Chapter 36: Encounter

3.5K 86 13
                                    

Chapter 36: Encounter

Todo kamot si Christian sa ulo niya, si Frank palakad lakad habang sina Rochelle at Rico natatawa. "I am sorry, pero mas maganda talaga sa garden. Sige naman na para makita naman nila yung garden ko" sabi ni Rina.

"Para saan po ba ito?" tanong ni Christian. "Ay Choobs kasi nga mataas na position ni daddy diba so every Christmas he sends out photos to his employees and friends. Parang greetings lang. Tapos sa close friends of the company he sends them goodies baskets with a picture of our family. Nagstart ito last year" sabi ni Rochelle.

"Ah, parang yung natatanggap niyo lagi dati na galing sa boss ni tito?" tanong ng binata. "Ayon nga, e si daddy na bossing so ginaya niya" sabi ni Rico kaya natawa tuloy si Frank. "Di naman sa ginaya, parang sign of thanks lang to the employees and of course sa big clients and company friends konting regalo naman" sabi niya.

"Sa garden nalang please" sabi ni Rina. "Okay, lets go. Choobs mag set up ka nalang sa labas" sabi ni Frank. "Pero tito diba magbabago yung settings?" tanong ng binata. "Yes, ako na bahala. Paki set up nalang sa labas please" sabi ng matanda.

Sa hardin tumabi si Rochelle kay Christian, "Ang mahal nitong camera ng papa mo" sabi ng binata. "I know, pero nakamura siya kasi nabili niya lang yan sa dating boss niya. Papa was so happy nung binenta sa kanya yan half price tapos kasama na mga lenses at other stuff"

"Alam mo naman si papa he does not want to spend for himself e, pero last year talaga nagpaalam siya sa amin para bilhin yan. Ang nakakatawa lang e sobrang ingat siya diyan, isang gamit, hala sige linis agad" kwento ng dalaga. "Hiramin ko sana para kami din pero naisip ko wala si ate kaya wag nalang" sabi ng binata.

"Ay oo nga no, sayang sana kumpleto kayo" sabi ni Rochelle. "Next time siguro pag General si papa, sure ako uuwi si ate non" sabi ni Christian. "Will you make up your mind?" sabi ni Frank kaya si Rina natatawa na. "I don't know, saan ba dito sa garden ang may best spot?" tanong niya.

"Pang New Year na ito tita" biro ni Christmas. "Pang three kings yan, knowing mama. Baka pang Easter photo shoot na ito" dagdag ni Rico.

Ilang minuto lumipas todo simangot si Rochelle, "Choobs are you tired?" tanong ng dalaga. "No, ang dali ng trabaho ko e. Pindot lang ng shutter ilang beses" sagot ng binata. "Okay sa loob naman" sabi ni Frank. "Bakit pa?" tanong ni Rina. "Para mamaya mamili ka nalang" sabi ng asawa niya.

"I have an idea, since naka kuha tayo ng shots dito on five different locations tapos kukuha tayo sa loob ng isa. E di iba ibahin niyo ang ipada niyo sa friends niyo. Sa employees kunwari yung shot sa loob, yung mga kaibigan na gusto pasikatan ni tita ng garden niya e ipadala yung shot sa garden" banat ni Christian.

Super halakhak si Rina, "Alam mo tama ka e, yun naman talaga ang probelma dito e. Yung gusto niya pasikatan na mga kaibigan niya" sabi ni Frank. "Oh come on, eventually sasabihin ko sa kanila yung totoo. Malay niyo magkaroon ng summer income si Christian, syempre we shall charge them" sabi ni Rina.

"Wow, good idea ma!" sabi ni Rochelle. "Rico Boy, kung magkakatotoo man yan ibakante mo schedule mo ng summer" sabi ni Christian. "Sige ba, pag iipunan ko yung PS4 ko kasi ayaw nila ako bilhan" sabi ng bunso. "Pano ang baba ng mga grado mo, pasado nga pero ang baba. Panay basketball ka kasi" sabi ni Christian na nauna na pumasok kaya napatingin si Rico sa mga magulang niya. "You heard him" sabi ni Frank.

Sa loob ng bahay tuloy ang sermon ni Christian habang inaayos yung tripod. "Alam mo Rico Boy wag kang makikinig sa iba na aanhin mo yung sobrang grades. Ako aminado ako tamad ako, sapat na sa akin yung pasado pero nagagalit si mama sa akin"

"Nag effort ako Rico Boy, tapos nalaman ko yung essence ng tinuturo nila sa akin. Why do I need to get high grades? Una para sa atin din yan e, syempre pag maganda ang grades mo e mapapansin ka agad ng future employers mo. Tignan mo ate ko, grabe yon mag aral ang tataas ng grado niya"

STALKEROù les histoires vivent. Découvrez maintenant