SPECIAL CHAPTER #3

6.4K 142 5
                                    


Dalawang buwan na ang nakakaraan simula nung ikasal kami ng asawa ko.

Walang nagbago. He's still as sweet as ever. Dumagdag pa nga ang pagiging sweet niya ngayon eh.

Paggising ko, may bulaklak na sa tabi ko with matching sweet messages pa.

Minsan, aabsent siya para lang makapagbonding kaming dalawa. Pumupunta kami sa mga kilalang beach resort dito sa Pinas o kaya'y pumupunta kami dun sa private resort niya sa Negros.

Wala na talaga akong mahihiling pa, hindi man masasabing perpekto ang pagsasama at buhay namin ngayon pero masaya kami. Wala ng problema.

"Hon, wake up!"

"Hmm..."
Ungol lang ang sagot ko sa kanya. Kanina niya pa ako ginigising pero antok na antok pa ako, tinatamad na gumising.

Ramdam ko ang paghalik niya sa buong mukha ko.

"Five minutes, hon. Give me five minutes."
Inaantok na sagot ko sa kanya.

"Still sleepy?"
Malambing na tanong niya sa'kin.

Tumango ako. Nakapikit pa rin ang mga mata.

"Okay. Alam kong pagod na pagod ka dahil madaling araw na tayong nakatulog kanina.

I'm so sorry, Hon. Just sleep, okay? Pupunta na akong work.
I love you."

Naramdaman ko pa ang paggawad niya ng halik sa labi ko.

Hinila na ulit ako ng antok.

Naggising ako nang makaramdam ng sobrang gutom. Tamad na bumangon ako sa kama.

Napangiti nang makita ang tatlong roses sa bedside table, may kalakip pa itong sticky note na may nakasulat na,

Hey sleeping beauty! Seeing your beautiful face already made my day!
I love you so much, my beautiful wife.

Don't forget to eat your breakfast and lunch, okay?

Nakangiting kinuha ko ito at nilagay sa box kung saan tinipon ko lahat ng mga cards and sticky notes na binibigay niya. Kapag out of town siya ay lagi ko itong binabasa.

"Nay!"
Tawag ko sa ina habang pababa ng hagdan.

"Yaya, catch me!"

Napangiti ako nang makita ang gwapo kong anak na nakikipaghabulan sa yaya niya.

Tumigil pa siya sa harap ko.

"Good afternoon, Mommy!"
Bati niya sa akin bago tumakbo ulit.

Ehh?

Natigilan ako.

Afternoon? Did I hear it right?

Napatingin ako sa wall clock.

Naihilamos ko ang mga kamay nang makita kung anong oras na.

It's already 3 in the afternoon!

What the heck?! Kaya pala sobrang nagugutom na ako! Ang haba ng itinulog ko! My ghaaaaddd!

Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng makakain.

Biglang bumaliktad ang tiyan ko nang malanghap ang amoy ng adobo.

Agad na nagpunta ako sa sink at dumuwal.

Nanghihinang napaupo ako.

Buntis kaya ako?

Ganitong-ganito din kasi ako noong ipinagbubuntis ko pa si Ethan eh. Nagduduwal. Antukin. Tapos.... delayed na ang menstruation ko!

Nakangiting napahawak ako sa impis pang tiyan.

A Night With My Husband's BrotherWhere stories live. Discover now