CHAPTER 23

10.4K 181 9
                                    


CAMILLE'S POV

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago pinihit pabukas ang pinto ng kwarto kung saan nakaconfine ngayon si Mama Fely.

Natigilan ako nang makita si Ken na mahimbing na natutulog sa maliit na sofang naroroon. Nakaharap sa akin ito.

Tinitigan ko lang siya. Ang mala-adonis niyang mukha.

"You know, staring is a crime."

Napakislot ako nang bigla siyang nagsalita.

Gising pala siya!

He slowly opened his eyes until our gazes met.

Agad na nag-iwas ako ng tingin.

"N-Nagpapanggap ka lang ba na natutulog?"
Tanong ko sa kanya sa mahinang boses.

"I really was sleeping. Nagising lang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. I was just too groggy to open my eyes."

"P-aano mo naman nalaman na nakatitig ako sa'yo?"

Namula ako sa hiya nang maintindihan ang sinabi.

Shit! Parang inaamin mo na nakatitig ka talaga sa kanya, Camille!

Nakatitig ka naman talaga, di ba?
Sabat ng traydor na utak ko.

Kinagat ko ang ibabang labi.

I heard him chuckled, so I glanced and glared at him.

"Coz I just felt that there's someone staring at me."
He answered.

Natigilan ako at napatitig sa mukha niya. Nakangiti kasi siya ngayon. How I missed seeing him smile. Memories started to flow back on my mind.

I slightly shook my head to ease the memories.

Inilipat ko ang paningin kay Mama na mahimbing na natutulog.

"K-Kamusta na pala si Mama?"
Pag-iiba ko ng usapan.

"She's fine now. Sabi ng doktor ay pwede na siyang umuwi bukas. Masyado lang talagang nabigla si Mom sa nangyari at sa nalaman niya kahapon."

Isang tango lang ang isinagot ko sa kanya. Naalala ko kasi ang nangyari kahapon.

Sandaling dumaan ang katahimikan bago siya nagsalita ulit.

"L-Look Camille-"

Ibinalik ko ang paningin sa kanya.

He took a deep breath and stared at me in the eye.

"-I'm sorry for what had happened yesterday."

Di ako makapaniwala sa narinig. Humihingi siya ng pasensya?

"-Alam ko na galit sa'yo yung tatay mo ngayon."

"N-Nagkabati na kami kagabi. Kailangan ko pa ngang magpasalamat sa'yo dahil dun sa ginawa mo. Oo, sobrang nagalit ako sa ginawa mo kahapon, pero napagtanto ko na kung hindi dahil sa'yo, hindi ko sana masasabi ang buong katotohanan sa kanya. Sa lahat ng taong pinaglihiman ko. Kaya Ken, thank you."
Nginitian ko siya.

Nagkatitigan kami. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko. Ako na ang unang nagbitaw ng tingin.

Nanghihina kasi ang mga tuhod ko sa tuwing nagtatama ang mga paningin namin. Kaya hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya nang matagal.

Narinig kong tumikhim siya.

"Ah Camille?"
He called.

Di ko siya nilingon.

A Night With My Husband's BrotherWhere stories live. Discover now