CHAPTER 20

10.8K 193 9
                                    

(Dedicated this chapter to VHemanth23, ikaw talaga yung una-unang nagkocomment dito. Lovelotss 😘😘 Ingat ka lagi😘)

****
KEN'S POV

Tulog na sina Mom at Lianne pero 'di pa rin ako makatulog.
Panaka-nakang sinusulyapan ko yung orasan sa dingding ng kwarto.

10:21 na ng gabi pero 'di pa rin siya umuuwi!

Ilang sandali pa ay may narinig akong tumigil na sasakyan sa harap ng bahay. Mabilis na lumabas ako ng kwarto at bumaba sa salas.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang inihatid ng isang lalaki si Camille. Sumandal ako sa gilid ng pinto habang nakahalukipkip na nakamasid lamang sa kanila.

"Salamat sa paghahatid sa'min, Jeric ha? "
Nakangiting pasasalamat niya sa lalaki.
Natutulog sa mga bisig niya ngayon si Ethan.

I clenched my jaw. Gawain niya na talaga 'to noh? Ang manglalaki!

Dinala niya pa si Ethan sa mga kalokohan niya!

"Wala yun,Cam. Di ka na rin iba sa'kin eh."

Naikuyom ko ang mga kamao habang pinagmamasdan silang naglalandian sa harap ko. Di nila ako napansin kasi may kadiliman sa gawi ko.

Matapos magpaalam ng lalaki sa kanya ay agad na itong humarurot paalis.

Agad namang nawala ang ngiti ni Camille nang makita niya akong nakatayo dito.

Lalagpasan niya na sana ako pero mabilis na hinawakan ko yung braso niya.

"Ihatid mo muna sa itaas si Ethan at bumalik ka agad dito, mag-uusap tayo!"
Maawtoridad na utos ko sa kanya.

Blangkong tiningnan niya lang ako at mabilis na tumalikod na parang walang narinig.

Lalong nagngitngit ang kalooban ko sa inasal niya.

"Kailangan nating mag-usap, Camille!"

Napatigil siya sa paglalakad at humarap sa'kin.

"Wala ng dapat pag-usapan pa, Ken. Galit ka sa'kin, di ba?  Bakit gusto mo na akong makausap ngayon?"

Natigilan ako.

Tama nga naman siya pero andami kong gustong itanong sa kanya.

Andami kong gustong klaruhin! Kasi andami-dami nang bumabagabag sa isipan ko ngayon. Kailangan ko ng mga sagot!

"BASTA BUMALIK KA DITO!"
Masungit na utos ko sa kanya.

Di siya sumagot bagkus ay tuluyan niya na akong tinalikuran.

15 minutes..

20 minutes

25 minutes.. 

Wala pa rin siya!

Nagpupuyos na ang dibdib ko sa galit.
Ginagalit talaga ako ng babae'ng yun!

Umakto akong pupuntahan na sana siya sa kwarto niya nang makita ko siyang bumababa ng hagdan at nakapantulog na.

Lukot ang mukhang nilapitan ko siya.

Maling galaw nga lang ang ginawa kong paglapit sa kanya dahil nasamyo ko ang mabangong amoy niya na nakakapanlambot ng kalamnan. Unti-unting nalulusaw ang galit sa dibdib ko para sa kanya. Parang gusto ko siyang yakapin ng napakahigpit ngayon at sakupin ang malalambot niyang mga labi.

Get a grip of yourself, Ford! Wag mong hahayaang madala ka ulit ng babae'ng 'to! Wag ka nang magpapaloko pa ulit sa kanya!
Saway ko sa sarili.

A Night With My Husband's BrotherWhere stories live. Discover now