaklak o kahit na anong regalo si Mama. Kung pwede lang talaga ako mamili. Pero kailan man hindi naman 'to natuturuan. Siya pa din, kahit anong mangyari.

"Ate!" Sabay sabay silang sumalubong sa'kin. Natawa na lang ako dahil literal na dinumog nila ako. Talong pares ng kamay ang nakayakap sa'kin.

"Bakit ngayon ka lang ha? Naghintay kaya kami nung laban namin sa school - hindi ka naman nanuod. Tinext pa kita no'n." Sumbat sa'kin ni Earl - sumunod sa'kin na nakakatanda. Kung pwede nga lang talaga na pumunta ako no'n ay ginawa ko na - pero nung mga panahon kasi na 'yon ay kasama ko si Vice. 'Yung panahon na kailangan na kailangan niya ng masasandalan.

Why can't my feelings leave me like everyone else does?

"Ito na nga bumabawi na. Kamusta ba 'yung game? Panalo ba? Nanalo ka na din ba sa puso ni Klea?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. All time crush niya 'yon. Katulad din ng sa'min, mag bestfriend din sila. Pero ang pinagkaiba nga lang, siya mismong lalaki ang nahulog hindi 'yung babae. Nasa genes ata namin 'to. Mahulog nang hindi sinasadya sa kaibigan namin.

"Ate naman. Wala 'yon. Magkaibigan lang talaga kami." Pag depensa niya. Kahit ngumiti man siya at ipakita na okay siya, hindi pa rin nakaiwas ang paningin ko sa mga mata niya. Taliwas ang pinaparating ng malulungkot niyang mga mata. Kilala ko na 'to, eh.

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now