Lihim 2: Chapter 8- Lasing..

Começar do início
                                    

Nang makarating ako, pinagmasdan ko ang dalagang katabi. Tulog na tulog na ito. Napailing ako sa malakas nitong paghilik.

Tinapik ko ang pisngi nito para gisingin ngunit tanging ungol lang laging tugon nito.

"Tsk!"

Lumabas na ako sa aking sasakyan at umikot sa may gawi nito.

Baka abutin kami ng pagsikat ng araw kung gigisingin ko pa siya. Nang mabuksan ko ang pinto sa gawi nito.. yumuko ako at binuhat siya.

May sumalabong sa'king guwardiya at binati ako. Tumango lang ako at nagtuloy-tulay maglakad.

Hindi naman ako nahihirapang kargahin siya dahil sobrang gaan lang niya.

Tumuloy na ako sa may elevator..




Pagkapasok ko sa unit ko, muntik ko na siyang mabitawan.. at ang hindi ko inaasahan ang magsuka ito mismo sa may dibdib ko.

Napamura ako ng mahina..

Nagmadali akong ihiga siya sa may sofa. Agad akong pumunta sa banyo at nagtanggal ng damit. Nagpasya akong maligo ng mabilis.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay agad kong binalikan ang dalaga nang makarinig ako ng kalabog.

Napailing ako.. ang likot pala niyang matulog. Inilapitan ko siya at natawa ako ng marinig ko malakas pa rin nitong hilik.

Binuhat ko ulit siya at inihiga pabalik sa sofa. Bumalik ako sa kwarto at kumuha ng basang towel para ipamunas sa mukha nito.

"How will I change her dress? Tsk!"

Nang matapos kong mapunasan ang mukha at mga kamay nito. Pinunasan ko na rin ang damit nitong may suka.

Binuhat ko ulit ang dalaga at pinasok ko sa may silid ko. Dahan-dahang inihiga ko siya sa may kama.

"Bahala na.."

Kumuha ako ng puting tshirt at pajama..bago ko pinatay ang ilaw. Isindihan ko ang lampshade na katabi lamang ng kama ko.

Umupo muna at pinagmasdan ang himbing na himbing na dalaga.

"How will I remove her dress?"

Inalalayan kong iupo ang dalaga.. nakaramdam ako ng matinding kaba  nang matitigan ang mukha nito.

She's beautiful..

"Haist ano ba pinag-iisip ko?! Paano ko tatanggaling suot niya?!"

Kinakabahan humawak ako sa likuran nito at kinapa ang damit nito nagbakasaling may makapa akong zipper.

Okay.. I found the zipper..

Dahan-dahan kong ibinaba ito.. pakiramdam ko pinagpapawisan ako.

Nang maibaba ko ang zipper ng damit nito.. hinawakan ko ang magkabilaang braso nito at nag-iwas ako ng tingin dito. Ibinaba ko ang damit nito. Nang maibaba ko, inihiga ko ulit siya habang nakatingin pa rin ako sa may gilid ko. Nang maihiga ko siya agad kong hinila pababa damit nito.

What now?! Paano ko namang siya bibihisan?!

Napadako tingin ko sa kumot.. bingo! Ito nalang muna.. kinumutan ko nalang siya. Hindi ko magagawang bihisan siya.

Nang masiguro kong maayos na ito.. agad akong lumabas ng silid bitbit ang isang unan..

Maymay's POV

Haist! Ang bigat-bigat ng ulo ko.

Uupo sana ako nang may biglang magsalita sa kung saan kaya napatalukbong ako ng kumot sa mukha.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora