CHAPTER 35

8.6K 146 5
                                    

Warning: Rated SPG ahead!

CAMILLE'S POV

"Sana ay masaya na siya kung nasaan man siya ngayon."
Di maikakaila ang lungkot sa mukha ko habang binibitawan ang mga katagang ito.

"Alam kong masaya at payapa na siya ngayon, hon."
Sabi ni Ken sa'kin habang hinahawakan ang isang kamay ko. Pareho kaming nakatitig sa puntod na napapalibutan ng mga bulaklak.

"Kahit naging masama siya sa'tin ay nalulungkot ako para sa kanya. Alam kong dahil sa sobrang pagmamahal niya sa'yo kaya niya nagawa ang mga iyon."

"Alam ko. And I felt sorry for her. I'm sorry Lianne."

Oo, tama kayo ng nabasa.

Nasa puntod kami ngayon ni Lianne.

Nagtataka siguro kayo kung bakit at paano nangyari.

Ganito kasi ang nangyari nun.....

—FLASHBACK

"LIANNE, WAAAGGG!"

Sabay naming sigaw ni Ken nang unti-unti-unti niyang hinihila ang gantilyo habang nakatutok pa rin ang baril sa anak naming walang tigil sa pag-iyak.

"Magsasama tayo sa kabilang buhay, Sebastian!"
Sigaw nito habang itinutok ang baril kay Ken.

Hindi ako makagalaw nang marinig ang isang napakalakas na putok ng baril.

"K-Ken!"
Parang nanuyo ang lalamunan ko habang nakatitig sa duguang kasintahan.

Tinamaan ito sa balikat.

Akmang susugurin na ng mga pulis si Lianne nang makarinig ulit kami ng isa pang putok.

Napaawang ang bibig ko sa pagkagulat.

Si Lianne....

She shot herself in the head!

She shot herself!

She shot herself!

"Kunin niyo 'yung bata!"

"Check her pulse!"

"Negative! She's dead!"

Dinig kong sigaw ng mga pulis.

Makailang ulit akong napakurap, hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan. Parang hindi ko na maigalaw ang buong katawan ko sa panginginig nito.

"Hon."
Napakislot ako sa gulat nang hawakan ni Ken ang isang balikat ko.

"You okay?"
Nag-aalalang tanong niya sa'kin.

"S-She..... S-She shot herself!"
I'm freaking out.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko upang pakalmahin.

"Hey.. It's okay. Calm down, hon."

"She shot herself hon!"

Niyakap niya ako.

"Hon...it's okay. J-Just... Just forget about it."
Bulong niya sa'kin.

Tiningnan ko ulit ang walang-buhay na katawan ni Lianne, lalong nanginig ang mga kalamnan ko.

Hinila ako ni Ken palayo.

"Don't look! Awww—"

Doon lang ako nahimasmasan nang makita ang duguan niyang balikat.

A Night With My Husband's BrotherWhere stories live. Discover now