Chapter 4: The Rose

5K 112 14
                                    

Chapter 4: The Rose

"Choobs labas ka dali" sabi ni Rochelle sa text. "Maya, pinagpupunas ako ng kotse" sagot ng binata. "Saglit lang kasi, sige na ang tagal naman e" sagot ng dalaga kaya napakamot ang binata at lumabas na siya ng gate.

Nakita ng binata ang kaibigan niya na may hawak na rosas kaya nilapitan niya ito sa may gate nila. "Ano?" tanong ng binata. "Eto o" sabi ng dalaga. "Roses, o bakit yan?" tanong ni Christian. "I found it here, mag eexercise sana ako dito pero may napansin ako may parang stem na lumilitaw sa mailbox" kwento ng dalaga.

"May card? Sulat?" tanong ni Christian. "Wala e" sagot ni Rochelle. "E loka loka ka bakit mo inaamoy? Baka mamaya may lason yan" sabi ng binata. "They are roses, I love roses" sabi ng dalaga. "E so you mean to say you love your stalker na?" landi ng binata.

"Baliw! Kadiri na stalker, pero in fairness itong roses gusto ko" sabi ng dalaga at biglang bumukas yung gate at sumilip si Rico. "Rico Boy" sabi ni Christian. "Kuya Choobs, uy roses" sagot ni Rico. "Doon ka nga sa loob nag uusap kami" sabi ni Rochelle.

"Ikaw masyado kang mahigpit sa kapatid mo" reklamo ni Christian. "Hindi naman, uy pero alam mo nung lumipat kami, laging bukang bibig niya if may nakilala siyang new friend, dikit ko si Choobs, yung siga sa amin. Basta ganon lagi intro niya dikit daw niya yung siga" kwento ng dalaga kaya natawa si Christian.

"As if naman sikat ako at hindi naman ako siga" sabi ng binata. "I know pero you spoiled him, ikaw ang loko loko kasi yan yung nabuong image sa isipan niya na siga ka dito. Kaya nga doon sa new place namin noon hay naku lagi siya magkwekwento about you" sabi ng dalaga.

"To fit in lang yon, siyempre bagong lugar, wala siyang kilala kaya ganon ang sinasabi niya para naman matakot konti yung mga taga doon. Don't worry it's a guy thing. Like for example napadpad ako sa isang lugar, syempre ikaw yung dayo doon pero if may kilala ka don sasabihin mo na ay dikit ko si ganito, para lang naman to say that hindi ka naiiba"

"Kung wala kang kilala then you start name dropping para may sindak ka din konti at di ka maliitin. Do not worry it's a guy thing, its how we adapt" sabi ng binata. Bago makasagot yung dalaga bumukas yung gate at tumaas ang mga kilay ni Frank habang titig sa mga rosas na hawak ni Rochelle.

Mga mata ni Frank napunta kay Christian, "No..no tito..no" bigkas ng binata kaya napaisip si Rochelle at bigla nalang natawa. "No?" tanong ni Frank. "Daddy hindi" sabi ng dalaga. "Hindi? E san galing yan?" tanong ni Frank. "Ah eh hiningi niya kasi tito punta kami cemetary later" palusot ni Christian.

"Hmmm we are going there too" sagot ni Frank saka tinignan yung rosas at anak niya. "Daddy hindi" sabi ng dalaga kaya tumalikod ang ama niya at naglakad palayo. "Oh man" bigkas ni Christian pero tumunog naman yung gate nila.

"Christian..ay hello Rochelle. Oh sorry sige mamaya nalang" sabi ni Conrad. "No daddy! Wait hindi" sigaw ni Christian. "Thanks Choobs" pacute ni Rochelle kaya ang binata nagpanic. "Daddy hindi! Bruha ka talaga Rosh...daddy magpupunas na ako" sabi ng binata.

"Hindi na, ako na. Carry on anak" sagot ni Conrad kaya super natawa si Rochelle habang si Christian humaplos sa mukha niya. "Bruha ka Rosh" sabi ng binata. "Sira, I just saved you from making punas" sagot ng dalaga. "Oo nga no, pero magkaka issue yan, sasabihin niya sa mama ko tapos mamaya isipin nila nililigawan na talaga kita e" sabi ng binata.

"Sus ligaw agad, pwede naman welcome back gift" sabi ng dalaga. "Welcome back ka dyan e ang tagal niyo nang nakabalik" sabat ni Christian. "Isipin mo, if I go inside the house with this, tanong nila san galing? Sa tingin mo anong sasabihin ko? Gusto mo ba pagalitan nila ako?" tanong ni Rochelle.

STALKERWhere stories live. Discover now