CHAPTER 16

10.6K 195 8
                                    

CAMILLE'S POV

Awtomatikong napasimangot ako nang tumapat ako sa full-length mirror dito sa kwarto at makita ang repleksyon sa salamin.

Ampangit ko na!

Tumataba na ako tapos nangingitim pa yung kilikili ko.

Pero agad rin akong napangiti nang bumaba ang tingin ko sa malaki ko ng tiyan.

Ambilis lang talagang lumipas ng panahon.

Mag-wawalong buwan na yung tyan ko. Malapit ko nang makita ang baby ko!

Lalong lumaki ang ngiti ko sa naisip.

Alam niyo bang lalaki yung baby ko?
Nagpa-ultrasound kasi kami ni Mama nung 6 months pa yung tyan ko at dun namin nalamang lalaki sya.

Ano kaya ang magiging mukha ng baby ko? Syempre, gwapo! Gwapo yung tatay at maganda naman yung nanay eh.

🎶Last night I lay in bed so blue, and I realized the truth,
They can't love me like you!🎶

Dali-dali kong kinuha yung phone ko nang tumunog ito.

Bff.Loka calling.....

"BRUUUHHHHHAAAAAAA!"

Automatic na nailayo ko agad ang cellphone sa tenga.

"WAG KA NGANG SUMIGAW, VETTE!"

"PUNTAHAN MO 'KO DITO!  TANGNA!  NASA TRABAHO SI JERIC!  DI KO SYA MAKONTAK KAYA IKAW NALANG!  AAAHH—!"

Nataranta ako.

"HUH? BAKIT? ANONG NANGYARI?"

Pati ako ay napapasigaw na rin.

"ANG SAKIT! MANGANGANAK NA ATA AKO, BRUHAAAA! PUNTAHAN MO NA AKO DITO! AAHH—"

Lalo akong nataranta sa narinig.
Natampal ko ang noo ko.

"Oo nga pala!  Kabuwanan mo na nga pala ngayon! Hintayin mo 'ko diyan!"

Dali-dali akong bumaba.

Sino ba naman kasi ang hindi matataranta 'pag nalaman mong nag-iisa lang yung bestfriend mo sa bahay nila at manganganak na!

"Dahan-dahan lang, Hija!  Baka nakalimutan mong buntis ka."
Saway ni Mama sa 'kin nang makita ako nito.

Dun ako natauhan at biglang napahinto sa huling baitang ng hagdan.

Oo nga pala! Buntis nga rin pala ako. Hays, sa sobrang pag-aalala ko para kay Yvette ay nakalimutan kong buntis rin ako!

"Why are you in a hurry?"

Dali-dali kong nilapitan si Mama nang maalala ko si Yvette.

"Manganganak na ho kasi yung bestfriend ko Ma. Wala ho siyang kasama ngayon dun sa bahay nila. Nasa trabaho kasi yung fiance niya at di niya ito makontak, tapos yung mga magulang naman niya ay nasa ibang bansa ngayon."
Tuloy-tuloy na paliwanag ko kay Mama.

"Let's go then. Sasamahan na kita! Buntis ka pa naman."

Ngumiti ako.

"Salamat ho, Ma."

-------------------------

🎶Last night I lay in bed so blu--🎶

Sinagot ko agad ang tawag ni Yvette.

"BRUUHHAAA!  MAPAPATAY KITA!  SAN KA NA BA?!"

"Papunta na dyan, Vette. Kalma ka lang ah?  Hingang malalim. Breathe in. Breathe out."

A Night With My Husband's BrotherWhere stories live. Discover now