CHAPTER 27

8.2K 157 6
                                    


CAMILLE'S POV

Sinisipat ko ang sarili sa salamin nang makarinig ng katok.

"Uy bruha! Bilisan mo na diyan! Wag masyadong magpaganda ah, baka matalbugan mo pa 'yung bride!"

Natawa ako sa sinabi ni Yvette.

"Baliw! Hindi noh! Ayokong agawin ang spotlight sa kapatid ko!"
Natatawang sagot ko sa kanya.

Kinuha ko na si Ethan sa crib niya at kinarga.

It's Trixie's wedding day today! 

Sumimangot si Yvette nang makita ako.

"Kakasabi ko lang di ba, na wag masyadong magpaganda bruha ka! Aagawin mo talaga yung spotlight sa kanya eh!"
Sabi niya.

Natawa ako.

"Sus! Ikaw din naman eh! Ang ganda mo ngayon, bruha!"

Tiningnan niya ako ng masama.

"Ahh ganun?! Ngayon lang talaga?!"

Natawa uli ako.

"Syempre hindi! Kahit noon pa man ay maganda ka na talaga,  pero MAS lalo ka lang gumanda ngayon!"
Kinindatan ko pa siya.

"Ayan! Gustong-gusto ko talagang marinig 'yan, bruha! Pero parang binobola mo lang ako eh! Tara na nga sa labas at naghihintay na 'yung babe ko!"

Hinila niya na nga ako palabas ng hotel. Nasa Baguio na pala kami ngayon, actually nung isang araw pa.

Dahil medyo may kalayuan 'yung simbahan kung saan gaganapin 'yung pag-iisang dibdib nina Trix at Pau ay kailangan pa rin naming sumakay ng kotse.

"Oh? Sina Tita Fely, bruha? "
Tanong ni Yvette nang nasa kotse na kami.

"Nasa kwarto pa niya. Susunod nalang daw sila. Hinihintay niya pa si Ken eh."
Sagot ko.

Napatango si Yvette.

"Ahh ok. Pero maiba tayo, how's between you and Tim lately?"

Nalungkot ako sa tanong ni Yvette.

"Negative. Hindi na siya nagpapakita at tumatawag sa'kin eh. Alam mo 'yung nakakalungkot na part? Yung ang dami-dami kong tanong para sa kanya pero bigla nalang siyang naglahong parang bula! Siguro may kasalanan din ako dahil dun sa huling sinabi ko sa kanya. Pero kasi — binibigyan niya ako ng misteryo eh! Sobrang naguguluhan ako, Yvette!"

"You know what? Kung ano man 'yun ay nararamdaman ko pa ring mabuting tao siya, bruha. Siguro ay kumukuha lang siya ng buwelo para sabihin sa'yo ang buong katotohanan."

"Nakakaduda na'tong mga 'to ah! "
Biglang sabi ni Jeric na siyang nagdadrive ngayon.

Natigilan kami ni Yvette.

"Huh??"
Tanong namin ng kaibigan sa kanya.

Tumingin uli si Jeric sa side mirror ng kotse.

"Kanina ko pa kasi napapansin 'tong kotseng itim na 'to na sumusunod sa'tin eh!"
Sagot niya sa amin.

Sabay kaming napatingin sa likod ni Yvette.

May kotseng itim nga.

Kinabahan ako nang maalala ang kotseng ito.

Ito din ang kotse na huminto sa plaza noon! Ito ang sinakyan ng dalawang lalaking nagtangkang barilin kami ni Tim!

"A-Ahh. Baka pareho lang ng daan sa pupuntahan natin, babe. Ano ka ba! Wag ka ngang masyadong praning!"
Sabi pa ni Yvette kay Jeric.

Napatingin ulit ako sa kotse.

A Night With My Husband's BrotherOn viuen les histories. Descobreix ara