Chapter 54: No Cuts

3.2K 100 19
                                    


Chapter 54: No Cuts

"Hindi pa ako ready pumasok, parang ang iksi ng bakasyon" reklamo ni Rico. "May usapan na tayo" sabi ni Rina. "Parang imposible naman na" sagot ng binata. "Well if you don't start then the longer you will have your own game console" sabi ni Frank kaya napaisip si Rico.

"Sa bahay nalang tayo kumain" sabi ni Rochelle. "Why anak? Are you not feeling well today? Kahapon napaka hyper mo" sabi ni Rina. "Ah..I am fine, feeling ko lang kasi tumataba ako. Take out nalang tapos kainin nalang natin sa bahay" sabi ng dalaga saka chineck phone niya.

"Your mama wanted to try the new Japanese Restaurant nearby" sabi ni Frank. "Ah okay sige po" sagot ni Rochelle saka pumikit at tinago phone niya. "Anak may sakit ka ba?" tanong ni Rina. "Wala po ma, you know pasukan na bukas tapos feeling ko tumaba ako. You know" sagot ng dalaga.

Samantala paglabas ng simbahan agad tinignan ni Christian yung phone niya. Walang new messages kaya nagsimangot siya. "Bakit ang bilis mo lumabas? Hinahanap ka tuloy ng tita Mary mo" sabi ni Conrad. "Ha? Ay hindi ko napansin, tinatawag niyo ba ako kanina? Sorry po kasi may nakasabay akong umiiyak na bata paglabas ko" palusot ng binata.

"Well nag iinvite siya sa restaurant nearby, come on at bihira mag imbita yan" sabi ni Carol. "O ate Mashel, saan ka naupo kanina? Nakipagkita ka sa boyfriend mo ano?" landi ng binata. "Nakaupo ako sa likuran niyo, kitang kita ko check ka ng check sa cellphone mo buong misa" sabi ni Mashel.

"Naku anak, tsk that is not good. Isang oras lang naman ang misa" sabi ni Carol. "Ah..sorry ma" bulong ni Christian pero dumikit si Conrad saka inabot sa binata yung susi. "He is waiting for an important message, come on son you drive" sabi ng matanda.

Ilang oras lumipas binuksan ni Rochelle bintana niya, nakita niya na wala pa yung kotse nina Christian kaya agad niya tinignan phone niya. Binuksan niya favorite contacts niya at aksidenteng napindot pangalan ni Christian na di niya namamalayan.

Pagkaupo ng dalaga nakarinig siya ng munting tunog. "Hala shoot" sigaw niya saka pinagpipindot yung red phone symbol. "Hala" bigkas niya pero sumulpot agad ang isang pop up sa screen.

Christian: Tumawag ka?

Rochelle: Ah, maling pindot lang. Sorry sorry

Christian: Ah okay.

Pumikit si Rochelle, naiinis siya sa sarili niya pagkat hindi niya alam ano susunod na isasagot niya. Habang nag iisip nakatanggap ulit siya ng mensahe.

Christian: Saan kayo? Dito kami sa super init na restaurant. Impyerno

Rochelle: Bahay na. Saan yan? Sino kasama mo?

Christian: Malapit sa church, naglibre tita ko. Parang pilit kasi dito pa

Christian: Parang impyerno sa init. Basang basa na shirt ko.

Rochelle: Loko, baka sira aircon

Christian: Walang aircon, parang spa na restaurant. No comment nalang

Rochelle: Ah okay. Sige pala text mo nalang ako later pag uwi na kayo

Christian: Okay. Sana nagsimba nalang tayo sa malapit. Sige later

Nainis si Rochelle dahil sa mga sinagot niya kaya nagdabog siya saka nagdive sa kanyang kama. "Love...begins with one hello" narinig niyang birit ni Rina kaya ang dalaga sumigaw saka sumugod sa hallway.

"Ma!" hiyaw niya. "What?" tanong ni Rina na gulat na gulat. "What..stalker ka" sabi ng dalaga kaya napaatras si Rina saka napanganga. "Anong stalker?" tanong ng matanda. "Oh my God, baka nakinig si tita Carol tapos nag kwentuhan kayo" sabi ni Rochelle.

STALKERWhere stories live. Discover now