Ikaw lang ba may karapatang mag selos? Kung alam mo lang na araw-araw, minu-minuto, oras-oras ko kayong nakikitang magkasama ay nakakaramdam ako ng selos.

Sa sumunod na mga araw ay hindi na kami muling nagkita. Ilang beses na din humingi ng tawad sina Anne at Vhong. Pilit nilang inaako ang kasalanan na hindi naman sila ang may kagagawan. Hindi nila intensyon na pag awayin kaming lalo, ang tanging nais lang nila ay magkaayos kami ni Vice. Inamin ko sa kanila na nagkasakitan kami ni Vice sa pamamagitan ng salita. Hindi pisikal pero ang sakit sa damdamin. Buong pagkatao ko apektado.

"K, sorry talaga. Hindi namin sinasadya ni Vhong." At hanggang ngayon ay humihingi pa din si Anne ng kapatawaran kahit na ilang araw na din ang nakalilipas simula nang mangyari 'yon.

"Ano ka ba, Anne okay nga lang. Desisyon naming dalawa 'yon. Labas ka don." Sabi ko sa kaniya.

Isang araw ay nagpunta si Vice sa unit ko. Palihim pa akong napangiti dahil akala ko ay hihingi na siya ng sorry at magkakaayos na kaming dalawa. Pero ang lahat ng 'yon ay gumuho na lang kaagad nang sabihin niya sa'kin aalis na siya. Pupunta daw siya ng ibang bansa for a business purpose at para na din makapag pahinga. Tumango lang ako. At pagkatapos no'n ay umalis na siya.

Gustong gusto ko siyang habulin, yakapin, pigilan na sana ay h'wag na siyang umalis, at higit sa lahat ay aminin sa kanya ang totoong nararamdaman ko kahit huli na ang lahat . . . kahit na hindi na pwedeng remedyuhan pa. Pero ang ginawa ko lang no'n ay tumayo. Panuorin siyang maglakad palayo sa'kin. Pinanuod ko lang siya na iwan ako ng basta-basta.

Wala akong ginawa. Kaya deserve ko ngayong pagsisihan ang lahat.

"Pero kasi kung hindi namin ginawa 'yon, e di sana nandito pa din si wakla. Sana hindi siya nag ibang bansa para makalayo sa'yo." Konsensyang konsenya na sambit ni Anne.

Pinili niya magpakalayo-layo para makaiwas sa'kin. Kasi ako lang ang nagdudulot sa kanya ng sakit. Ako lang 'yung tao na binigyan siya ng malaking problema.

"Work muna, Anne. Okay lang talaga ako. Kalimutan mo na 'yon." Nginitian ko siya. Pinaniwala na okay lang ako.

Umaasa ako na sana dumating ang araw na maging masaya naman ako, katulad ng ginagawa kong pagpapanggap.

"Zen, roadtrip tayo." Sabi ko sa kanya nang makasakay ako sa kanyang sasakyan. Everyday ay hinahatid sundo niya ako sa trabaho. Ayoko na din munang gamitin 'yung sasakyan. Kasi kahit saan ako tumingin sa loob no'n ay may bahid ng alaala niya. Mas mabuti nang umiwas muna.

"Where do you wanna go?" Tanong niya habang nagkakabit ng seatbelt.

"Anywhere. Ilayo mo muna ko dito."

"Wala pa rin bang tawag o message mula sa kanya?" Saad niya habang nakatingin sa daan. Nalaman niya dahil inaya ko siya noon na samahan niya akong mag bar. Sinubukan ko lang naman na uminom ulit, kahit na nagkatrauma na ako sa pag-inom nito. Dahil sumagi sa isipan ko ang nangyari noong huling nalasing ako.

Ang sarap lang ulit makatikim ng alak. Ginawa ko lahat ng gusto ko, na ayaw niyang ginagawa ko. Ang sarap maging malaya. Pero ang hirap lumaya sa taong nakasama ko ng matagal na panahon.

Parang bigla-bigla na lang ay gumuho ang labing isang taon na pagsasama namin bilang magkaibigan. Ngayon lang kami nagkaganito.

Labing isang taon na pinuno namin ng masasayang alaala na ang sarap balik-balikan pero ang sakit nang isipin. Walang araw na hindi siya sumagi sa isip ko. Pero kailangan kong magpakatatag, kasi baka kailangan lang ng space ng isa't isa.

"No communication at all. Hindi na din naman kailangan." Sagot ko sa katanungan niya. Anong pang silbi ng komunikasyon kung parehas kaming nakararamdam ng pagka ilang.

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now