CHAPTER 9

11.8K 191 5
                                    


"Finally! You're home! "

Napapiksi ako sa gulat nang bumungad sa'kin ang boses ng asawa the moment I entered the Santillana's mansion.

Nakaupo lang sya sa sofa habang may hawak na isang kopita ng alak sa isang kamay.

Napaatras ako nang tumayo siya at tiningnan ako nang nanlilisik ang mga mata.

Napaatras pa ako lalo nang dahan-dahang lumapit siya sa'kin.

"May nakakita sa'yo. Andito ka na raw three days ago pa! Tell me, may kabit ka 'no?!"

My whole body shivered in fear.

Mas lalo pa akong natakot nang hablutin nya 'yung braso ko at hinila papasok sa kwarto namin.

"A-ANO BA BORGY! MASAKIT!"

Pabalibag na binitawan nya ako sa kama namin.

Hindi ko napigilang umiyak sa sobrang takot na nadarama ngayon.

"MASAKIT?! MAS SOBRA PA DYAN ANG MATATANGGAP MO SA'KIN KAPAG NALAMAN KO KUNG S'AN KA NITONG NAKARAANG TATLONG ARAW!  SA LALAKI MO BA HA, CAMILLE?!"

Nanlilisik pa rin ang mga mata nya.

Lalo akong nahintakutan nang marahas na piniga niya ang magkabilang pisngi ko.

Lalong nanginig ang kalamnan ko sa takot.

" SUMAGOT KA! SA LALAKI MO BA HA?! KAYA BA HINDI KA NAGAPARAMDAM SA'KIN HABANG NASA PROBINSIYA KA? HINDI NAMAN SI TATAY ARNOLD ANG PAKAY MO DUN KUNDI 'YUNG LALAKI MO! SINO SIYA CAMILLE HA?! SINO?!"

Piniga nya pa lalo ang pisngi ko.

Wala akong magawa kundi ang umiyak sa takot at sakit.

Narinig kong tumunog ang pinto ng kwarto hudyat na may marahas na pumasok mula rito.

"BORGY!"

Lihim na nagpasalamat ako nang marinig ang boses ni Mama Fely.

Binitawan naman agad ako ni Borgy nang makita ang ina.

Sumiksik ako sa headboard ng kama at umiyak.

"What's with you, Borgy?! Kakabalik lang ng asawa mo ay sinasaktan mo na agad! Hindi gawain ng isang mabuting asawa yan!"

Hindi pinansin ni Borgy ang ina, nanatiling nakakuyom ang mga kamao nito, at mabilis na lumabas ng kwarto at iniwan kami.

Niyakap agad ako ni Mama nang mapag-isa kaming dalawa sa loob.

"Hush now, sweetheart. I'm very sorry about that, Hija. I really don't know what's going on with him these past few days, he was very irritable. I'm really sorry. Wait, I'll just call Ellen. Magpapakuha lang ako ng isang basong tubig para inumin mo to calm you down."

Tinanguan ko lang si Mama.

Nang bumalik ito ay agad na pinainom sa'kin ang isang basong tubig na dala.

I remained silent until she left the room.

"ANO?! SINAKTAN KA NIYA?! ULIT?!"

Awtomatikong nailayo ko ang cellphone sa tenga nang sumigaw si Yvette sa kabilang linya.

Kinuwento ko kasi sa kanya ang nangyari kanina.

"Nagsumbong ka na ba kay Tito Arnold?!"

"Alam mong wala akong planong magsumbong sa kanya, Yvette!"

A Night With My Husband's BrotherWhere stories live. Discover now