Hinila niya ako sa loob ng cr. Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa pagitan namin. Tanging buntong hininga lang namin ang maririnig dito sa loob. Parehas kaming nakatingin sa repleksyon ng sarili namin.
Akala ko ba mag uusap?
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, humugot ako ng lakas ng loob para magsalita. "Bakit Vice? . . ." Tanong ko at tumingin sa kaliwang direksyon - kung saan makikita ang kanyang repleksyon sa salamin. Napatingin din siya sa repleksyon ko nang magsalita ako. "Bakit mo 'to ginagawa? Anong bang kasalanan ko para iwasan mo 'ko?" Hindi ko na napigilan mapahikbi.
Ilang araw ko din 'tong tiniis. At ngayong may oportunidad na akong ilabas ang lahat ay hindi ko na inaksaya.
"K," pagsita niya sa'kin dahil patuloy lang ako sa paghikbi.
"Kasi kung ikaw natitiis mo ko na hindi kausapin, ako hindi. Vice, ilang araw mo kong hindi pinapansin. Ilang beses mo 'kong tinanggihan sa mga alok ko. Tumigil na lang ako kasi pagod na ako. Baka kailangan ko lang ng kaonting panahon para mag pahinga. . . baka kailangan lang nating dalawa ng pahinga." Paglalahad ko ng aking saloobin.
Mas masakit ang mawalan ng kaibigan kaysa sa karelasyon.
"Karylle, hindi mo kasi naiintindihan."
"Kung gano'n ipaintindi mo naman sa'kin. Ipaintindi mo sa'kin lahat lahat kung bakit mo ko pinapahirapan ng ganito." Saad ko sa pagitan ng paghikbi.
Hinawakan niya ang magkabila kong braso at pinaharap sa kanya. "Kasi nga hindi na tayo 'yung dati. May Zen ka na, at ako naman may Renzo na."
"So ano? Gano'n na lang 'yon. Vice, magkaibigan tayong dalawa. At kahit na may Zen ako, ikaw pa rin eh." Kung sana naintindihan niya ang gusto kong iparating. "May Renzo ka na, ako pa rin ba?" Isang tanong na nagpabitaw sa kanya mula sa paghawak sa'kin.
Yumuko siya at huminga ng malalim. Umikot ako patalikod sa kanya para simplehang punasan ang nabasa kong pisngi.
"K naman, kaibigan kita." Dinig kong salita niya mula sa likuran ko.
"Kaya ba umiiwas ka sa'kin dahil mahal mo na siya ulit . . . o dahil hindi mo na ako kailangan sa buhay mo?"
"Karylle,"
"Alam kong Karylle ang pangalan ko, Vice. Ang tanong ko ang sagutin mo. Ako na kaibigan mo o siya na mahal mo na?" Hinarap ko siya at tinanong. Tiim baga akong naghintay sa sagot niya.
Umiling ang kanyang ulo at kinagat ang kanyang ibabang labi. "H'wag mo nang sagutin. Bakit ba kasi tinanong ko pa, alam ko naman kung ano ang sagot." I smiled at him, fakely.
Kahit malabo na isagot niya na ako pa rin ang kailangan niya ay umasa pa din ako.
"Please, h'wag mo 'tong gawin sa'kin." Nagmamakaawa niyang saad.
"Paki usap din, Vice. H'wag mo na rin tong iparamdam sa'kin ulit. Kasi durog na durog na ako! Hindi ko na alam kung saan ako lulugar, kung ano ba ang gusto kong mangyari." Napatitig siya sa'kin habang nagsasalita ako.
"Durog na durog? Anong karapatan mong sabihin 'yan? Bakit may ginawa ka ba noong sinabi kong nagseselos ako? Hindi ba't wala? Ikaw mismo ang gumawa ng isang bagay para layuan kita." Seryosong salita niya, kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Kung nadala lang ba siya ng kanyang emosyon ay hindi ko malaman.
Did he just say those words? Inamin niya talagang nag seselos siya.
Pakiramdam ko'y natuod ako. Nagulat marahil sa mga salitang kanyang binigkas. Sa sobrang tuwa ko ay napaiyak na lang ako. Napagtanto ko na tumalikod na siya sa'kin at naglakad palayo.
twstd : 16
Start from the beginning
