Chapter 26: Shift

4K 97 8
                                    

Chapter 26: Shift

"Choobs punta ako sa inyo" basa ng binata sa text. "Wala ako sa bahay" sagot ni Christian. "Anong wala? Kakahiwalay palang natin" sagot ni Rochelle sa text. "Makikipagbalikan ka agad? Wala bang time to mourn?" biro ng binata. "Siraulo ka talaga. Sige na papunta na ako dala ko si Seph" sabi ng dalaga.

"Wala ako sa bahay" reply ng binata pero narinig na niya boses ni Mashel. "Nandito si Rochelle" sigaw ng kasambahay. Papabangon palang yung binata sa kama pero pumasok na agad sa kwarto niya yung dalaga. "Nandito ka agad?" tanong niya.

"Ano ba ginagawa mo? Iniisip mo si Francesca ano?" tanong ng dalaga saka pinakawalan yung tuta sa kama ng binata. "Come puppy.." bigkas ni Christian at agad lumapit yung tuta. Niyakap ng binata yung aso saka pumikit. "Choobs baka mapisa mo, to naman o" sabi ng dalaga.

"Hindi, tignan mo alam niya e. Tignan mo o nahiga din naman agad at gusto matulog" sabi ng binata. "Bakit inaantok ka?" tanong ni Rochelle. "Medyo, parang gusto ko magnap" sabi ng binata. "Wag na, naiinis ako sa bahay. Ayaw bitawan ni mama si Seph. Kaya nung nag CR siya kinuha ko tapos pumunta na ako dito" sabi ni Rochelle.

Hindi sumagot ang binata kaya naupo ang dala sa dulo ng kama saka siya nag bounce bounce. Kumahol yung tuta kaya ang binata naupo at napakamot sa ulo. "Wag ka na kasing matulog" sabi ni Rochelle. "Fine, ano ba problema mo?" tanong ni Christian.

"May nakita ako kasing watch na binebenta online kaya lang worried ako baka scammer yon" sabi ng dalaga. "What watch? Bakit ba bibili ng relo e may relo ka naman na" sabi ng binata. "Sira na o, ang tagal na nito o" sabi ni Rochelle. "Bakit mo hindi inaalagaan yung mga regalo ko sa iyo?" tanong ni Christian.

"Duh! Five years na ito, o nasan yung matching watch mo aber? I don't see you wearing it" sabi ng dalaga kaya tumayo ang binata saka binuksan drawer niya. "Ayan" sabi niya kaya tumayo ang dalaga saka nagulat.

"Choobs! Grabe ka" bigkas ng dalaga. "Bakit?" tanong ng binata. "Napaka OC mo grabe. You still have the box, bakit ang dami mong relo?" tanong ng dalaga. "Mga regalo sa akin, pati nga old cellphone ko meron pa o" sabi ng binata. "Gumagana pa?" tanong ng dalaga.

"Oo naman" sabi ng binata. "Hala, this one is new" sabi ni Rochelle saka nilabas yung isang karton. "Oo bigay ng uncle ko pero ayaw ko gamitin" sabi ng binata. "Sira, gamitin mo para same tayo ng phone" sabi ng dalaga. "Sus, sa dami ng snatcher at mando ngayon sayang lang pag mawala" sabi ng binata.

"Kesa naman ginagamit mo yang old phone mo na parang bibigay na" sabi ni Rochelle. "Ginagamit ko naman dito as bahay" sabi ng binata. "Yeah right, yang bulok phone mo regular sim pa ata yan, eto nano sim na" sabi ng dalaga kaya natawa si Christian. "Fine, e di gamitin" sabi ng binata.

"Here let me help you" sabi ni Rochelle. "Ako na, lipat sim lang naman e" sabi ng binata. "Yeah right..." sabi ng dalaga pero nagulat siya pagkat pag alis ng sim e nakita niya nakasuot ito ng adapter. "O ano? Nagpapalit sim na ako no, libre naman palit sim at retain number ah. I told you I was already using this phone" sabi ng binata.

Inagaw ng dalaga yung sim at yung bagong phone, "Hoy Rosh" sigaw ng binata. "Hahahaha dito mo tinatago mga sikreto mo! Alam ko!" sabi ni Rochelle. "Hoy respect for privacy naman, kung phone mo nga hindi ko pinapakialaman e" sabi ng binata. "Ayan o sa bed, pakialaman mo na kung gusto mo" banat ng dalaga.

"Ano ang tinatago mo dito?" landi ni Rochelle kaya naupo sa kama ang binata saka kinandong yung tuta saka hinimas himas. "Tsk, Choobs ano yung code mo?" tanong ng dalaga. "Hahahaha ano ngayon ha?" sagot ng binata.

"Six numbers...hmmm mahuhulaan ko yan. Pero ikaw bahala maglolock ito pag naka ilang error ako. So ano code mo?" tanong ng dalaga. "Rosh naman e, respect for privacy naman" sabi ng binata. "Hmmm ikaw siguro yung stalker ko ano?" tanong ng dalaga saka tumawa.

STALKERWhere stories live. Discover now