Napapansin ko din ang pagiging touchy niya sa mga babaeng model. Hindi ko na lang pinapansin dahil maiinis lang ako.

Una pa lang talaga wala na akong tiwala kay Renzo. Malay ko ba kung ano ang nag udyok kay Vice kung bakit pinagbigyan pa niya ng isa pang pagkakataon ang lalaking 'yon.

Ininom ko na ang kapeng naitimpla ko. 'Yung kape na gigising sa akin sa katotohanang walang kami. Ang sarap sa pakiramdam ng mainit na dumarampi sa lalamunan ko. This is life.

Binaling ko ang tingin sa cellphone na tumutunog. Tawag ito mula kay Anne.

"Akala ko ba no work today?" Bungad ko. Nakaplano talaga ang linggo ko na magliwaliw. Para na rin ma relax kahit papaano.

"'Yun nga e. Alam ko naman na naka schedule na 'yung araw mo ngayon. Pero sis ka-katanggap ko lang ng text from Miss Jennifer. Ngayon daw siya nagpa schedule ng photo shoot sa Bataan."

"So kailangan pumunta tayo ngayon don? Hindi ba pwedeng magpahinga muna?" Tinatamad kong saad.

"Two days tayo don. Kinabukasan photo shoot."

Nangalumbaba na lang ako at ginulo ang buhok. Ang hassle. "Sige, mag aayos lang ako ng gamit." Sabi ko at binaba na din ang tawag.

Pagkalabas ko ng bathroom ay sumalubong kaagad sa'kin ang cellphone ko na walang humpay sa pagtunog. I immediately answer the call from Vice.

"O bes?" Tanong ko.

"Cancel lakad natin today." Sabi niya.

"'Yun nga din sana sasabihin ko. May pictorial akong pupuntahan." Segunda ko habang namimili ng damit sa cabinet.

"May pupuntahan nga din ako ngayon e. Next time promise. Matutuloy na talaga 'yung bulalo trip natin. " Narinig ko ang pag hagikhik niya sa kabilang linya kaya napangiti na lang din ako.

"Sige sige. Ingat ka ha. Saan punta?" Nagsimula na akong mag damit at ini-loudspeaker ko na lang ang phone para marinig ko pa din siya.

"Ewan ko ba kay baby boy. Inaya lang ako kaagad." Sagot niya at humagikhik na tila ba'y kinikilig.

Napangiti na lang ako ng tipid na may kahalong pait. Wala naman na talaga akong magagawa, kundi suportahan siya. I want to see him happy again, although not with me.

"Ah. Sige bes gayak lang ako."

Binaba ko na ang tawag at huminga ng malalim. Smile, Karylle. H'wag masyadong magpa apekto. Idaan mo lang lahat sa ngiti.

"Wala kayong lakad ni wakla?" Tanong ni Anne habang nasa byahe kami.

Sa kanila na ako sumabay para hindi masyadong hassle. Kung gagamitin ko man 'yung sasakyan ay baka mapano lang ako. Malayo-layo rin ang Bataan.

"Mayro'n. Postpone, girl." Walang gana kong sagot. Ipinahinga ko lang ang ulo ko sa head rest at sinubukang magpatianod sa antok. Ngunit subalit datapwat ay naudlot ito dahil nagsalita muli si Anne.

"Sayang. Wrong timing naman kasi 'yung pictorial. Moment niyo na sana 'yon." Sabi niya na may panghihinayang sa tono ng kanyang pananalita.

Napangiti na lang ako sa ideyang boto si Anne sa magiging relasyon namin ni Vice in the near future. "Nga pala, kasama ba 'yung anak ni Miss Jennifer sa pictorial?" Nawala sa isip ko kanina. Baka kaya sinama ni Renzo si Vice dahil pupunta din siya sa Bataan.

Shit.

"Oo naman. 'Yun pa bang mahangin na 'yon mawawala?" She laughed. Nahawa rin ako sa tawa niya.

So hindi lang pala ako ang nakakapansin sa pagka mahangin ni Renzo. Dalawa kami ni Anne or worse baka kaming lahat na nasa studio ay may tinatagong inis sa kanya.

Our Twisted Fate ✔Where stories live. Discover now