Chapter 2: Birit

5.7K 145 7
                                    

Chapter 2: Birit

Alas dos ng hapon napatigil ang pawisang Christian sa tapat ng gate nina Rochelle pagkat nandon si Frank. "Tito good afternoon po" bati ng binata. "Choobs, pawis na pawis ka" sabi ng matanda kaya umaligid sa likuran niya si Rochelle.

"Galing ako sa hardware tito" sagot ng binata. "Walking is good for you, pumayat ka" sabi ni Frank. "Konti lang tito" sabi ng binata. "So what did you buy?" tanong ni Frank. "Sinira kasi ni Rochelle yung sprayer niyo" sabi ng binata.

"Choobs!" sigaw ng dalaga kaya lumingon si Frank at nakita anak niya. "Choobs naman e, bakit mo sinabi?" tanong ng dalaga. "E magtatanong si Tito, mapipilitan ako ipakita ano binili ko tapos makikita niyo tong pink na sprayer head. Pagdududahan niya na ako no" sagot ni Christian kaya natawa si Frank pero nilingon niya ulit anak niya.

"The other day, I asked you and you said you just dropped your glasses case" sabi ni Frank. "Sorry dad...Choobs kasi e" sagot ng dalaga. "So you dropped the sprayer head" sabi ni Frank. "Yes papa, and its leaking but Choobs said he could fix it" sabi ni Rochelle.

Huminga ng malalim si Frank, binuksan yung gate at pinapasok yung binata. "Hmmm you grew taller too" sabi niya bigla. "Oo nga daw po pero konti lang po" sabi ni Christian. "Tumangkad ka ba?" tanong ng dalaga saka tumabi sa binata.

"Ay oo, hala bakit ganon? Mas matangkad ako sa iyo dati ah" sabi ni Rochelle. "Yung taba kong naalis naging tangkad" biro ni Christian kaya natawa si Frank. "So aabot ka pala ng seven o eight footer" banat niya kaya natawa si Rochelle.

Sa loob ng banyo ininspekyson ni Frank yung sprayer head. "It is leaking dad" bulong ni Rochelle. "I can see that" sabi ng matanda saka nagsqueeze. Lumabas yung tubig at tumama ito kay Christian na napatili na parang babae.

"Hahahaha daddy!" sigaw ni Rochelle. "Cold..cold coooold" kabig ni Christian kaya natawa si Frank. "What is happening? Sino yung sumigaw?" tanong ni Rina na sumingit sa loob. "He still screams like a girl" sabi ni Frank.

"Daddy you did that on purpose?" tanong ni Rochelle. "Frank! Loko loko ka, kawawa naman yung bata. Look at him he is wet" sabi ni Rina. "Okay lang tita, teka lang po balutin ko lang nito tong bagong head" sabi ni Christian.

"What is happening here?" tanong ni Rina. "Rochelle broke the sprayer head, its leaking" sabi ni Frank. "Sabi ko na nga ba e, I scolded your brother this morning kasi akala ko siya yung nakasira" sabi ni Rina.

"Sorry na ma, pero aayusin na ni Choobs o" sabi ng dalaga. "Why is it pink? Diyos ko mag inaarte nanaman kapatid mo nito" sabi ni Rina. "Tita kasi po mas matibay ang plastic pagdating sa ganito. Yan po sabi sa akin ng tubero noon...aaaayyy" hiyaw ni Christian nang sinindi nanaman ni Frank yung sprayer.

"Hahahaha daddy!" sigaw ni Rochelle. "Frank! Will you stop it" sigaw ni Rina. "Eto akooooo basang basa sa ulaaaan" biglang birit ni Christian habang binabalot ng Teflon tape yung dulo ng bagong sprayer head.

Laugh trip yung tatlo kaya inagaw ni Rochelle yung sprayer at binasa yung mukha ng kaibigan niya. "Enough kawawa naman siya" sabi ni Rina. "Why tita? Di niyo ba namiss boses ko?" landi ng binata. "Come on get it done already" sabi ni Frank.

"Baklasin mo yan Rosh, pero takpan mo agad ng thumb mo, akin na eto hawakan mo nalang pala to" sabi ng binata. "Ako na" sigaw ng dalaga. Binaklas dahan dahan ni Rochelle yung sprayer head, "Choooobs" sigaw niya nang tumatagas na yung tubig. "Bilisan mo tapos takpan mo agad ng thuuum...Rosh aaaaay" hiyaw ng binata.

Super natawa yung mag asawa pagkat hindi natakpan ni Rochelle yung kabilang dulo, pagtakip niya ng thumb hindi buo ito natakpan kaya nagkaroon ng pressure at matalim na pwersa ng tubig ang tumama sa mukha ng binata.

STALKERWhere stories live. Discover now