CHAPTER 13

11.1K 181 19
                                    

Tahimik lang kami habang pauwi ng bahay. Nasa frontseat si Ken, katabi ko naman si Mama dito sa backseat.

Malungkot ako na masaya.

Malungkot kasi di ko masabi sa tatay ng magiging anak ko na sya yung ama nitong dinadala ko.

I can't be wrong, si Ken ang ama ng dinadala ko!

At masaya, kasi syempre masarap na feeling ang maging ina.

🎶Last night, I lay in bed so blue, and I realized the truth,
They can't love me like you🎶

Napakislot ako nang biglang tumunog ang phone ko. Agad na kinuha ko ito sa bag.

Bff.Loka calling....

"Hello Bruha? "

"Hello, Bruha?? Pasensya talaga at di kami nakapunta sa libing ni Borgy kanina ah? Alam mo naman, maselan ang pagbubuntis ni akech. Pupuntahan nalang kita maybe next next day."

"Pareho na tayo Bruha."

Wala sa sariling sabi ko sa kanya. Nakagat ko tuloy ang ibabang labi. Knowing Yvette, alam kong tatadtarin ako nito ng mga tanong at preachings.

"Anong pareho?!  Bundat ka na rin? Kailangang ikwento yan, pero teka- paano yan? Wala na si Borgy?"

I bit my lower lip even more. Ayokong pag-usapan ito ngayon dito.

"Ahm..  Mag-usap nalang ulit tayo mamaya, Bruha. Pauwi pa kasi kami ngayon eh. Tatawagan nalang kita mamaya."

"Sige bru, ingat kayo! "

Agad na pinatay ko na ang tawag.

Nahagip ng tingin ko ang mga mata ni Ken na nakatingin sa'kin sa salamin. Agad naman siyang nagbawi ng tingin.

Pasimpleng inilagay ko ang isang kamay sa impis pang puson.

Kaya natin 'to, baby! Alam kong siya ang tatay mo, pero wala akong lakas ng loob na ipagsigawan sa kanya ito. Dahil alam kong hindi rin naman siya maniniwala sa'kin. Coz for him, I'm a slut, a freakin' whore and cheating wife of his late brother! Kasalanan ko rin naman baby eh. Kung nilayuan ko na sana siya nung una pa lang ay hindi sana magiging ganito ang lahat. Di sana ako mahuhulog ng todo sa kanya. Di sana mangyayari ang gabing 'yun. Di ka rin sana mabubuo. At hindi rin sana siya magagalit sa'kin ngayon. Pero huli na eh, nangyari na ang nangyari. Puro nalang sana at pagsisisi ang natira.

Kinokonsidera ko rin yung mararamdaman ni Mama 'pag nalaman niya.

Ano nalang ang sasabihin niya sa'kin, na tinuhog ko ang dalawang anak niya?!

Ayokong masira ang magandang pakikitungo nito sa'kin. Dahil alam kong kamumuhian din ako nito kapag nalaman niya na ang katotohanan.

******

"Mom,  kailangan ko nang bumalik ng Negros bukas. May tatapusin pa akong trabaho dun, then I'll flight back to China the next week. Nailibing naman na si Borgy kaya magpapaalam na rin ako. I promise, I'll come back."

Narinig kong sabi ni Ken kay mama habang pumapanhik ako sa hagdan.

Ibayong lungkot ang lumukob sa puso ko nang marinig iyon.

Aalis na siya, baby! Iiwanan niya na tayo.

Dali-dali akong pumanhik sa itaas at pumasok sa kwarto.

Lumuluhang naupo ako sa gilid ng kama.

Four weeks!  Four weeks na akong buntis and I'm pretty sure na si Ken ang ama nito at hindi si Borgy! Yung nangyari sa'min happened over a month ago! Fertile ako no'n eh!

A Night With My Husband's BrotherWhere stories live. Discover now