"D-dito na yung room ko." Sabi niya sa akin at huminto siyang maglakad.

"Ihahatid na kita sa loob." I told her.

"Hailey, okay na, dito na lang." Protesta niya at para pang nahihiyang tumingin tingin sa paligid. "Pumunta ka na lang sa klase mo."

Wala na siyang nagawa nung hinila ko siya papasok sa loob ng classroom nila at inihatid siya hanggang sa tabi ng nakangangang si Spencer.

"K-kayo na?" Bungad niya sa amin na pinaglipat lipat ang tingin sa akin at kay Stef at sa magkahawak naming mga kamay.

"No." Agad na tanggi ni Stef.

"Yes." Sabi ko naman na nakangisi.

Nagbaling ng tingin sa akin si Stef at pinandilatan ako. At parang narinig ko yung pagsinghap ng mga kaklase niya ng mabilis na hinalikan ko siya sa labi at nagpaalam na akong pupunta na sa klase ko.

"I'll see you this lunch break, babe." Nakangising sabi ko sa kanya at lumabas na ako ng classroom nila.

Hindi mawala wala yung ngiti sa labi ko kahit na nagdi-discuss sa harapan yung prof. namin. Parang namimiss ko agad si Stef. Gusto ko lagi ko siyang kasama.

Sinundo ko ulit si Stef sa kanyang classroom since memorize ko naman yung schedule niya at kung saang classroom siya naroon.

"May kasama ako magla-lunch." Nakasimangot na tanggi niya sa akin ng sinundo ko siya.

Inaaya ko kasi siyang sumama sa akin sa tambayan namin ng mga pinsan ko para sabay na kami kumain ng lunch pero tumatanggi siya dahil nga daw kasama niya si Spencer. Hindi ko naman pwede ayain dun yung kaibigan niya.

"Okay lang ako Stef." Sabad ni Spencer sa usapan namin.

"Sayo okay, pero sa akin hindi." Nakairap pang sabi niya sa kaibigan.

"Halika na." Sabay hila ko sa kamay niya pero matigas talaga yung tanggi niya.

"Ayoko nga sabi eh!" Medyo malakas na yung boses niya. "Bakit ba kasi kailangan ko pang sumama sayo dun? Makakakain ka naman kahit wala ako." Dagdag pa niya.

Hindi ako kumibo basta tinitigan ko lang siya ng matiim. Pero di niya iyon pinansin, sinamaan pa ako ng tingin.

"Lika na Spence, sa cafeteria tayo." Hinila niya sa kamay si Spencer at naglakad na papunta sa cafeteria.

I let out a soundful breath para kalmahin yung sarili ko. Ang tigas talaga ng ulo!

"O?" Mataray na sambit ni Stephanie ng hinawakan ko yung kabilang kamay niya at sumama sa kanila sa cafeteria. "Akala ko ba ayaw mo dito."

"Shut up will you?" Naasar na sabi ko. "Or gusto mo ako mismo magpatahimik sa bibig mo?" Hamon ko sa kanya.

"Hmp." Ismid niya sa akin.

Nangingiti lang naman sa tabi niya si Spencer. Nag-order na ko ng pagkain namin ni Stef.

"Ang dami mo namang pagkain." Sabi niya sa akin ng bitbit ko na yung tray at tumabi sa kanya. Sa kabila naman si Spencer na tahimik lang na nakatingin sa aming dalawa.

"Sayo yung iba." Sabi ko.

"May baon ako." Sagot niya.

"Next time wag ka na magbabaon." Saad ko sa kanya.

Bigla siyang natigilan saka manghang napatingin sa akin. "Pati ba naman pagbabaon ko pakikialaman mo pa?"

"Stop using that tone on me, Stephanie or I'll make you regret it?" Banta ko sa kaniya.

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα