CHAPTER 14

10.8K 192 13
                                    

Sumisikip ang dibdib ko habang tinitingnan si Ken mula sa bintana ng kwarto habang abala ito sa paglalagay ng mga gamit sa back compartment ng sasakyan nito.

He's leaving.

Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdamang naiiyak na ako.

Gusto ko siyang pigilang umalis. Gusto kong ipagsigawan sa kanya na mahal na mahal ko siya. At gusto kong sabihin sa kanya na anak niya itong dinadala ko. Pero wala akong lakas ng loob para isaboses ang mga ito.

Pinahid ko ang mga luhang nagsisimula nang maglandasan sa mga pisngi ko.

Goodbye Ken. Hihintayin ko yung pagbabalik mo. At sana magkaayos na tayo sa susunod nating pagkikita. Mag-iingat ka. Mahal na mahal kita.

Napatago ako sa kurtina nang biglang  tumingin si Ken sa direksyon ko.

Nakita niya ba ako?

"Mag-iingat ka sa byahe, anak ha?"
Dinig ko pang sabi ni Mama sa kanya.

Sumilip ulit ako sa bintana at nakita kong nagyakap silang mag-ina.

Gusto ko ring yakapin siya ngayon nang napakahigpit. Pero hanggang gusto lang 'yun, di ko magawa dahil takot ako, dahil galit siya sa'kin, dahil isa na lamang akong estranghero para sa kanya ngayon.

Nanghihinang napaupo ako sa kama nang makita kong sumakay na siya sa sasakyan niya at pinaandar ito.

"Bye Ken! "
Nanlulumong sabi ko sa kawalan sabay hagulgol.

Kinuha ko yung teddy bear na bigay nya at niyakap ito, imagining it was him.

Lumipas ang mga araw. Dumating ang ikasiyam, maging ang ika-apatnapu't limang araw ng pagkamatay ni Borgy pero walang Ken na nagpakita.

Yung gusto nang mamatay ng puso ko kasi sobrang pagkamiss sa kanya.

Saksi ang mga unan at kumot ko sa pag-iyak ko gabi-gabi.

Walang gabing hindi ko hinihiling na sana bumalik na siya. Sana lumambot na yung puso niya sa'kin at pakinggan ang mga paliwanag ko. Sana magkaayos na kami. Sana... Sana bumalik na siya...

Pero di na siguro sya babalik pa. Nawawalan na ako ng pag-asa eh. Alam kong malabo na. Matinding poot ang nararamdaman niya ngayon para sa'kin. Wala na akong puwang sa puso niya. Sinara na niya ang pinto para sa'kin.

"Hija? Napansin ko lang, nangangayayat ka na. I have told you not to stress yourself out. Tinetake mo pa ba ang vitamins na binigay sa'yo ng doctor? Maybe, we should see your doctor today. Nag-aalala na ako sa'yo eh."

Tinanguan ko lang si Mama.

Tatayo na sana ako sa sofa para magbihis nang tumunog ang doorbell.

Ilang sandali pa ay lumapit ang isang katulong sa amin at tinawag si Mama.

"Ma'am?"

"Yes?"

"May bisita ho kayo."

Di-makapaniwalang napatitig kami ni Mama sa tao'ng nasa likuran ng katulong.

Nakalabas na pala sya ng ospital?

"Trixie..."
Sabay pa naming sambit ni Mama sa pangalan nya.

Umiiyak na lumapit ito sa amin.

"Tita! Camille!"

Naupo ito sa tabi namin ni Mama.

May benda pa ito sa noo at braso.

A Night With My Husband's BrotherWhere stories live. Discover now