Chapter 50: Breaking Point

3.5K 94 10
                                    

           

Chapter 50: Breaking Point

"Choobs are you awake?" tanong ni Rochelle saka kumatok. "Can I come in?" hirit ng dalaga pero walang sumasagot. Kumatok ulit siya saka sumuko at nagtungo sa kusina kung saan nandon nanay niya.

"Late ba umuwi si daddy at Choobs?" tanong ni Rochelle. "No, siguro around ten" sabi ni Rina. "Its already eight at tulog pa siya. Parang hindi si Choobs yan" sabi ng dalaga. "Let him sleep" sabi ni Rina kaya nagsimangot ang dalaga.

"Malapit na pasukan e" sabi ni Rochelle saka may narinig siyang sigawan at tawanan sa loob ng guest room. Sumugod siya, binuksan agad yung pintuan at nakita yung maliit na flatscreen TV, game console at si Christian at Rico sa floor.

"Naglalaro lang pala kayo?! Kanina pa ako kumakatok" sigaw ng dalaga kaya tumawa ng malakas si Rico. "Parang hindi ikaw e, sabi ko fake Rosh yan kasi ang tunay na Rosh papasok nalang basta basta yon" sabi ni Christian.

"Excuse me, may respect for privacy din ako" sabi ni Rochelle. "Oh good morning Rosh" landi ni Christian kaya bungisngis si Rico. "Grabe kayo, kanina pa ako kumakatok" sabi ng dalaga. "Duh, one time lang nga e" sabi ni Christian. "Pero sana sumagot ka, wala man lang sumagot e" reklamo ng dalaga.

Tumayo si Christian saka naupo sa kama, "Sorry na" sabi niya kaya tumabi si Rochelle at tinadtad ng kurot ang kaibigan niya. Laughtrip si Rico pero pinagsisipa siyang pabiro ng dalaga. "Kayong dalawa ha, grabe kayo. I just wanted to check on you" sabi ni Rochelle.

"Sorry na, gusto ko lang maglaro pero nahihiya ako maglaro sa salas" sabi ng binata. "Bakit ka nahihiya?" tanong ng dalaga. "Basta, kaya dito kami naglaro. Sorry na ha" lambing ni Christian. "Okay, pero mukha kang inaantok pa naman" sabi ng dalaga.

"Medyo, ewan ko ba I feel so lazy. Alam mo ba yon yung parang wala ka sa mood para sa kahit anong bagay?" sabi ni Christian. "Wala sa mood pero naglalaro kayo" sabi ni Rochelle. "Mali ata nasabi ko, yung parang okay sige game pero nawala ako ng gana agad. Now I feel lazy, alam mo yung ganon?" tanong ng binata.

"Yeah, so ano gusto mo pa matulog?" tanong ni Rochelle. "Di ko nga alam e" sagot ng binata saka pinatong paa niya sa balikat ni Rico. "Hoy kuya!" sigaw ng bunso pero tinuloy ni Christian na idikit paa niya sa pisngi ng bunso kaya humalakhak ng husto si Rochelle.

"Kuyaaaa" sigaw ni Rico pero paa ng matabang binata humaplos na mismo sa kanyang mukha. Halos mabaliw sa tindi ng tawa si Rochelle, lumuhod si Rico pero nag dive si Christian para itackle ang bunso. "Kuya mapipisa ako" sigaw ni Rico pagkat pumatong ang binata.

Tumayo si Christian saka tinignan si Rochelle, "Choobs maawa ka" sigaw ng dalaga kaya umakting na tatalon ang binata, ang dalaga napasigaw pero si Rico natawa nang naupo lang ang matabang binata sa tabi ng dalaga saka umakbay.

"Rosh as in wala ako sa mood, ano gusto mo gawin? Tara gawin natin yung gusto mo" sabi ng binata. "Tara magpadei at mani tayo kahit sa kanto lang may parlor don" sabi ni Rochelle. "Tara" sagot ng binata kaya natawa ng malakas si Rico.

"Kakamanicure lang natin pala diba?" sabi ni Christian, "So? Pwede naman ah, oh gusto mo mag tanggal tayo ng blackheads?" tanong ni Rochelle. "Ah ano mga yon?" tanong ng binata. "Tara kikinis face mo promise" sabi ng dalaga.

"Naku delikado yan, baka dadami kaaway mo" landi ng binata. "Bakit?" tanong ni Rochelle. "Madami magakagusto sa akin, baka atakehin ka ng selos" sabi ni Christian kaya humiyaw ang dalaga, si Rico natawa ng malakas kaya sinipa siya ng ate niya palambing.

"Choobs ang kapal mo" sabi ni Rochelle. Umakbay ang binata saka sinandal niya ulo niya sa gilid ng ulo ng dalaga. "Kahit madaming aaligid, loyal ako sa iyo" landi niya. "Uy!" hiyaw ni Rico, "Hahahaha Choobs siraulo ka" sigaw ni Rochelle saka tumawa lalo.

STALKERWhere stories live. Discover now