[ 24.1 ] Simple Date

Start from the beginning
                                    

"Oo, seryoso ako"

Bahagyang nadismaya si Steffi sa sagot ni ZAC.

'Ang dami daming pwede puntahan pero perya pa ang naisip niya. Una, couple shirt, ngayon naman perya. Ano bang gusto niyang mangyari?'

Pilit na itinago ni Steffi ang pagkadismaya at ngumiti siya bago siya humarap kay ZAC.

"Of all places, bakit sa perya pa?"

"Ayaw mo ba?"

"H-hindi sa ganun. I just want to know why chose this place. Pwede naman kasi na sa theme park tayo pumunta pero perya ang gusto mo"

"Hindi pa din kasi ako nakakapunta sa ganito"

"Gusto mo enjoyin ang sarili mo kaya dito tayo pumunta?"

"Hindi sa ganun. Tinanong ko si Kurt tungkol dito. Best friend mo yun kaya sa kanya ako nagtanong at ito ang sinabe niya?"

"Bakit ganito?"

"Gusto niya kasing mabalikan mo kung ano ang kagaya ng buhay mo noon"

"Si Kurt ba ang kadate ko? Bakit--"

"Geneere, gusto ko maranasan din natin yung kagaya ng date ng iba. Yung simple lang. Gusto ko yung naiiba. Yung date na kahit simple lang, mageenjoy ka. Puro na lang kasi tayo dinner sa restaurant. Hindi ka ba nagsasawa?"

"Yun nga ba talaga ang dahilan?"

"Oo. Gusto ko din na mabalikan mo kung sino ka noon, tayo. Ito yung date na sana nagawa natin noon kahit naghihirap tayo"

"Ang drama mo, ZAC. Oo na! Ang dami nga lang tao"

"Kung nirentahan ko ang buong perya, hindi na magiging simple to. Tara"

"H-ha?"

Bigla siyang hinila ni ZAC papasok doon pero bago pa man sila pumasok ay pumila muna sila.

"Ang daming tao. Mageenjoy kaya tayo?"

"Trust me, you will"

Hindi gusto ni Steffi ang set-up ng date nila pero alam niya na wala na din siyang magagawa. Nang makapasok na sila sa loob ay pinagtitinginan sila ni ZAC.

'Pinagtitinginan na naman si ZAC. Bakit ba kasi ang gwapo niya?'

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now